CRYSTAL
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang iron chair dito sa backstage. Pilit pinoproseso ng utak ko ang naging sagot ko kanina. Even though my self, hindi ko inaakala na ganoon kalalim at kahaba ang magiging sagot ko.
Paulit-ulit ring sumasagi sa isipan ko ang naging reaction ni Nathan. Hindi ko naman siya directly na tiningnan, but I could see him clearly in my peripheral vision. Tila naging intersado siya sa sinasabi ko at napansin ko rin ang biglang paglingon niya nung banggitin ko ang pangalan ng childhood crush ko.
"Hey, lalim ng iniisip ah." bungad sa akin ni Mark habang nakangiti.
"Ano? Kumusta yung question and answer portion?" tanong ko sa kanya at pinagmasdan siya. Wala man lang kahit isang butil na pawis tumulo galing sa kanya.
"What? Hindi mo pinakinggan yung sagot ko? Tss." hindi makapaniwalang sagot ni Mark habang nakanganga. Duh.
"Psh, wala na akong gana manuod no." pagdadahilan ko habang sumisilip sa labas. Nahagip ng paningin ko si Nathan na walang gana kung manuod sa mga contestant. Silly.
"Hays. Grabe lang talaga yang epekto ni Black sayo." he said, emphasizing the name Black. Ano naman ngayon?
"Tss, would you please shut up? Wala ako sa mood ngayon." pagkukunwari ko. Gusto ko na lang matawa sa inaasta ko ngayon.
"Wait Crystal, diba kay Nathan galing yung question mo?" he inquired me with his crumpled face. Pfft, ang cute niya tingnan.
"Oh yes, why?" wika ko habang nakatitig pa rin sa pagmumukha ni Nathan. He looks like a kid who's already sleepy. Tss, he's really something.
"Hoy Crystal, nakikinig ka ba?" pasigaw na sabi ni Mark dahilan para mapatalon ako sa upuan ko. Agad kong nilingon ang nagtatampo niyang mukha. Pfft.
"Oh sorry, what did you just said?" pagtatanong ko habang pinipigilan ang pagtawa. Mark just rolled his eyes in a manly way.
"Tss. Sabi ko, napansin kong isa lang yung naging question niya. Yung kay Ms Victoria kasi eh, halos tatlo na. At isa pa, tamang-tama pa na sayo nabunot yung tanong ni Nathan." mahabang explenasyon niya habang nakataas ang kilay.
"Ano naman ngayon? Malay mo isa lang talaga yung question niya. Alam mo naman yun, pati paggawa ng question ay hindi niya magawa. Psh, masyadong tamad." sagot ko sa kanya at ibinaling ang atensyon sa labas.
"Imposible rin naman na sinadyang binigay sa akin yung question ni Nathan. Bunot nga diba? I think it's just a coincedence." pagpapatuloy ko. Napatalon ako sa upuan ko nang bigla akong lingunin ni Nathan.
Paano niya ako nakita? For god's sake, ang liit-liit lang ng siwang mula rito. I saw him smirked bago ibinaling ang atensyon sa harapan.
"Oh, napaano ka?" natatawang tanong ni Mark habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Tss, is Nathan a spy or something?
BINABASA MO ANG
Stupid Destiny (ON-GOING)
Random"Even the greatest love has to end so your destiny can begin." ㅡ Crystal Breeze Standford She believes that she is the master of her fate and the captain of her own destiny ㅡ she controls it. But every thing that she believed, changed in just a snap...