CRYSTAL
Habang hinihintay na makarating sa condo ng university, kinuha ko muna ang phone ko mula sa bulsa ko at sinalpak ang headset sa tainga ko.
♪My eyes are no good blind without her,
When she moves I never doubt her...♪
Nakikisabay ako sa pagkanta ng favorite song ko. Hindi ko nga alam kung bakit naging favorite kong kanta na to. Dahil ba kay Black? Psh, I don't know.
Habang nakikinig sa kanta ay nabaling ang atensyon ko sa labas ng bintana. Habang patagal ng patagal ay dumidilim ang paligid. Napansin ko na lang na malapit na kami sa abandoned forest na makikita saㅡwait. Nasa ibang bayan na to ah?
"Hoy Nathan! Asan ba tayo?!" wika ko at sumilip muli sa labas ng bintana.
Hindi niya ako sinagot subalit ngumisi lang siya. His famous devilish grin is really annoying! Napansin ko na lang na nasa sentro na kami ng gubat. Wala na akong masyadong maaninag dahil sa sobrang kadiliman dito. Nilingon ko si Nathan kung ano ang reaksyon niya, ngunit naka ngisi lang siya. Bigla na lang ako kinabahan sa inaasta niya.
"H-hoy, Nathan! N-naliligaw ba tayo?! Nasa kabilang bayan na tayo ah!" nanginginig kong sabi habang tinitingnan siya. His still flashing his similar devilish grin until now.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hubarin ang kanyang damit. Tumambad sa aking harapan ang six-pack abs niya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa abs niya. Teka, bakit ba siya naghubad?!
"N-nathan, ano bang nangyayari sayo?!" ani ko at pinipilit na buksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Shit, hindi mabuksan!
"Breeze..." yon lang ang tangi niyang sinabi gamit ang malalim na boses. Tumayo lahat ng buhok ko sa batok ko dahil sa boses niya.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung paano kalasin ni Nathan ang kanyang belt. What the freaking hell?!
Pinilit kong buksan ang pinto ng kanyang sasakyan ngunit hindi to mabuksan. Shit! Ayaw ko pang mamatay!
Naramdaman ko na lang ang pagdagan sa akin ni Nathan. Shit! Hindi to pwede! Kailangan kong humingi ng tulong!
Huminga ako ng malalim bago sumigaw.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
"Hey Crystal!" binuksan ko agad ang aking mata at bumungad sa akin si Nathan na may hawak na cellphone.
Nilingon ko ang bintana niya at napansin na nasa condo na kami. Teka, panaginip lang ba yon?!
"Tch, sinisira mo yung gwapo kong eardrums. Bumaba ka na nga yaya!" naiiritang wika ni Nathan at tinutak ako palabas.
BINABASA MO ANG
Stupid Destiny (ON-GOING)
Diversos"Even the greatest love has to end so your destiny can begin." ㅡ Crystal Breeze Standford She believes that she is the master of her fate and the captain of her own destiny ㅡ she controls it. But every thing that she believed, changed in just a snap...