Cute naman si Monica. Tsaka mukhang nasiraan na talaga ng ulo si Jill. Kaya ang kaharutan ko ang umiral.
Ako:
Monica, pwede ba kitang ligawan?
Natatawa ako sa sarili ko. Kalandian nga naman April. Nagring ang bell. Hudyat na tapos na ang recess namin. Nagvibrate rin ang phone ko.
Monica:
Oo. Pwede.
Napangiti ako. Namula ako. Damn! That easy? Hahaha!
As the class started, hindi ko na muna hinawakan ang phone ko. Nagfocus muna ako sa teacher kong nagdi-discuss ng lesson namin.
Uwian na. Niligpit ko ang mga gamit ko. Nag ayos atsaka niyaya si Maureen na sabay na kami umuwi. Kababata ko 'yan. Iilang dangkal lang talaga ang layo ng bahay namin. Nang mapapayag ko na siya, umalis na rin kami agad.
Kinuwento ko ang nangyayari sa'kin. Nakuwento ko rin na may bago akong nililigawan. Hinampas niya ako sa braso ko ng pagkalakas lakas.
"Alam mo ikaw April, 'yang kalandian mo nanaman pinapairal mo. Pinagsasamantalahan mo na mga tao. Hahahahaha! Umayos ka! Isusumbong kita kay tita." Sabi niya.
Ngumisi nalang ako at tinawanan siya. Nag asaran kami hanggang sa nakauwi na kami.
Muntik ko na makalimutan na may liligawan pala ako. Haha!
Speaking of, nagtext nga siya. At kagulat gulat ang mga pangyayari! Hahaha!
Monica:
Oo. Tayo na.
Walang pasubali. Walang warning warning. Hindi pa ako kumikilos, sinagot na agad ako. Hahahaha! Ano ba itong pinaggagagawa ko sa buhay ko!
Hinarot harot ko na muna siya sa text. Para naman makabawi sa biglaang pagsagot niya diba. Nagpaalam na akong matutulog agad dahil may laban ako bukas sa Arnis. Ayokong mag "I love you" dahil hindi ko pa naman talaga mahal. Akala ko matagal na ligawan. Di ko inaasahan ang pangyayari. Hahahaha!
Sobrang sarap ng tulog ko. Pagkagising ko ay dali dali akong nagpunta sa CR. Naligo at nagbihis. Naghanda ng gamit pang training.
Nakarating na ako sa Makati Park. Buti hindi ako nalate.
"Sir, good morning sir." Bati ko sabay lagay ng kamao sa kaliwang dibdib ko at nag bow. 'Yun ang tinatawag na courtesy sa Arnis. Tanda ng pagrespeto sa mga kapwa Arnisador at mga Guro. Nagbow rin si Sir Jay.
Nagsimula na kaming magtraining muna bago magpunta sa venue kung saan ang laban.
Pagkatapos ng training ay may nakakabwisit at nakaka-aligagang text si Jill.
Jill:
Sorry kahapon. Hindi ko alam pinag iiisip ko. Hindi pa tayo hiwalay ha. Good luck sa laban mo. I love you!
FUCK!!!! Nayari na! Pa'no na 'to?! Sabay sila ni Monica! Ay ewan ko na! Kinakabahan ako. Bigla namang nagtext 'tong si Monica. Lalo akong naghuramentado. Jusko! Ano bang gulo itong pinasukan ko!
Monica:
Good luck sa laban mo! I love you!
Nalintikan na. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi nalang ako nagparamdam sakanilang dalawa. Gulong gulo na utak ko. Mukhang hindi ako makakafocus mamaya sa laban ko.
Para hindi halata ay nagtext ako ng sabay sakanila. Tinatanong tanong ko kung kamusta sila at kung kumain na. Typical boyfriend style.
Kapag nalaman nilang sabay silang girlfriend ko ay pwede na akong lumipat ng bahay!
At dahil hirap akong magfocus, hindi ako nanalo sa laban ko.
Lumabas na muna ako at gulong gulo na ako. Jill naman kasi, ang lakas mo. Napaka siraulo mo. At ikaw Monica, bakit mo naman kasi ako agad agad sinagot, hindi man lang pinaabot ng isang araw. At ikaw self, ANG LANDI MO KASI. AYAN NAPAPALA MO SELF.
Gabing gabi na ng makauwi ako. Nakatulog ako sa sobrang sakit ng ulo ko at pagod.
Paggising ko kinabukasan ay kumain muna ng almusal. At nakaisip ako ng plano.
Ako:
Monica, S.O. lang tayo ah. Walang makakaalam na boyfriend mo ako.
Sinabi kong secret on kasi nga student teacher ako. Kalat ang pangalan ko. At kapag nalaman ito ni Jill ay paktay! Goodbye world!
Monica:
Sure, anything for you.
Aba eh buti nalang hindi nagtaka kung bakit ako nag request ng ganun sakanya. Pheeeeww. That was so close. I have to deal with Jill too.
Ako:
Baby, date tayo.
Jill:
Sure. Sunduin mo ako.
Success ang plano. Naligo agad ako at nagbihis. Bago pumunta sa bahay nila Jill ay nagtext akong papunta na ako at sinabi kong hindi dadalhin ang phone ko. Baka kasi mangulit yung isa. Malalagutan talaga ako.
Nanuod kami ng sine. Kumain kami sa isang fast foo chain. Naglakad lakad. Typical date. Ewan ko kung bat tuwing bumabalik sakin itong babaeng ito ay hindi ko matanggihan.
Dinaig ko pa ang tunay na lalaki sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. Ngayon lang 'to nangyari sakin.
Inihatid ko na si Jill. At agad na umuwi. Ang totoo niyan ay dala dala ko ang phone ko. Naka off lang para walang magvibrate. Nakatago lang ito sa pantalon ko. Pag bukas ko ay may message si Monica.
Monica:
Let's go on a date.
Siya na nagyaya. Paano na 'to! Naubos na ang pera ko dahil sa date namin ni Jill kanina. Nayari na! I dialed her number. Para mas maliwanag ang usapan.
"Hello?" Sagot niya.
"Monica, kasi ano eh, na-naubos yung pera ko kahapon. Pinanggastos ko. Ne-next time nalang tayo magd-date. Ba-babawi ako sayo." Ang kasinungalingan ko ay kotang kota na. Hindi ko na kinakaya sarili ko. Guguho na ako!
"Okay lang naman sakin. Kaso gusto ko ngayon eh. Ganito, ngayon ako muna ang taya. Next time ikaw na. Para fair. Rockwell na tayo magkita. Ingat ka ah. Bye! Love yah!" Hindi na niya ako hinayaang makasagot. Talagang gusto niyang makipag date sa akin. 3pm pa lang naman at may oras pa. Hindi na ako magpapalit.
Monica is a sweet girl. Hindi ko alam kung paano hihiwalay to ng hindi nasasaktan. She's too attached right now.
She asked me kung anong pagkain ang gusto ko, at dahil sa kumain na kami kanina ni Jill ay fries nalang ang sinabi ko.
We talked to get to know each other. Dahil kakakilala ko pa lang sakanya, niligawan ko agad at sinagot ako agad. We didn't have enough time to get to know each other more. Kaya siguro gusto niya ng date ngayon.
Medyo lutang ako kaya niyaya ko na siyang umuwi. Hinatid ko siya sa sakayan. Naglakad ako pauwi. Gusto kong mapag isa sa lahat ng kagaguhang pinaggagagawa ko. I need time to think.
I became a two timer. Di ko nagugustuhan ang bagay bagay. Magpapahangin na lang muna ako.
BINABASA MO ANG
She loves me, She loves me not.
Teen FictionI never thought that I'd love someone this long. Almost 5 years na mula nung maghiwalay kami ni Jenny. Yung magpaparamdam siya bigla. Na gustong gusto ka niyang makausap. She told me she misses me. She missed talking with me. Sabi niya, komportable...