Chapter Five: BREAK

9 0 0
                                    

Lagi ko ng nakakatext si Jenny. Komportable ako sakaniya. Nagkakaintindihan kami. Matanda siya sakin ng isang taon. Kaya siguro parehas kami ng perception.

Ilang araw akong nag iisip. Palagi akong tulala. Magpapasko na.

Pumunta kami nila Mama at Papa sa Muntinlupa para sa family reunion/christmas party sa family side ni Papa. Pasko kasi ang birthday ng Lola ko kaya pinagsabay na.

Ang dami kong natanggap na regalo mula sa mga pinsan, tito at tita ko. Hindi naman kami mag-overnight dahil may pasok na si Mama sa trabaho kinabukasan.

Nasa bus na kami. Biglang may nagtext.

Jill:

Merry christmas sainyong lahat!
Care to text?
Gm.
I miss you.

Hindi na ako nagdalawang isip, nag reply ako agad sakaniya.

Ako:

I miss you too baby. Merry christmas!

Nagreply din naman siya agad.

Jill:

Ha? Hindi para sa'yo yung I miss you.

Kinabahan ako bigla. Ano ito!?

Ako:

Para kanino? May iba kana?

Jill:

Cool off na muna tayo.

Ako:

Sa break up rin naman iyan hahantong.

Hindi na siya nagreply. Iyan na rin ang huling pag uusap namin. Nasaktan ako. Karma ba ito sa nagawa ko?

Pagkauwi ay nagkulong lang ako sa kwarto. Umiiyak. Minahal ko si Jill. Ilang buwan rin kaming nagtagal. May Monica pa naman pero, hindi ko mahal. Ano na'ng gagawin ko?

Hindi ako nakatulog ng maayos. Ilang oras ko itong pinag isipan. Buo na ang loob ko. Buo na ang desisyon ko. Hindi ako deserve ni Monica. Hindi ko rin deserve ang mabait na taong gaya niya. Tinawagan ko nalang siya para masabi ang gusto kong sabihin.

"Hello? April? Napatawag ka?" Sagot niya.

"Monica, uhm. I have to tell you something. Sana maintindihan mo." Naluluha ako sa bawat segundo.

"Ano 'yon? Tell me. Maiintindihan ko 'yan."

"Don't take this too much. I want you to be happy." Masasaktan ko lang siya kapag ipinagpatuloy ko pa ito.

"Diretsuhin mo ako. 'Wag kana magpaligoy ligoy pa." Dama kong umiiyak na siya.

"Monica, I'm breaking up with you. I don't deserve a girl like you. Ayokong masaktan ka. Ayaw kitang saktan. Paalam na muna. Palagi kang mag iingat ha? Bye Monica. Thank you." Bago ko patayin ay narinig ko ang paghagulgol niya. Nakasakit ako.

Ngayon, wala na akong bigat na nararamdaman. Gumaan ang loob ko pero nalulungkot ako. Hindi ko rin kasi alam kung bakit biglang nag iba si Jill.

I was about to sleep when I recieved a message from Jill. Finally!

Jill:

I love you.

Sumaya ako bigla. Akala ko wala na talaga. Sakaniya ko na ibubuhos lahat ng oras ko ngayong bakasyon. Bago pa ako makapag type ay nagtext ulit siya.

Jill:

Ay sorry. Wrong send.

The fuck? All this fucking time Jill? I'm not the only one?! Wala rin naman akong karapatan dahil naloko ko rin siya pero, to think na akala ko nafall out siya eh hindi pala!

Hindi ko na binalak na magreply. Akala ko, magkakabalikan kami. Akala ko lang pala. Hahayaan ko na lang siya. Kung saan siya masaya.

Ginawa kong busy ang sarili ko. Naglinis ako ng bakuran. Naglinis ako ng kwarto nila Mama at Papa. Nilinis ko rin ang kwarto ko. Nilibang ko ang sarili ko.

Malapit na ang New Year's Eve. Sinamahan ko si Mama na bumili ng mga prutas at mga sahog sa lulutuin namin.

Naaalala ko parin si Jill. Kamusta na kaya siya? Si Monica kaya? Kamusta na rin?

Damn, I need to get myself together. I need a break!

She loves me, She loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon