2017 ko ginawa ang kwento na 'to, I forgot my password. 2019 ay natandaan ko 'yung password nito, pinagpatuloy ko, share ko lang po naman!
___Andito kami ngayon sa sala nila mama at papa, si Janoh ay nasa kanyang kwarto pa, naliligo palang ito. Sasabay kasi sya sa akin sa skwelahan, meron daw itong practice sa isang subject.
"Mag iingat kayo,"
Paalala ni Mama sa amin pagkatapos mag-ayos ng aking kapatid. Tumango lang kami sakanya at hinalikan sya sa pisngi, ganoon din kay papa.
Nagmaneho na ako papuntang sa school, si Janoh ay tahimik dahil naglalaro ito ng mobile games. Ano pa ba ang uso ngayon?
"Stop staring! Baka mabangga tayo ate!"
Psh, binata na talaga ang kapatid ko. Napaka sungit na ngayon nito. Tinitignan lang ang damot damot. Ang gwapo naman kasi nya, syempre kapatid ko e.
"Psh!, you're just playing mobile legends! Nadidistract ka lang niyan e," saad ko dito habang nakatingin sa daan.
Humahalakhak ako nung huli dahil tinignan nya ako ng masama. Ang cute nya talagang mainis! Nang makarating kami sa school, naghanap ako ng magandang parking para sa kotse ko.
"Bye Janoh, goodluck to your practice!"
I kissed him on his cheeks. Kapag kinikiss ko sya, hindi naman sya maselan. Hindi naman nya iniiwas ang mukha nya kapag nilalapit kona ang ang aking labi sa pisngi nya.
"Bye ate! Goodluck ka din kay kuya!"
Namula ang pisngi ko kahit hindi ko alam kung sinong kuya ng sinasabi niya. Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon at dumiretyo sa classroom.
Umupo ako kung saan ang upuan ko, syempre. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. They're just insecure!
Dahil nairita ako, tinignan ko sila ng masama. Mga gaga!
"Bakit kayo nakatingin?"
Umiwas sila ng tingin ng lumapit ako sakanila. Aba? Kanina lang nung nakatingin ang kapal, tapos ngayon? Iwas iwas ng tingin?
"Si Anastasia kase,"
Tatalikuran kona sana, kaso ng marinig ko iyon ay napaharap ako ulit. Napano nanaman ba ang babaeng iyon?
"May ginawa nanaman syang masama."
Napakunoy ang aking kilay sa narinig ko. Hindi talaga titigil ang babaitang yon!
"Ano ang ginawa nya?"
Sinabi nitong may ipinost nanaman ito sa social media, kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan iyon.
Go to hell Vivian! It's your fault kaya pinatigil ni tita ang kasal! Mang-aagaw, malandi!
Napailing-iling ako, Nagpost sya sa mismong page ng school. Wala talagang hiya ang babaeng 'to.
Hinayaan kona lang iyon dahil wala naman akong pakelam sakanya. Kinuha ko ang earphone ko atska nilagay sa tenga. Linakasan ko ang musika para hindi ko marinig ang mga chismosang mga kaklase ko, ninamnam ko lang kanta kaya pumikit ako.
Nang mapagdesisyunan kong ihinto ang pagmumuni ko dito. Sakto namang pumasok si Anastasia at huminto sa harapan ko na nanlilisik at galit na hinarap ako, napangisi tuloy ako.
"What can I do for you?" Hindi ko alam kung bat 'yan ang lumabas sa bibig ko, parang gusto ng bibig kona lalo ko itong asarin.
"You btch! You ruined everything! Kasalanan mo ang lahat ng ito!"
Nagkunwari akong nalilito at walang alam sa mga pinagsasabi nya. Kunwari din ay nakakunot ang noo ko.
"What are you talking about? I don't know what you're saying."
"No! Don't act like you dont know everything Vivian! I know this is your planned!"
Nginisian ko ito ng mas lalo kinausok ng kanyang ilong. Nagpalakpak pa ako kung sakaling mamamatay sya sa inis.
"Ang galing mo naman Anastasia! Lahat ng kasamaan mo pinapasa mo sa ibang tao."
Sasampalin nya sana ako ngunit may pumigil sa kamay nya, kaya nasa ere ngayon ang dalawang kamay na iyon. Tinignan ko kung sino ito, bigla akong kinabahan nong makita ko ang malamig na titig nya. Ito ang sinasabi ng aking kapatid na goodluck daw kay kuya?
"Try to slap her. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka."
BINABASA MO ANG
Wait for my revenge (Completed)
Novela JuvenilMabait akong tao, Pero kapag pamilya ko dinamay nyo. Makikita nyo ang tunay na aso. - Hope you enjoy this story :)