Itong 3rd year high school life ko ay marami akong babaeng napagdaanan. Pero iba si Jenny sakanila. Hindi ko alam kung anong mayroon si Jenny. Nahuhulog talaga ang puso ko sakanya. Isa ako sa mga taong mabilis ma-fall.
Natuto akong gumawa ng tula. Masyado kasi akong masaya. Laging long sweet messages ang pinapadala ko kay Jenny.
Inaamin ko na, na mambobola ako. Nadadala ko ang mga babae sa mga simpleng tula. Marunong ako maggitara. Sabi ng iba ay maganda raw ang boses ko sa pagkanta kaya mas nahuhulog sila sakin. Chick magnet daw ang mga pinaggagagawa ko. Iba ako sa mga tunay na lalaki.
Kapag may girlfriend ako, pinaparamdam ko kung gaano sila kahalaga sa'kin.
Minsan na rin akong nabulag. There was this girl na crush ko muna elementary. Syempre nung naging close kami, niligawan ko agad. And yes sinagot niya ako. Malaman laman ko ay may boyfriend pala siya. Pinerahan lang ako. Ang tanga ko diba? Huli ko na nalaman ang lahat.
Katext at katawagan ko na lalo si Jenny. Hindi ko na halos mabitawan ang phone ko. Buti nalang at mabilis magcharge ito. Pinagpapahinga ko naman pero sadyang ang bilis talagang magreply ni Jenny.
Nag paalam ako kay Mama na magcomputer ako dahil ia-add ko si Jenny sa Facebook.
Hanggang sa online na ako. Pagka-add ko sakanya ay nag-stalk agad ako.
Damn! Hawig sila ni Jackie. Slim nga lang si Jenny. But damn! She's so pretty! Her lips are so damn attractive. Now I'm beginning to like her more. She's beautiful inside and out.
She accepted my friend request. After I recieved that notification, I recieved a text from her.
Jenny:
Niloloko mo lang ako eh. In a relationship ka. Itigil mo na.
Sa simpleng text na 'yan ay kinilabutan ako. Agad kong tinanggal ang in a relationship status sa profile ko.
Ako:
Jenny, ano ka ba. Gusto kita. Walang iba. Matagal na yung nakalagay sakin at hindi ko tinatanggal. Sorry na. Natanggal ko na.
Inilagay ko kasi talaga 'yun para mukhang may girlfriend ako kahit wala. Pakitang tao lang. Haha! Pero dahil naghinala si Jenny ay tinanggal ko na ang nakagawian ko.
I made her my cover photo. It's just that I'm so proud to have her in my life right now.
Masyadomg mabilis ang lahat ng pangyayari. Sunod sunod ang mga naging girlfriend ko this school year. Nagkataon pang may napagsabay ako. Hindi ko talaga intensiyon 'yon.
Para sa'kin, kung kaya kong lokohin ang iba, si Jenny? Hindi ko kayang lokohin. There is really something about her. I respect her so much. Atsaka baka mayari ako ng kapatid nito. Si Jackie pa naman ang puno't dulo kung paano ko nakilala si Jenny.
Pagkauwi ko galing computer shop ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Gabi na rin kasi kaya magpapahinga na ako.
Hindi pa nagtetext si Jenny mula nung pagkauwi ko. Magkakalahating oras na. Pero wala pa'rin siyang text.
Bigla namang nagtext si Jackie.
Jackie:
Ate April, may sasabihin ako sa'yo. 'Wag kang maingay ha. Magagalit sa'kin si Ate.
Nabahala ako sa text si Jackie. Ano naman kaya 'yun? Nagreply ako agad.
Ako:
Ano 'yon? Kinabahan ako bigla sa sinabi mo.
Jackie:
Si ate, nasa labas. Nagyoyosi. 'Wag kang maingay ate April ah! Lagot ako do'n!
Bigla nalang kumulo ang dugo ko. Tataas ata altapresyon ko. Hindi ako makapaniwala. Naninigarilyo siya? Bakit?! Kailan pa?! Kung sabagay, eh noon din naman. Naninigarilyo ako, kaso sinubukan ko lang. Pero, babae siya. Bakit siya naninigarilyo? Medyo na-turn off ako.
Nagtext na ako sakaniya. Pinahalata ko ng naiinis ako. Pero hindi ko sasabihin na may sinabi sa akin si Jackie. Paaamin ko siya mismo.
Ako:
Nasaan ka?!
Naiirita talaga ako sa nalaman ko. Bakit Jenny! Bakit?!Ayan na at nagreply na siya.
Jenny:
Nas labas. Pauwi na. Sorry ngayon lang nagtext.
At dahil gigil ako, mas mabilis pa sa mabilis ang pagta-type ko.
Ako:
Anong ginawa mo sa labas?
Jenny:
Nag-isoy po.
Aamin rin naman pala agad eh.
Ako:
Anong isoy?
Nagmaang maangan ako kahit na alam ko naman na kung ano iyon.Jenny:
Yosi po. Haha!
At nagawa mo pang tumawa.
Ako:
Bakit ka nagyoyosi? Kababae mong tao naninigarilyo ka?
Jenny:
Makaganiyan naman 'to sa'kin! Bakit!? Marami rin namang ibang babae na naninigarilyo diyan ah!
At galit ka pa ah.
Ako:
Ang pangit tingnan Jenny!
At hindi niya na ako nireplyan. Aba bastos 'tong batang 'to. Pangit naman kasi talagang tingnan. Pero, nasobrahan ata ako. Nasaktan ko ata siya sa sinabi ko.
Wala akong magagawa. Doon siya masaya eh. Haaaaaay.
Ako:
Oo na. Sige na. Payag na akong magyosi ka! Hanggang tatlong stick ka lang. Pag sumobra ka sa tatlo, bahala kana sa buhay mo.
Ang tanga ko rin ano? Nagalit galit pa ako pero pinayagan ko rin naman siya. Bobo mo self. Ang bobo.
Tsaka na siya nagreply.
Jenny:
Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya! Napatalon ako sa tuwa! Promise hindi ako lalagpas ng tatlo! Thank youuuu! I love you!
At diyan nahulog lalo ang puso ko. Ngayon lang siya nag I love you sa'kin. Hindi ko inaasahan 'to. Pero ang tanga tanga ko pa'rin at pinayagan ko siya. Hindi bale, uunti-untiin ko siya. Patitigilin ko siya.
Hay Jenny! Bakit kasi hindi kita matiis!
Imbis na magpahinga ay nagpuyatan nanaman kami ni Jenny. Telebabad. Siya lang talaga nakakausap ko ng ganito. Walang kasawaan.
"Jenny?" Sabi ko.
"Po? Bakit?" Sagot niya.
"Can I call you Y.A.M?"
"HA!? Bakit naman Y.A.M?" Nagulat siya eh. Hahaha! Uso kasi ang call sign kaya I'd try this in a sweet kind of way.
"Kasi Jenny gusto na kitang angkinin." Ang kaharutan ni April, bow.
"Bolero. Bakit nga Y.A.M?" Natatawa talaga ako kapag tinatawag niya akong bolero. Hahaha!
"Ang ibig sabihin kasi ng Y.A.M, YOU ARE MINE."
Yes Jenny. I want to call you mine. You Are Mine....
BINABASA MO ANG
She loves me, She loves me not.
Novela JuvenilI never thought that I'd love someone this long. Almost 5 years na mula nung maghiwalay kami ni Jenny. Yung magpaparamdam siya bigla. Na gustong gusto ka niyang makausap. She told me she misses me. She missed talking with me. Sabi niya, komportable...