🌸Chapter 14🌸

42 11 3
                                    

CRYSTAL


Pataas na ang sikat ng araw noong maalimpungatan ako. Bahagya kong tinakpan ang mukha ko mula sa maliit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. I'm still sleepy!


Umupo ako sa kama ko. Why do I feel so tired? Pilit kong ina-alalala kung anong nangyari kahapon atㅡ


Nanlaki ang mata ko sa naaalala. Hinatid nga pala ako ni Nathan kahapon! And his smileㅡnot a smirk, but a genuine smile... that's the reason why I didn't got enough sleep!


Napakurap ako sa naisip. Napahawak ako sa aking labi nang mapansin kumurba itoㅡI'm smiling. Are you crazy Crystal?!


Agad na akong pumasok sa shower room at naligo. I used my most fragrant shampoo na galing pa sa Korea, pasalubong ng Mom koㅡang Somang Golden. Akmang kukunin ko na sana ang luma kong sabon, napailing ako at kumuha ng bago. Mas mabango pa ang sabon na ito sa kaysa sa sabon na nakasanayan ko ng gamitin noonㅡang Magic Stone.


I was singing all the time while bathing hanggang sa natapos ako. Pumunta na ako kaagad sa harap ng human-sized mirror ng aking kwarto at agad na sinuot ang uniporme ko.


I was about to get my bag, nang biglang napako ang tingin ko sa pulbo at lipshiner na napatong sa taas ng drawer ko. Hindi pa ito nabubuksan.


I didn't know what's happening on me, but, I unpacked the power and the lipshiner that my Mom gave me last month. Nilagyan ko ng konting pulbo ang aking mukha at naglagay rin ng konting lipshiner sa aking labi. I grabbed my roll-on perfume and I glided it behind my ears and wrist.


I just styled my hair into a messy bun at nagtira ng kaunting bangs na nag shape sa mukha ko. Nagpa-alam na agad ako kay Tiya at hinalikan siya sa pisngi. Tila nagulat siya sa ginawa ko sa aking mukha.


Agad na bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin, cold morning breeze nipped every inch of my exposed skin.


Napansin ko rin ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni Mark. Even though myself, hindi ko alam ang pinanggagawa ko.


"Ba't mo kinoloran mukha mo?" wika niya habang nakataas ang kanang kilay. Er, kinoloran?


"Tss, ang oa mo. Masama bang magpaganda ng konti? Magpaganda ka rin ng sayo." I said and immediately barged into his car.


Habang umaandar ang sasakyan ay panay ang sulyap niya sa akin. What the heck is his problem?


"Do you want me to pull your eye balls out?" pagbabanta ko. He just let out a soft chuckle bago ibinaling ang tingin sa daan.


Nakatingin lang ako sa labas ng kanyang bintana habang naghihintay na marating ang unibersidad nang bigla niya basagin ang nakakabinging katahimikan.

Stupid Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon