CRYSTAL
Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama. Shit lang talaga. Hindi ko na nga namalayan kung paano pa ako nakabalik ng bahay matapos guluhin ni Nathan yung isip ko. Ikaw ba naman gawin niyang personal maid? Ang mas masaklap pa, nakuha niya yung first kiss ko. Ganun pala yung feeling ng mahalikan? Erase erase! Jusko, nababaliw na ako sa lalaking yon.
Ilang araw na matapos ang araw na yon. Hindi pa rin ako tinatantanan ni Nathan. Hindi pa niya ako fully naging personal maid. May kasunduan kasi kami. Kaylangan ko muna daw magpahinga ng isang linggo para masulit ko raw ang mga panahon na malaya pa ako. Psh, sapakin ko kaya yon?
Mabuti na lang talaga at Saturday ngayon. Makakapagpahinga ako mula saㅡwait, Saturday ngayon?! Like, what? Ngayon nga pala yung araw na magiging fully perosnal maid na niya ako! Damn that Nathan.
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang may kumatok sa pinto. Tumayo na agad ako at pinihit ang door knob. Tumambad sa harapan ko si Tiya habang may hawak-hawak napakaraming maleta at mga bag.
Tss, yung Nathan na yun! Naalala ko na naman yung ginawa niya nung gabing yon.
Flashback
Nakatulala lang ako sa harap ng bintana ko habang inisip ang sinabi ni Nathan. For God's sake! Sana hindi na lang ako nanalo sa pageant na yon! Kahit kailan, hindi ko pinangarap na maging maid lalong-lalo na kung kay Nathan lang din naman.
Habang nakatitig sa mga bituin ay nakarinig ako ng malakas na busina. Napapikit ako sa lakas nito at tumambad ang isang black na sasakyan sa harap ng mansion namin. Tss, nakaka-istorbo sa mga natutulog. Sino naman kaya yon?!
Habang nakatitig ako sa sasakyan na yon ay dahan-dahang bumaba ang bintana ng kanyang sasakyan at...
Si Nathan?!
Ano na naman ang ginagawa niya sa harap ng bahay namin?! Jusko, kanina lang niya sinabi na magiging personal maid niya ako. Imposible namang utusan niya agad ako? For Pete's sake, hindi pa ako handa sa gusto niya!
Bumaba na siya sa kanyang sasakyan at pinindot ang door bell. Teka, paano nga pala nakapasok yang lalaki na yan? I know that meron kaming mga security guards sa labas ng village. Pinapasok kaya siya ng mga guard? Tss, kailangan ko silang pagsabihan na bawal ipapasok ang monster na yon.
Ilang minuto ring nakatayo si Nathan sa harap ng pinto namin at naka tatlong door bell na siya. Tulog na ata si Tiya kaya't hindi niya marinig si Nathan. Wala rin yung mom ko dito dahil may important meeting daw siya sa Tagaytay. Mukhang tulog na rin ata si Tiyo ngayon. Sino naman kayang pagpapapasok dyan? Tulog na lahat ng tao ngayon sa mansyon na to pati na ang mga maid maliban na lang sa akin. Tss, anong akala niya? Pagbubuksan ko siya? Psh, hinding-hindi ko pagbubuksan ang lalaking yan.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang makita kong bumukas ang pinto. Damn, pinagbuksan siya ni Tiya! Napansin ko rin ang paglaki ng mata ni Tiya nang makaharap niya si Nathan. Teka, magkakilala ba sila?
BINABASA MO ANG
Stupid Destiny (ON-GOING)
Random"Even the greatest love has to end so your destiny can begin." ㅡ Crystal Breeze Standford She believes that she is the master of her fate and the captain of her own destiny ㅡ she controls it. But every thing that she believed, changed in just a snap...