Ilang oras lang ang tulog ko. Pero nagising ako ng may ngiting abot tainga sa mukha ko. First time kong magkaroon ng kausap sa phone ng midnight until morning. She gave me chills. I feel so friggin' happy.
Mula no'n hindi na naputol ang usapan namin ni Jenny. Ako ang laman ng mga GM niya at siya rin ang laman ng mga GM ko.
I never thought I'd feel this way about someone. Pero bakit ang bilis naman yata? Ang bilis ko naman yatang mahulog? Gusto kong dahan dahanin pero hindi ko maintindihan ang sistema ko. Masyado niya akong napapasaya.
Buong araw kaming magkausap. Hindi parin nauubusan ng topic. I love talking to her.
At dahil sa sobrang saya ko, biglang nagparamdam si Jill. Tumawag. Naghintay ako ng ilang sandali, nag isip kung sasagutin ko ba o hindi.
"Hello?" Dinig na dinig ko ang paghagulgol ni Jill.
"Bakit ka tumawag?" Hindi siya sumasagot. Patuloy pa rin siya sa pag iyak.
"Bakit ka umiiyak?" Bigla akong nanghina. Why? Why self? Why?!
"May bago ka na pala." Nagulat ako sa tanong niya.
"Anong bago? Wala akong bago." Sagot ko.
"Ah, s-sino yung Jenny? Sa GM mo?" Aniya.
"Kapatid ng isa sa mga estudyante ko. Kaibigan ko lang. Bakit?" Mas lalo siyang humagulgol. Pinatay niya ang linya. Nalulungkot ako. Dahil ba kay Jenny kaya siya umiiyak? Eh niloko niya lang rin naman ako. Bahala na.
Buong gabi ko ring kausap si Jenny. Wala eh, ang daming nagtetext pero siya lang yung nirereplyan ko. Siya lang gusto ng sistema ko. Bakit ganu'n?
May isa pang nagparamdam. Shit! Si Monica! Tumatawag!
"Monica? Bakit?" Rinig na rinig ko rin ang paghikbi niya.
"Alam mo ba nung nakipaghiwalay ka, nasa sinehan ako nu'n? Kasama ko si Mommy. Comedy yung palabas pero umiiyak ako." Nasaktan ko talaga si Monica.
"Monica, I really am sorry. Hindi ko sadyang makipag hiwalay sa'yo. Pero sana maintindihan mo. Sorry talaga." Katangahan ko rin naman kasi. Hay nako!
"Okay lang, naiintindihan ko naman. Sorry naabala pa kita. Bye." Pinutol niya ang linya.
Napaka makasalanan ko naman palang tao. Hindi ko rin naman inamin sakanilang dalawa na pinagsabay ko sila. It's just coincidence na sinagot ako ni Monica at kinabukasan binawi ni Jill ang pakikipaghiwalay niya. Doon na nagsimulang magkagulo ang lahat.
Hindi bale na, buti nalang nandito si Jenny. May rason pa ako para maging masaya.
Pero iba na ang nararamdaman ko eh. Hindi na saya. Kinikilig na ako kapag kausap ko siya. Bago pa ako mahuli, aamin na ako. Malay natin, baka may chance.
Ako:
Jenny, paano kung sabihin ko sa'yong gusto kita?
Kinabahan ako sa sinabi ko. Nasend ko na eh. Bawal na bawiin. Ang bilis ng pagpintig ng puso ko. Parang sasabog na ako!
Jenny:
Aba! Edi magtatatalon ako sa tuwa! Hahahahaha!
Anong ibig sabihin niyan!? Jusko! May gusto rin siya sa'kin?! Shit! I need to confirm this!
Ako:
May gusto ka rin sa'kin Jenny? Tama ba ako? Hahaha!
Jenny:
Oo eh. Hahaha!
Hapon pa lang ay buong buo na ang araw ko! Iba ka Jenny. Iba ka! Hahahahaha!
Ang usapan namin ay mas lalong naging sweet. Mas mabilis na ang pagrereply namin sa isa't isa dahil sa naganap na aminan.
Yung puso ko. Nahulog, pero nasalo! 3points for April!
Nagpaalam ako sakaniya na tatambay muna ako kanila kuya Randy. Kasama si Maureen. At ito ang malupit sa reply niya.
Jenny:
May babae kang kasama? Umuwi ka na lang!
Ako:
Bakit naman? Eh kaibigan ko lang naman mga kasama ko. Isang babae lang naman 'yon.
Jenny:
Eh basta! Ayokong may nakaaligid sa'yong babae!Ako:
Oh c'mon Jenny. Nagseselos ka?
Jenny:
Ang tanga mo naman pala. Hindi pa ba halata?
Ako:
Oh! Easy lang. Sorry na Jenny. Kaibigan ko lang 'to. Kababata ko. Wala kang dapat ikaselos. Ikaw yung gusto ko.
Jenny:
Siguraduhin mo lang ah!
Grabe naman palang magselos 'to! Hahaha! Ang cute niya magselos. Pero, napagtanto ko lang. Nabigla rin ako sa inasta niya. Parehas kaming may gusto sa isa't isa. Pero bakit ganu'n siya magselos? Gusto lang naman diba?
Hay. Ano ba kami? Kami ba? Tayo na ba Jenny? Ano ba tayo?
Naguluhan ako bigla doon. Territorial siyang tao.
Hindi na ako mapakali, kailangan ko na itong itanong sakaniya. Kailangan ko marinig mula sakaniya.
"Jenny, ano ba tayo?"
"Hindi ka naman nanliligaw eh." Sagot niya.
"Nagulat kasi ako sa'yo. Bigla bigla kang nagseselos. Hindi ako ready kanina. Hahaha. Pero ang cute mo palang magselos."
"Alam mo April, bolero ka talaga eh. Lagi mo nalang akong binobola."
"Hindi kita binobola Jenny. Totoo 'yun. Cute ka." Kahit hindi ko pa talaga siya nakikita. Makapag computer nga at mag online sa facebook. Ia-add ko siya.
"Jenny, may tanong ako eh." Umiiral nanaman ang kaharutan ko. Pero, iba si Jenny eh.
"Ano ba 'yon?" Tanong niya.
"Ah... Eh... Kasi ano eh... Kasi...." Nahiya pa ako sa lagay na 'to. Hahaha!
"Sabihin mo na! Dami pang paligoy ligoy eh. Hahaha!" Aniya.
"Pwede ba kitang ligawan?" Ayan na! Nasabi ko na. I'm crossing my fingers at the moment.
"Hahahaha. Oo. Pwede. 'Yun lang pala eh!" Hagikgik niya.
"Talaga!? Yes! YES! WHOOOOO!!!!" Hindi ko malaman ang gagawin ko! Sobrang saya ko!! Pumayag siya! Pumayag si Jenny!! Tawang tawa si Jenny na pagkagalak ko.
I'm the happiest man alive!!
BINABASA MO ANG
She loves me, She loves me not.
Novela JuvenilI never thought that I'd love someone this long. Almost 5 years na mula nung maghiwalay kami ni Jenny. Yung magpaparamdam siya bigla. Na gustong gusto ka niyang makausap. She told me she misses me. She missed talking with me. Sabi niya, komportable...