Noon, uso pa ang Group Message, gm kumbaga. Dahil wala akong makausap, nag group message ako sa piling contacts. Mostly sa mga estudyante ko sa grade 7 dahil ang kukulit nilang kausap. Nakakarelax.
Ako:
Good Evening!
Walang magawa. Tara text?
Gm.Ang corny man pero jejemon ang mga tao noon.
Ilang sandali lang ay may nagtext sa'kin.
Jackie:
Ate April, pagtripan mo nga 'tong number na 'to. Si ate kasi hindi pa umuuwi. Nagagalit na si Mama eh.
Aba, dinamay pa ako ng batang ito. Agad rin akong nagreply.
Ako:
Sige hahaha, wala rin naman akong kausap. Ano pangalan ng ate mo?
Jackie:
Jenny po. Ikaw na bahala ate April ha. Salamat!
Kung nagtataka ka kung bakit "Ate" ang tawag sakin ni Jackie, isa akong tomboy. Gupit lalaki na kasi ako. Pero minsan ay naiirita akong Ate ang tawag sakin, pero ayos lang. Sanayan lang.
Nang maisip ko na kung ano ang pwede sabihin sa ate ni Jackie ay agad akong nagtext.
Ako:
Hoy Jenny! Pasaway kang bata ka! Umuwi kana, nagagalit na mama mo!
Ang tapang ko sa parteng iyon. Sabi naman kasi ng kapatid niya ay pagtripan ko siya. Sinunod ko lang naman.
Napahalakhak nalang ako ng mabasa ko ang reply ni Jenny. HAHAHA.
Jenny:
Hala! Sino 'to? Hahahaha! Oho! Pauwi na! Hahahaha!
Nasigawan na ako ng nanay ko sa sobrang ingay ko.
Ako:
Ako ang konsensya mo!
Hindi parin ako matigil s kakatawa! Hahahaha!
Jenny:
Hahahaha! Nakakapagtext pala ang konsensya? Sino ka nga? At saan mo nakuha ang number ko?
Ewan ko kung seryoso siya pero, hindi ko talaga matigil tigil ang pagtawa ko sakanya. Hahahahaha! Kaya ay inamin ko nalang agad.
Ako:
Ganito kasi 'yun, ako yung student teacher ni Jackie sa MAPEH. April Carreon nga pala. Pagtripan daw kita kasi hindi ka pa raw nakakauwi. Hahahaha sorry!
Jenny:
Baliw talaga yun! Hahahahaha!
Tumagal ang pag uusap namin sa text. Wala rin naman akong ibang kausap. Siya lang. Nakauwi na raw siya kaya't nagpaalam na ako na matutulog na dahil kailangan kong magising ng maaga bukas.
Palagi akong nag g-gm. Kasi sayang lang ang load kung hindi gagamitin hindi ba?
Nakakasalubong ko ang Ex-Girlfriend kong si Jill. Nakikipag balikan sakin kaso napapagod na ako. Napaka simpleng bagay ng pinag aawayan. Grade 7 si Jill. Wala eh, bata pa pero niligawan ko. Ewan ko kung may sira ba ako sa utak pero crush niya rin kasi ako kaya niligawan ko. Hahaha!
Nagkabalikan rin naman kami. Madalas ko ring katext si Jenny. Natutuwa ako kapag kausap ko siya. Parehas kaming 3rd year kaya siguro nagkakaintindihan kami.

BINABASA MO ANG
She loves me, She loves me not.
أدب المراهقينI never thought that I'd love someone this long. Almost 5 years na mula nung maghiwalay kami ni Jenny. Yung magpaparamdam siya bigla. Na gustong gusto ka niyang makausap. She told me she misses me. She missed talking with me. Sabi niya, komportable...