Chapter Nine: FOURever

11 0 0
                                    

"So ano ba, You are mine? Pwede ba?" Hindi ko kinakaya mga pinagsasasabi ko. Dahil ako mismo kinikilig. Hahaha!

"Oo na. Hahaha ang harot mo..." Aniya.

"Oh bakit parang kulang, may karugtong ba yung sinabi mo?" Tankng ko.

"Oo mayroon. Hahaha!" Nako Jenny. Kung alam mo lang. Pulang pula na ako dito.

"Binibitin mo naman ako eh. Ano karugtong nu'n?"

"Oo na. I am yours, YOU ARE MINE yam." Sabi niya. Parang tinubuan ako ng pakpak. Pakiramdam ko lumilipad na ako.

"Yes Jenny. I am definitely yours, and YOU ARE MINE." Para akong babae kung kiligin. Muntikan ko ng makurot si Mama.

"Tayo na ba?" Pagtatanong ko.



Naghihintay lang ako Jenny.

"Hindi pa. Hindi pa kita sinasagot. 'Wag kang feeling diyan. Hahaha!" Aniya.

Nabasag ako sa sagot niya. Akala ko sinasagot na ako eh. Pinakilig lang pala ako. Hahahaha.

Ganito lang kami palagi. Kung hindi magkatext ay magkausap na sa tawag.

Maaga siyang natulog ngayon dahil pinagalitan siya ng Mama niya kasi lagi na siyang napupuyat. Parehas naman kami. Kaya ayos lang. Baka lalo akong ma-low blood kakapuyat.

Pagkagising na pagkagising ko. Mayroon agad siyang text.

Jenny:

Yam, oo na. Good morning. Mwa!

Ako:

Ito na ang pinaka masayang morning ko. Dahil sayo! Thank you G! My prayers are finally answered! I love you Jenny! I love you YAM! YOU ARE MINE! AT LAST!

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano ako kasaya. Para bang pwede na akong magpakain sa buong barangay sa sobrang saya!!!

JANUARY 04, 2013

Finally, she's mine. Hindi ako masyadong nag-a "I love you" sa babae kung hindi ko naman talaga mahal. Nag I love you na ako kay Jenny. Nakuha niya agad ang loob ko. Kuhang kuha. Sinalo pa ang puso ko.

Gusto ko siyang makita ng personal. Gusto ko siyang mayakap. Gusto kong hawakan kamay niya. Ang tagal pa kasi ng pasukan eh. Next week pa. Pero ayos lang yun. Susulitin ko ang bawat sandali sa oras na makasama ko siya.


Nagkataong pagkasagot niya sakin ay maraming utos si Mama. Hindi ko gaanong makausap si Jenny. Pinagagalitan rin kasi ako dahil puro phone nalang daw inaatupag ko. Kumilos kilos naman daw ako.

Hindi ko nasabi kay Jenny na sobrang busy ako.

May text nalang akong nabasa mula sakaniya...

Jenny:

Break na ta'yo.

Ano 'to? Gaguhan lang?

Ako:

Ha?! Bakit? Anong ginawa ko? Kakasagot mo lang sa'kin. Ano 'to?!

Naiirita ako. Bakit biglang ganiyan? Fuck!

Jenny:

Mas mabuti pa nung nililigawan mo ako. Sobrang sweet mo. Nung sinagot na kita, ang lamig mo na bigla.

Ako:

Sorry yam. Naging busy talaga ako ngayong araw. Nagkataon lang. Intindihin mo naman. Kakasagot mo lang sa'kin. Hindi pwede 'to. Hindi ako papayag.

Hindi niya ako nirereplyan. Biruin mo, naliligo ako habang nagtetext sakaniya na bawiin niya yung sinabi niya. Hindi na ako magkandaugaga. Sinabi ko lahat ng pwedeng sabihin. Na mahal ko siya, na hindi pwede sa isang iglap mawawala siya. Hindi ko na kinaya dahil hindi talaga siya nagrereply. Tinawagan ko nalang siya bigla. Una ay hindi niya sinagot. Pero nung pangalawa ay sinagot niya rin naman agad.

"Bakit?" Ang lamig ng tono ng boses niya. Nanghihina ako.

"Bawiin mo sinabi mo. Hindi pwede. Ayoko. A. Yo. Ko." Pinagdiinan ko talaga.

"Bigyan mo ako ng magandang dahilan." Hindi pa naman kami nagtatagal, ganito na agad. Pa'no pa kaya kung nagtagal na talaga kami? Lagot na.

"Jenny, YAM. Alam ko na kung bakit mo ako sinagot ngayong 04. Kasi FOURever ta'yo. Kaya hindi ako papayag na sa ganoong dahilan lang ay makikipag break ka na sa'kin. Hindi pwede. I love you yam. FOURever." I sounded so corny. But I'd rather be saying these corny things just to have her.

"Ayan, diyan ka magaling! Ang idaan ako sa mga pangbobola mo. Bolero ka. Oo na. Binabawi ko na. I love you too." Aniya.

Ganoon ba talaga ako ka-corny? Talagang bolero ako. Kaya kong mangbola Jenny, pero hindi kita kayang paglaruan. BOOM!

I LOVE YOU JENNY! FOURever!

She loves me, She loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon