Marianne's P.O.V.
Ring ring ring ring!!!!
Nagising ako sa sobrang lakas ng alarm clock ko. Itatapon ko na sana kaso naalala ko bigay nga pala sa akin toh ng crush ko. Syempre pinakaiingatan kong gamit yun.
6 am palang pero bumangon na ako ayokong malate noh.
Binilisan ko ang pagligo at agad akong nagbihis at dumiretso agad ako sa kusina.
"Ano ulam natin manang?", tanong ko sa kanya.
"Mga paborito mo anak", sabi ni manang sa akin.
Mabait si manang kaya para ko na rin syang nanay sya ang nag alaga sa akin mula pa nung bata. Parang ngang mas open pa ako sa kanya kumpara kela mommy eh.
"Nga pala nak yung mommy at daddy mo, umuwi dito kagabi kaso nga lang umalis ulit kaninang umaga", sabi nya sa akin.
"Tss lagi namang umaalis yung mga yun eh", pabulong kong sabi.
"Nak huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa magulang mo", sabi nya sa akin.
"Magulang?! Di ko nga ramdam na magulang ko sila eh kasi lagi silang wala, di nga nila alam kung ano ng nangyayari sa akin ultimong birthday ko di nila matandaan. Magulang pa ba tawag dun manang?", inis ko na talagang sabi.
"Mahal ka ng magulang mo, hindi naman sila aalis para magtrabaho kung hindi nila iniisip ang kinabukasan mo, kaya ikaw mag aral ka ng mabuti", pangangaral sa akin ni manang.
"Oo na lang manang", sabi ko sa kanya at nagsimula ng kumain.
"Manang sabay na kayo sa akin", sabi ko sa kanya.
"Mamaya na ako, bilisan mo na diyan para hindi ka malate",
Tulad ng sinabi ni manang binilisan ko ang pagkilos ko.
"Manang aalis na po ako", pamamaalam ko.
"Sige anak ingat ka",
Di ko na sya sinagot at umalis na ako. Medyo may kalayuan ang school namin pero kaya namang lakarin ang kaso tinatamad akong maglakad kaya kinuha ko ang motor ko.
Pasakay na ako ng motor nang may bigla akong na alala
Shit! Nakapalda nga pala ako...Anong gagawin ko ngayon?? Ayokong maglakad.
Habang nag iisip ako ng paraan may pumaradang itim na sasakyan sa harap ko.
Bumaba ang window ng nasa driver seat neto at nakita ko naman si Immanuel.
"Sakay", sabi nya sa akin.
Hindi naman ako nagdalawang isip at sumakay sa likod.
"Huwag ka jan magmumukha akong driver, bawas angas yun", tssk arte neto.
Bumaba ulit ako at umupo sa passenger seat .
"Huwag ka jan magmumukha tayong magjowa", abay bwisit to ah.
"Aray ang sakit mong mambatok", reklamo nya sa akin.
"Ano bang gusto mong mangyari? Inaya mo akong sumakay sa kotse mo kaso ayaw mo akong paupuin", pasigaw kong sabi sakanya.
"Sorry na, jan ka na lang maupo.. mas gusto ko pang magmukhang jowa mo kesa sa maging driver mo", sabi nya sa akin at nagsimula ng magmaneho.
Ano raw?? Mas gusto nyang magmukhang jowa nya ako. Oh my gash tama ba pagkakarinig ko. Oh shit kenekeleg ako. Kung panaginip man toh wag na wag nyo na akong gisingin kung ayaw nyong malagutan ng hininga. Pero di nga?? Gusto nya talagang magmukhang jowa ko sus pwede nya naman akong diretsuhin na gusto nya akong maging jow---
YOU ARE READING
The Match Maker's Love Story
Teen FictionIsang tangang matchmaker... Bakit tanga?? Pinagtulakan kasi sa iba ang kanyang nagugustuhang bestfriend... Pero possible pa bang magkaroon ng love story ang isang tangang matchmaker na tulad nya? Pano kung mainlove sya sa isang heartbreaker? Possibl...