Chapter Four: FRIENDLY

10 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at napagsasabay ko parin ang dalawa. Pero may oras talagang nahihirapan ako dahil sabay sila minsan magyaya kumain. Buti nalang at marunong akong mag manage ng oras. Kung hindi, matagal na akong nabuking.

Hindi kami gaanong nagte-training dahil sa isang linggo nalang ay christmas vacation na. Christmas party namin sa December 21.

Mahaba na ang buhok ko kaya't kailangan ko ng magpagupit. 50pesos nalang ang laman ng wallet ko. Naubos ko kakaload at kaka-kain dahil sa dalawa ang girlfriend ko. Ang pangit ng term pero dalawa talaga sila.

Bago pa sila magyaya sakin ay nagpagupit na ako. Baka masimot na lalo laman ng wallet ko. May ipon naman ako sa alkansya pero pang christmas party na iyon.

Last day na ng regular classes ngayon. Bukas na ang christmas party. Umikot ako sa wooden building para kolektahin ang requirements ng mga estudyante ko. Isa sa mga estudyante ko si Jill. Ang harot kong guro hindi ba? Pinatulan niya ako eh.

Marami akong alipores na babae. Secretary kumbaga. Sila yung inuutusan ko sa mga kani- kaniya nilang section. Para naman hindi rin ako mahirapan.

Bigla nalang akong nilapitan ni Monica ng walang pasubali.

"Sino yung mga 'yan? Bakit laging nakaaligid sa'yo? Niloloko mo ba ako?" Naluluha niyang pagsabi.

"Nagseselos ka? 'Wag. Mga estudyante ko lang 'yan na nagcocomply ng requirements nila. Hindi ako gaya ng iniisip mo." Bawat salitang binitiwan ko ay nababalot ako ng kamuhian sa sarili ko. Kailangan ko ng tapusin ito.

"Nagpagupit ka kasi eh! Ayan tuloy! Maraming umaaligid sa'yong mga babae!" Ang big deal naman pala ng gupit ko sakaniya.

"Halika nga dito. Hindi ako ganoon kagwapo para pag pagpiyestahan ng mga babae, okay? 'Wag kana magselos. Sige na at tatapusin ko lang ito." Nagpaalam na ako sakaniya. Kailangan ko talagang matapos ito dahil kung hindi, malalagot ako kay Coach.

Pagkagising na pagkagising ko ay kumilos ako agad dahil pinapapunta ako ng mga grade 7 sa mga room nila. Pakakainin raw nila ako at magpapapicture sa'kin. Hindi ko na tinanggihan ang biyaya.

Alam lahat ng section na hawak ko na si Jill ang girlfriend ko. Magaling rin manahimik si Monica kaya walang nakakaalam. Pero Jill, nagdududa na. Nilapitan ko agad siya at niyakap.

"Jill, date ta'yo mamaya pagkatapos ng christmas party namin." Pagyaya ko.

"Sorry, may pupuntahan ako." Nadismaya ako pero okay lang. Hinayaan ko siya. Medyo malamig na rin siya sakin mula nung makita niya kami ni Monica nung araw na dapat uuwi ako agad.

Hindi pumunta si Monica sa christmas party nila. Hindi ko alam kung bakit. Naghanda pa naman sila para sa performance.

Magsisimula na ang christmas party ng section namin. Sa Gym ito gaganapin. Umakyat ako at nandoon na nga ang mga kaklase ko.

Ang outfit ko eh pambata. Dahil nakipagdare ako sa bestfriend kong si Diane. Blue long sleeves na checkered, blue na tokong, blue na suspender at blue na sapatos. All blue. Pinagtatawanan ako pero ayos lang. Sumunod lang ako sa usapan.

"Bes, saan tayo mamaya?" Tanong ko kay Diane.

"Isasama natin sila Loraine, sa Market!Market! tayo pupunta." Sagot niya.

Umalis kaming apat. Ako, si Diane, Loraine at Maylyn.

Wala kaming ibang ginawa kundi magpicture sa mall. Walang kasawaan.

Nung pauwi na kami, nagkamali kami ng nasakyan ni Diane. Alas Diyes na ng gabi. Lagot na kaming parehas sa magulang namin.

Hinatid ko si Diane sakanila.

"Bes, dito nalang ako. Pumasok ka na."

Lumabas ang Mommy ni Diane. Nagulat ako sa sinabi nito.

"Boyfriend ka ba ng anak ko?"

"Hindi po tita. Kaibigan lang po. Uuwi na po ako." Nakaktakot naman 'tong Mommy ni Diane.

Pumasok na Mommy niya at kinawayan ko nalang si Diane. Nagtricycle nalang ako pauwi.

Sinermonan ako ni Mama. Gabing gabi na kasi. Pagkatapos ng sermon ay pumasok na kami sa kwarto. Nagpalit ako ng damit. Dead battery na ang phone ko. Pagod na rin ako. Pagkacharge ko ng phone ay dumiretso na ako sa higaan at natulog.

Kinaumagahan ay nagbasa ako ng mga message. Galit na galit si Jill at hindi daw ako nagtetext sakaniya. Nagreply ako agad ng malalambing na salita. Kabaliktaran naman ni Jill si Monica. Puno ng pag-aalala ang mga message niya. Nilambing ko nalang rin para mapagaan ang loob niya.

Nanlulumo ako sa ginagawa ko sa dalawa. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko.

Hindi ko sila gaanong kinakausap. Dahil nakukonsensiya lang ako. May natanggap akong isang message.

Jenny:

Minsan, sa pagiging friendly mo akala ng ibang tao ay malandi ka.
Text?
Gm.

Tinamaan ako doon. Dahil marami akong close na babae. At lagi akong pinagsasabihan ni Diane na ang landi ko.

She loves me, She loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon