Chapter 13(Revenge)

1.5K 27 0
                                    

Vian pov

Nandito ako ngayon sa room nakikinig ng music sa bago kong cellphone ng kinausap ako ni Trisha

"Vivian, Bakit hindi ka pumasok ng ilang araw? Dika Tuloy nakasama samin magtinda, Nakakaenjoy."Halatang masaya nyang saad, ngumiti naman ako bago nagsalita.

"Sorry nagkaproblema lang kase sa bahay, Hmm. Hindi ba binanggit sainyo ni Wesley? Nasabi ko kase sakanya."tinawagan ko kase si Wesley nung isang araw, para sabihing Hindi muna ako makakapasok at Hindi makakasama sa pagtitinda

"Ahh, ang sabi lang nya ay Hindi ka makakasama samin, Pero bibigyan ka namin ng grades kase kasama ka naman sa pagbi- bake, Hay oo nga pala. Ngayon natin malalaman ang nakakuha ng mataas na marka."Sayang di ako nakasama sakanila, Sigurado akong enjoy yun. Kasalanan kase ng Anastasia nayon.

"Okay.."Walang gana kong sagot.

Tumigil lang sya sa kakadada ng dumating na si Sir Rodrigo. Masaya syang Tumingin samin.

"Masaya ako dahil nag enjoy kayo. Pinapanood ko kayo habang nagtitinda. Sabi ko naman kase sainyo masaya eh. Ang arte pa ng iba dyan. Eh halata namang nag enjoy. Anyway, ngayon kona sasabihin ang nakakuha ng mataas na marka. So ang nakakuha ng 90 ay ang grupo ni Wesley! Sila ang nakita kong masipag na nagtinda, Wala silang pahinga pinaubos muna nila ang tinitinda nila bago sila kumain!" Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.

Nang natapos ang sona ni Sir Agad naman syang nagdiscuss ng panibagong lesson.

Nakinig lang ako sakanya kahit nakakaantok na.



Mabilis namang nagring ang bell. Ngumisi ako, Heto nanaman. Ipanalangin mong Hindi tayo mapalapit ng landas Anastasia



Naiinis ako sayo! Kung dati nananahimik ako pwes ngayon Hindi na! Lalaban ako!

Ng makapasok ako sa cafeteria hindi maiwasan ng mga tao ang tumingin sakin. Eh pano ba naman, Nakadress ang lola nyo! Nakadress na mamahalin.

Nagtataka siguro sila kung bakit ganito ang suot ko, Ganyan talaga kapag maganda sorry nalang sainyo BLEH!

Makapag judge kase kayo nung nalaman nyong Mahirap ako, Naku! Don't judge the book by its cover!

Napangisi ako ng matamaan ko si Anastasia kasama ang mga alipores nya. Sama ng tingin nya ah, I'm sure anytime mamamatay ako sa matalim nyang titig.

Ngumisi lang ako sakanya para lalo syang mainis sakin, Effective naman as usual




Lumapit sila sakin, gulo nanaman 'to for sure

"Try us Vivian!"Bungad nya sakin, Ngumisi ako. Matapang lang pala sya kapag may kasama Tsk! Tsk! Tsk!

"You're brave when they're here." Hindi nawala ang ngisi ko.

"How dare you!" Sigaw nya, Akmang sasampalin nya ko pero agad ko itong Hinawakan.

"Don't me Anastasia! I'm warning you! I repeat, You don't know me!"Inis na sigaw ko sakanya.

All the people here are looking at us but I don't care


"Hindi mo rin ako kilala Vivian Lyn!" Kaninang inis na inis na mukha ko ay napalitan ulit ng ngisi.


"I know all about you, Okay fine...ipapakilala kita sa lahat ng mga taong naririto."Bakas sa mukha nya ang inis sa'kin.

"Don't do that!"Malakas na Sigaw nya.

"Attention guys! I want you to know."Tumingin naman sila sa akin na para bang Hinihintay ang gusto Kong Sabihin."that the woman in front of me is a gangster!"Nagulat silang lahat sa Sinabi ko.


Liningon ko si Anastasia, Bakas sa mukha nya ang galit. Hindi pa ito sapat! Gusto kong magdusa ka sa ginawa mo kay mama!


"That's not true! Don't believe her! She's liar! "Bakas sa mukha nya ang kaba, yan ganyan! Ganyan din ako ng nawala si mama ng ilang araw samin ng kapatid ko! Kaba...


"I'm just saying the truth, now. If you believe her I don't care! Inuulit ko, nagsasabi ako ng totoo! Kasama nga sya sa mga Black tiger 'eh, Pero hindi sya marunong gumamit ng mga baril. HAHAHA So stupid!"Sarkasto akong tumawa kaya inis na inis nanaman ang mukha nya.


"I'm not stupid! Bit-"Hindi nya naituloy ang sasabihin dahil may nagsalita.


"Is that true?!"

Wait for my revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon