Chapter Three: TRI-ANG GULO GULO

11 0 0
                                    

Lunes na. May pasok. Hindi ko parin alam ang gagawin ko. Parehas silang pang umaga. Bawat kilos ko ay marahan lang. Palingon lingon. Kapag kasama ko ang isa, kailangan wala sa paligid yung isa.

"Carreon! Cellphone ka ng cellphone! Ibigay mo sa'kin yan!" Nayari na. Inabot ko agad kay Ma'am Colapo ang phone ko. TLE ko ngayon. At mahigpit si Ma'am. Heto at nahuli ako. Lagot na, paano ko na maitetext ang dalawa.

"Ipakuha mo ito sa magulang mo." Humalukipkip nalang ako. Naalala ko may isa pa akong phone sa bahay. Buti at mautak ako. Nakuha ko muna ang sim card ko bago maabot kay Ma'am ang phone. Pabilisan lang ng kamay.

Natapos na ang klase at nakita ko agad si Jill na naghihintay.

"Wala na kayong klase sa hapon diba? Umuwi ka agad ha." Aniya.

"Oo, uuwi agad ako. Ikaw rin ha. Ingat kayo." Sabi ko. Lumingon na muna ako para hanapin kung may nakaaligid na Monica. Wala naman kaya hinalikan ko na sa noo si Jill.

Naglalakad ako papuntang canteen ng school. Nakasalubong ko si Monica. Punong puno ako ng kaba ngayon. Pinagpapawisan ang buong katawan ko.

"Samahan mo ako, magpractice kami para sa performance namin sa christmas party." Hindi siya nagtatanong. Nako. Naninigas ako.

"S-sige. Hintayin mo ako. Kukunin ko lang gamit ko." Umalis ako agad. Tumakbo papunta sa TLE room. Pagkakuha ko ng gamit ay humarurot agad ako pababa.

Papalapit na ako kay Monica ng biglang.....

NANDITO RIN SI JILL! HULI NA! NAYARI NA!

"April! Tara na! Sasama ka diba?" Sabi ni Monica. Sinenyasan ko na wait lang.

Si Jill naman eh sobrang sama ng tingin sa'kin. This. Is. Not. Good.

"Jill..." Pagtawag ko.

"Bitawan mo ako, akala ko ba uuwi ka agad? Sino 'yon? Bakit ka sasama sakanila?" Imbestigador mode si Jill ngayon. Hindi ko alam isasagot ko.

"Ah, eh kasi ano, kasi uhm.... Sasabay ako sa paglalakad sakanila." Sana gumana ang palusot ko.

"Hindi mo ako maloloko, bahala ka diyan!" At nakaramdam ako ng palad sa pisngi ko. Malutong. Mas malutong pa sa chicharon ang sampal ni Jill sa akin.

Niyakap ko agad. Sinabayan ko siyang lumabas. Sorry ako ng sorry. Hinatid ko siya sa sakayan. Hinintay ko roon si Monica. Buti nalang pagkarating ni Monica nakasakay na ng jeep si Jill. Nakaligtas ako. Hay buhay.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Monica.

"Sa bahay ng kaklase ko." Sagot niya sabay hawak sa kamay ko. Lumingon lingon ako baka may kakilala ako. Buti nalang at wala.

Pagkarating namin sa bahay ng kaklase niya, nagpractice agad sila. Nakaupo lang ako. Nakatulala. Kumakanta nanaman siya. Nahuhulog ang loob ko sakaniya. Ang ganda talaga ng boses.

I don't want a lot for christmas,
There is just one thing I need...

Tiningnan niya ako. Para sa'kin ba yung kanta? Haha! Pero medyo aligaga ako dahil kay Jill. Hindi ko kayang pagsabayin ang dalawa. Nakokonsensya ako.


Natapos ang practice nila. Hinatid ko si Monica sa bahay nila. Nung malapit na kami ay kinilabutan ako. Magkalapit lang sila ng bahay ni Jill! Fuck! Nagpaalam ako agad. Umalis ako at nagmadaling umuwi. Baka kasi bigla kong makasalubong si Jill.

Pagkauwi ko, sinalpak ko kaagad ang sim card ko sa reserba kong phone at nagtext sakanilang dalawa.

Ako:

Baby, sorry ngayon lang ako nagtext. Nakatulog ako pagkauwi ko.

Monica, nakauwi na ako. Magpahinga ka na.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko 'to patatagalin. Love triangle? TRI-ANGGULO GULO!

Pinaalam ko kay Mama na nakumpiskahan ako ng phone. At pupuntahan rin daq niya ito bukas pero hindi ibabalik sa'kin ni Mama. Buti nalang talaga may isa pa akong phone.

Nakatulala nanaman ako. Naiisip ko si Jill at Monica.

TRI-ANG GULO GULO TALAGA!!!

She loves me, She loves me not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon