🌸Chapter 16🌸

37 11 7
                                    

CRYSTAL


Maaga akong nagising para makapaghanda ng maaga sa event. Bumangon na agad ako sa kama nang biglang nag ring ang phone ko, merong notification.


Binukan ko ang phone ko at bumungad sa akin ang mukha ni Black. Napangiti na lang ako. Tiningnan ko kung anong notification iyon. Binuksan ko ang messages at bumungad sa akin ang isang text galing sa unregistered number.


From: 091886255782

I'm thinking about your prize. Are you going to decide or you'll just leave it to me? You'll surely regret it.


Napakurap ako sa aking nabasa at mabilis na nagtype ng reply. I know, this is Nathan. Ano namang ibigsabihin niya sa "you'll surely regret it"? Psh.


From: 090567238922

Jusko naman Nathan. You better think about the event, not that damn prize. Kahit hindi mo na ako bigyan, I'm totally fine with it.


Sinend ko na agad ang reply ko gamit ang nanginginig na kamay. Sinave ko na rin ang number niya sa contacts ko at pinangalanang Ice Prince. Nothing, just my trip. That nickname suites him very well. The word ice personifies his attitude.


Pinagmasdan ko muna ang aking mukha sa salamin. Panay ang hawak ko sa mukha ko dahil sa pagbabago nito. Pumuti ako lalo at nawala ang malaking bags sa mata ko. I'll visit that spa next time if I need to.


Pumasok na ako sa cr at naligo na. Pagkatapos maligo ay sinuot ko agad ang uniporme ko at inayos ko ang buhok ko at ginawang messy bun.


Bumaba na agad ako mula sa grand staircase namin at sinalubong ng mga katulong. I greeted them as well at agad na pumunta sa dining area. Yup, I think this is the very first time na makakain ako dito simula noong si Mark na ang laging sumusundo sa akin.


Umupo na ako sa isang wooden chair at pinagmasdan si Tiya. She's already in mid-thirties but kung titignan mo, para siyang ka-edad ko lamang. Meron siyang katamtamang buhok na umaabot hanggang sa kanyang siko. Mataas rin ang ilong niya at maputi ang balat. Malaki ang kanyang mata at mataas ang pilik mata. Ang kanyang kilay ay maayos na maayos kung tingnan. She's skinny like me and she's also tall. Kung ipapatabi mo ako sa kanya ay aakalain mong siya ang nakakatanda kong kapatid.


Lumingon sa akin si Tiya at halatang nagulat. Bumawi siya ng ngiti bago ako batiin, "Good morning Crystal. Wow, ngayon ka lang ata kakain sa mansyon." manghang wika niya at agad na naghanda ng pagkain.


I let out a heartily chuckle, "Of course Tiya, maaga akong nagising ngayon." masigla kong wika sa kanya habang kinakalikot ang phone ko. Para na akong timang sa kakahintay ng reply ni Nathan.


Inilapag na ni Tiya ang plato ko sa rounded glass table namin. Agad kong sinunggaban ang beef stick pati na rin ang appetizer ko. Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Tiya at agad rin bumalik sa sarili niya.


"Napansin ko lang, you look very blooming today. Nawala yung nga bags sa ilalim ng mata mo at lalo ka pang pumuti. Mas lalo ring naging straight ang buhok mo. Ehem, inspired ka ba Crystal?" mahabang saad ni Tiya habang tinititigan ang mukha ko. Like what? Anong connect ng pagiging blooming ko sa pagiging inspired?

Stupid Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon