Chapter Six: OH JENNY!

14 0 0
                                    

Ang bilis ng araw. December 31 na agad. Buong araw kaming nagluto nila Mama at Papa. Marami raming handa. Eh tatlo lang naman kami rito sa bahay. Hindi bale, stock nalang. Hahaha!

Kinagabihan bago pa man magkaroon ng putukan eh nagbihis kami ni Mama para magsimba sa Holy Cross Chapel sa may Tejeros.

Iba talaga ang saya kapag nagsisimba kami ni Mama. Blessings all around the place.

Nakita ko si Jackie sa simbahan, hinahanap ko ate niya pero hindi ko nakita ang ate Jenny niya. Never ko pang nakita 'yun. Kahit sa school hindi ko siya nakikita.

Natapos na ang misa. I don't know why, but I feel so friggin' happy. Akala mo hindi nagkaroon ng problema eh.

Niyaya ako ni Mama na dumaan muna kanila Uncle Rusty para daw ihatid yung binalot na handa namin. Nakagawian na namin ni Mama ito. Tuwing pupunta rin kami kay Uncle ay may pinabaon din siya. Hindi pumapayag na walang dala.

Nagtricycle nalang kami ni mama pauwi. Dahil baka raw maputukan kami. Ibang klase. Hahaha!

Pagkarating sa bahay ay kasabay ng pag expire ng load ko. Hindi pwede! Marami ako babatiin! Gusto ko rin makatawag sa ilang tao. Pero, mahina ang signal dahil sa putukang magaganap. Pero laban! Di ako magpapatinag. Kinuha ko ang wallet ko at tumakbo papunta sa tindahan. At dahil makapal kapal laman ng wallet ko, nagload na ako ng pang matagalan.

Ang hirap mag register dahil sa mahina nga ang signal. Medyo natagalan pero nakapag register rin naman. Buti nalang at hindi nakain ang load ko.

Ang ingay na ng kalsada. Si Mama, nagpapara-pukpok na ng mga kaldero. Si Papa naman ay sige ang pagsindi ng Piccolo.

Ang laki kong tao pero ni minsan hindi ko sinubukang humawak ng paputok. Bumili oo, pero magpaputok? Baka atakihin ako sa puso. Watusi nga hindi ko mahawakan eh. Lusis lang talaga ako mula pagkabata.

Sabay sabay na nagsi-countdown ang mga tao.

"5...4...3...2.......1!!!!"

Nagsitalunan ang mga pandak! Hahaha! At ang nanay ko naman ay kinulit akong tumalon. WALA AKONG CHOICE! TUMALON AKO! Feel ko rin dahil sobrang saya ko sa hindi malaman na dahilan!!!

Hinanap ko ang mga kababata ko, binati ko sila. Bumati rin sila pabalik. I feel so light! Oras na para batiin ang nasa contacts ko.

Ako:

Happy New Year Everyone!
Sinong pwedeng tawagan? Pm agad. Dali!
Gm.

Ang dami ng nagreply, pero nauna si Jackie.

Jackie:

Ako ate April!

I have a good feeling about this. Tinawagan ko agad.

"Hello Jackie? Oh bakit? Hahahaha happy new year!"

"Happy new year din!" Bakit ganun? Dalawang boses ang naririnig ko? O dahil sa mahinang signal? Pero parang hindi eh.

"May kasama ka ba Jackie?" Tanong ko dahil naguguluhan talaga ako.

"Opo. Si ate Jenny kasama ko. Bakit? Hahahahaha!" Kaya naman pala eh! Pero magkaboses sila. Ano kambal? Imposible, hahaha mas matanda si Jenny eh.

"Magkaboses kasi kayo! Hahahaha! ang ingay niyo! Ang sakit sa tainga!" Pagbibiro ko.

Isang oras na ang nakalipas at silang dalawa parin ang kausap ko. Hindi ko na na-entertain yung ibang nagtext sa'kin.

Ang lambing ng boses ni Jenny. Ang sarap pakinggan. Ang sarap niyang kausap. Mas lalo akong sumasaya. Ang ganda ng pasok ng bagong taon ko!

"Ba't ikaw nalang ang kausap ko Jenny? Nasaan na kapatid mo?" Bigla kasing nawala ang boses ni Jackie.

"Eto humihilik na sa gilid ko. Tulog na. Hahaha! Patayin mo na 'to. Doon ka na sa number ko tumawag." Di na ako nagdalawang isip. Pinatay ko agad at tumawag na sa number niya.

Ilang oras na ang lumipas at magkausap pa rin kami. Parang hindi kami nauubusan ng topic. Gusto ko siyang kausap. Ang saya saya ko talaga! Nadadala ako sa boses niya. Mas maganda pa boses niya kaysa kay Monica.

"Jenny, ang ganda ng boses mo. Parang anghel. Kanta ka nga."

"Ayoko nga! Pangit boses ko April! 'Wag kang bolero diyan! Hahaha!"

"Mukha ba akong nambobola Jenny? Magrerequest ba akong kumanta ka kung hindi ako nagagandahan sa boses mo?"

"Bolero ka April. B-O-L-E-R-O"

"Ayan tayo eh, kahit totoo naman 'yung sinasabi, lagi nalang sasabihang nambobola. Sige na Jenny! Kakanta na 'yan!"

"Ayoko, magigising ang mga natutulog dito. Umaga na kaya! Hahahaha!"

Ang cute talaga ng boses niya. Ang lambing. Hindi nakakasawang pakinggan at kausapin. Alas singko na ng umaga pero hindi parin ako inaantok. Nakailang saksak na ako sa outlet dito para macharge ang phone ko. Magtuloy tuloy lang ang usapan namin. I feel so happy talking to her. Miski siya ay gising na gising 'rin ang diwa.

Nagising si Mama, lagot na!

"Ano ba 'yan Ehji! Umaga na! Matulog kana! Sino ba 'yang kausap mo?! Matulog kana!"

Natatawa ako dahil tawa ng tawa si Jenny sa kabilang linya. Hahaha!

"April, bakit Ehji tawag sa'yo ng Mama mo?" Pagtatanong niya.

"Ganito kasi 'yon. Ehji lang ang pag pronounce ni Mama pero AG talaga ang nickname ko. Okay na? Haha!"
Pagpapaliwanag ko.

"Eh bakit naman AG? HAHA!" Ang dami namang tanong nito. Hahaha!

"Ayoko sabihin. Hahaha!" Gusto ko kasing pilitin niya ako. Hahaha!

"Magkausap na rin lang tayo ng ganitong oras, sabihin mo na. Umaarte ka pa diyan eh. Dali na!" Mapilit talaga. Hay nako.

"Oo na. Sige na. Kasi ano, uhm hahaha! Paniguradong tatawa ka Jenny. April Grace kasi ang pangalan ko. Hahahaha! Happy?" Wala akong ibang narinig sa kabilang linya kundi ang paghalakhak ni Jenny.

Kahit tumatawa siya, ang ganda ganda parin ng boses niya. Yung puso ko madali niyang nakukuha. Hindi pwede 'to.

Alas sais na ng umaga! Hindi na namin namalayan ang oras. Akala ko kasi mabagal lang oras eh. Ang sarap kasi niyang kausap eh.

"Jenny, tulog na tayo. Wala na tayong itutulog eh. Hahaha!"

"Oh sige. Salamat ah! Ang saya mo kausap. Sa uulitin! Good night." Nasiyahan rin pala siyang kausap ako. Medyo kinilig ako sa parteng iyon ah.

"Sige Jenny. Good night rin kahit morning na talaga. Hahaha!! Sleep well." At doon na naputol ang linya.

Wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti. Nahihirapan akong matulog dahil sa sobrang saya ko. Yung puso ko talaga eh. Hindi pa pwede. Hindi pa pwede April. Hindi pa. Masyado pang maaga hoy.

Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng loob ko kay Jenny. Ang saya ko kapag kausap ko siya. My happy heart. Oh my oh my.

Thank you!! Nasimulan ang bagong taon ko ng sobrang saya!!

Oh Jenny! You don't know how much you made me happy!

She loves me, She loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon