I was in 3rd year high school nung makilala ko si Jenny Vasquez. I'm a student athlete at General Pio del Pilar National High School sa Makati.
Teacher's month, ako ang naatasan ni Coach Maricel (coach ko sa Track 'n Field) na magturo sa Grade 7 students niya. Grade 7 dahil sila ang batch ng K-12 program ng DepEd. Hindi man ako sanay magsalita sa harapan ay tinanggap ko ang opportunity na ibinigay ni Coach. Panghapon naman ang mga 3rd year kaya hindi conflict ang magiging schedule dahil pang umaga naman ang mga Grade 7. Ang nangyari ay papasok ako ng 7am hanggang 8pm ng gabi dahil sa ginagampanan kong pagiging Student teacher, Athlete at Student. Multi tasking.
Nagtry ang Track 'n Field team na sumali sa Jumping Rope Competition sa Makati. Habang naghahanda kami para sa Division meet ay nagt-training kami ng jumping rope. Balak ko na atang patayin ang sarili ko sa rami ng aking sinalihan. At hindi pa nagpatinag, nagtext sakin ang Coach ko sa Arnis. Kasali raw ako sa Batang Pinoy NCR Leg.
SUS GIATAY! PAKTAY NA!
Paano ko makakaya lahat ng 'to?!
Isang buong araw kong pinag isipan ng maigi kung paano ko ihahandle ang lahat ng ito.
Yung time managment ko ay maganda. Napagsabay sabay ko ang lahat ng 'yan.
Sa awa ng Diyos, nanalo ako ng Gold Medal sa Arnis. Pagkauwi ko ng Makati ay ina-announce ng MAPEH Department ang Achievement ko. Nakakaproud na proud ang school mo sa'yo. Kasunod ay nanalo kami sa Jumping Rope Competition. Ngunit hindi kami nanalo sa Track 'n Field. Paano ba naman eh pagod na pagod kami.
Hindi ko pa kilala si Jenny Vasquez sa mga panahong iyan. Dito nagsimula ang lahat....
BINABASA MO ANG
She loves me, She loves me not.
Teen FictionI never thought that I'd love someone this long. Almost 5 years na mula nung maghiwalay kami ni Jenny. Yung magpaparamdam siya bigla. Na gustong gusto ka niyang makausap. She told me she misses me. She missed talking with me. Sabi niya, komportable...