CRYSTAL
"Ano ba kasing pipiliin ko dito?" tanong ko sa sarili ko habang naghahanap ng magandang isuot para sa bar na pupuntahan namin ni Nathan.
*tok tok*
Psh, ayan na naman siya. Ayain ba naman akong pumunta ng bar? Ang rami-rami niyang chicks tapos ako pa talaga yung pinili niya. You know what's the reason? Dahil yaya daw niya ako.
"Breeze! Ano, tapos ka na?" naiiritang tanong ni Nathan sa labas ng aking kwarto.
"Anong tapos? Wala pa akong napipiling isuot!" ani ko habang tingin ng tingin sa mga dress na nakasabit sa closet.
"Tch, you're slow as a snail..." mahinang sabi niya at tuluyan ng umalis. Psh, snail his face!
Tuluyan na akong napaupo sa kama at napakamot ng ulo. Ano ba kasing magandang suotin? Mag oversized shirt na lang kaya ako at mag jeans? Psh, makapagsearch na nga lang.
[ What is the appropriate outfit to wear on a bar? |]
Ilang minuto lang ang lumipas at nagsilabasan na ang mga results. Agad kong pinindot ang images at naghanap ng medyo desente. Mga sampung minuto na rin ang ginugol kong oras sa paghahanap pero wala akong nahanap.
Naiiinis kong binaba ang phone ko at tinitigan ko ang kulay itim na dress na napili ko kanina. Pwede na ba to? Matatakpan ba nito ang kaluluwa ko?
"Hey Breeze! Five minutes." wika ni Nathan sa labas at umalis na rin.
Sinuot ko na agad ang dress na yon at pinagmasdan ang sarili sa human-sized mirror. Ang dress na ito ay umaabot hanggang sa itaas ng tuhod. Sleeveless ang dress na ito at open-v ang likod. Sinuot ko na rin agad ang itim na wedge ko at nagpractice maglakad. Nang napagtanto kong okay na ako ay naglagay ako ng light make-up sa mukha ko.
Pinagmasdan ko an aking sarili sa salamin. Nagmumukha akong emo dahil sa suot kong ito. Mabuti na lang at hindi dark ang make-up ko, I will surely look like a rock star.
Lumabas na agad ako sa kwarto at bumungad sa akin si Nathan na nakapamulsa sa harap ng kwarto ko. Hindi ko alam pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Gumwapo ata siya? Psh, erase!
Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Nathan mula ulo hanggang paa. Psh, lagi na lang niya ata ako hini-head-to-toe ah?
"Oh, ano na? Alis na tayo." ani ko tuluyan nang pumunta sa sala.
Lumingon ako upang tingnan si Nathan pero wala siya. Asan na naman ba yon? Bumalik ako sa kwarto ko at nakita ko siyang prenteng nakasandal sa harap ng kwarto ko. Aba? Kani-kanina lang ay halos kaladkarin na niya ako tapos ngayon, tatayo-tayo lang siya dyan?
"Hoy Nathan. Hali ka na nga! Ano bang ginagawa mo dyan?" wika ko habang nakatingin sa kanya. Hindi man lang siya gumalaw. Nakapamulsa pa rin siya habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Stupid Destiny (ON-GOING)
Random"Even the greatest love has to end so your destiny can begin." ㅡ Crystal Breeze Standford She believes that she is the master of her fate and the captain of her own destiny ㅡ she controls it. But every thing that she believed, changed in just a snap...