🌸Chapter 15🌸

30 11 2
                                    

CRYSTAL


One week had already passed by. At ang ibigsabihin, bukas na magaganap ang Ms Valentine and Mr Valentino. Hindi ako na nagreklamo dahil wala rin naman akong magagawa. After all, Nathan is the one who decided. May magagawa pa ba ako?

Hindi naging maayos ang klase namin since last week. Halos hindi na pumapasok ang mga prof namin just to prepare for the event. Is it the first time for them to handle an event para umakto ng ganon? It seems like they are really excited.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at pumunta na sa shower room. Tinitigan ko ang aking sarili mula sa repleksyon ng salamin na nasa taas ng lababo. Kapansin-pansin na ang paglaki ng eyebags ko, tila tatlong araw na walang tulog. Nevermind, the bags under my eyes are gucci.

Tinapos ko na agad ang pagligo at sinuot ang bathrobe ko. I sat down on my wooden chair behind my room's one-way glass wall at tumulala sa papasikat na araw.

The yellow shining sun started rising from the ground. It filled the sky with mighty colors of red and splashed the clouds with endless rays of pink. It was bright and mesmerizing as it inviting me to stare, deep into the horizon.

Napasarap ako sa pagtitig sa labas. Ang ganda talaga titigan ng sunrise. Actually, this is my daily routine every summer. Lagi akong gumigising ng maaga just to take a peek on the sunrise. Pero hindi ko na masyadong nagagawa ang bagay na ito simula noong nag umpisa ang classes. Lagi akong gumigising ng late because I always feel exhausted. Ironic, right? Instead of waking up early on class days, I wake up late instead.

Halos tatlumpong-minuto na akong nakatitig sa labas hangang sa tuluyan nang sumikat ang araw. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad-lakad sa loob ng kwarto. What is the best thing to do today?

Kahit na malaki ang mansyon namin, I still feel bored. Hindi ko nakaugaliang lumibot sa buong mansyon namin t'wing bored ako. It will take me hours bago malibot ang buong mansyon. That's why I always stay here in my room, cellphone nang cellphone at tulog nang tulog. I crossed my arms while thinking, ano bang magandang gawin pag sobrang boredㅡ

Aha! I will go to the spa. Mas mabuti na to para marefresh pa ako mula sa mga stressing days nadaanan at naranasan ko. And of course, kaylangan ko tong gawin to be prepared for tomorrows event. Like, duh? I don't want to look like a zombie tomorrowㅡgorgeous zombie, I mean.

Lumabas na agad ako sa kwarto ko. Binati ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa chandelier namin, malayong-malayo sa golden lights na nagbibigay ng liwanag sa aking kwarto.

Pumunta na ako sa walk-in-closet na nasa tabi lang room ko at agad kong pinihit ang doorknob nito. Bumungad sa akin ang nakalinyang mga blouse, over-sized shirt at sari-saring mga masusuot na nakasabit sa mga closet.

I picked a knot-front blouse for my upper at isang pastel pink bubbly skirt for my lower. Lumapit ako sa human-sized na salamin at napaikot-ikot ako sa harap nito. Magaling talaga akong pumili ng mga outfit. The two short-tails on my blouse knots playfully on my waist. Tugmang-tugma rin ang pastel-colored skirt ko sa maputi kong balat.

I smeared the coral matte across my lips, pulled my hair back from my face and styled it into a messy bun. I turned to the side to check out my profile on the mirror. I'm ready to go!

Lumabas na ako sa walk-in-closet ko at bumaba na mula sa grand staircase namin. Binati agad ako ng mga tagapagsilbi ng mansyon namin, I sweetly smiled at them at tuluyan nang lumabas sa mansyon.

"Good morning Miss Crystal, saan ang punta niyo?" bungad sa akin ni Sir Roger at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok na agad ako sa aming sasakyan, "Sa Willow Tree lang." sagot ko sa kanya bago ibinaling ang atensyon sa daan.

Stupid Destiny (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon