Chapter Ten: TH

13 0 0
                                    

Sa wakas at natapos na ang isang linggo. Magkikita na kami ni Jenny!

Sa sobrang excited ay maaga akong pumasok. Mas maaga pa sa nakagawian ko na oras. Kung dati ay alas siyete ng umaga ay alas sais na ako pumasok ngayon. Nauna pa ako sa mga teacher sa faculty. Nauna pa ako kay Coach na dumating sa school.

Kapag naikikita ko si Jackie ay agad kong naaalala ang ate Jenny niya. Kung hindi dahil kay Jackie, hindi ko makikilala ang ate niya. Tinatawag ko na siyang kapatid, dahil dun din naman hahantong ang lahat.

Ako:

Yam. Good morning! Eat your breakfast first before doing anything else. Don't skip! Magagalit ako. Excited na akong makita ka. I love you yam.

Natapos na ang pagtuturo ko sa umaga. Kumain muna ako ng tanghalian bago dumiretso sa classroom namin.

Nagfocus muna ako sa klase namin. Dahil importante sakin ang unang dalawang subject. Science at Mathematics. Sa Science ay hindi ako nahihirapan. Dahil hilig ko. Pero sa Mathematics, kahit wala na akong maintindihan kung bakit kailangang hanapin ang x at y. Pinipilit kong intindihin. Lagi kasing palakol ang Mathematics ko. Minsan ko lang mapataas ng 80+.

Nang magring ang bell na naghuhudyat na recess na, nagmamadali akong bumaba. Nasa ground floor lang kasi yung room ni Jenny, eh ako nasa 3rd floor ang room ko. Kaya nagmadali ako.

This will be our first time seeing each other personally. Medyo kabado ako. Buti nalang at nakapang P.E. attire ako at hindi nakapalda. Lalaking gupit na ako pero babae parin kaya required na magpalda. Pasaway ako eh, kaya lagi akong nakapang P.E. attire. Minsan lang ako mag uniform.

Naaninag ko na siya. She's much more beautiful in person. Slow-mo ang datingan ng paglapit niya sa'kin. Ako nakatitig lang habang siya ay hiyang hiya. May mga kasama siyang kaklase niya. 'Yung isa ay kakilala ko. Malapit lang sa'min. Naging schoolmate ko rin siya noong elementary kaya kilala ko siya.

Nagpakilala yung isang kasama niya. Si Reg. Sa itsura pa lang ay halata na kung bakit naninigarilyo si Jenny. Wala akong hinuhusgahan.

Yung kilala ko naman ay si Angie. Ang pupula ng mga labi nilang tatlo. Si Jenny ay nakahalukipkip lang at hiyang hiya humarap sa'kin.

"Jenny! Harapin mo naman si April! Hahaha! Sasagut sagutin mo tapos di mo papansinin. Siraulo ka?" Sabi ni Reg. Napansin rin pala niya.

Tumawa lang si Jenny. Nakatitig lang ako sakaniya. Hindi ko tinatanggal ang mata kong nakatitig lang sakaniya. Slow-mo parin ang lahat. Naririnig ko lang ang mga tao sa paligid na nagpa-panic na dahil ang daming bumibili. Bigla niya akong tiningnan at agad ring umiwas ng tingin. Ano? Pangit ba ako? At hindi mo ako kayang titigan?

"Iphone yung cellphone mo?" Tanong ni Reg.

"Oo." Yung nakumpis kasi sa'king phone ay yung Nokia 2600 lang. Keypad. Eh nakatanga lang sa bahay 'tong Iphone 3g ni Papa kaya pinagsamantalahan ko na.

"Pahiram kami. May mga laro 'yan?" Dagdag ni Reg.

"Eh paano ko itetext si Jenny? Hahaha." Ang lakas nila manghiram. Kahit si Jenny ay nagulat na hihiramin nila ang cellphone ko.

"Hoy mahiya nga kayo! Haha!" Tawang tawa kaming dalawa ni Jenny sa mga kabaliwan ng dalawa niyang kaibigan.

Hindi kami nag-uusap. Nakakapraning. Patingin tingin lang kami sa isa't isa habang magkatabi.

"Sumabay ka nalang sa'min umuwi mamaya. Para maibalik namin phone mo. Sige na. Pahiram na. Hahaha!" Sabi ni Angie.

Tumingin na muna ako kay Jenny. Namumula na siya. Ako naman ay nasemento na ang paa. Hindi ako makagalaw. Hindi ko makakausap si Jenny ng ilang oras. Pumayag na ako. Maganda rin naman ang naisip nilang sumabay ako sakanila sa pag-uwi. Inabot ko ang phone ko tsaka nagpaalam. Malapit na kasing matapos ang recess kaya kailangan ng makabalik sa room. Hindi ko pa rin maipaliwanag kung gaano ako kasaya na sa wakas! Nakita ko na siya! Nakatabi ko pa! Kaso hindi kami nag-usap eh. Parang tanga lang. Kulot si Jenny. Ang ganda ng pagkaka-kulot ng buhok niya. Bagay na bagay sakaniya. Nahuhulog ako. Pa'no mo ako masasalo Jenny? Aber? Kung hindi mo ako kinakausap? Hahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She loves me, She loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon