Chapter 7: Heartbreaker's Place

11 4 0
                                    

Marianne's P.O.V.

"Bespren ingatan mo si beshie ah", sabi ko kay Immanuel.

Di ako makakasabay sa kanila kasi gagawa din kami ng report para sa filipino.

"Bespren, ikaw ang mag ingat kay Vince, baka umuwi kang luhaan", sabi nya sa akin bahagya naman akong natawa.

"Loko", sabi ko sa kanya.

"Bespren seryoso ako", walang expresyon nyang sabi

"Bahala ka jan, inaantay ka na ni Rhea", sabi ko sa kanya sabay turo kay Rhea

"Sige sasakay nako ah, ingat ka", pamamaalam nya sa akin

"Sige ingat rin kayo, babye beshie", pamamaalam ko.

Pagkaalis ng kotse nila sa harap ko nanatili ang panangin ko dun sa pinaradahan ng kotse ni Immanuel.

Nakita ko si Vince na nakasandal sa kotse nya at nakatingin sa akin.

"Ang tagal nyo namang magpaalaman ang dadrama nyo masyado. Sakay", sabi nya sa akin

Bat kasi sa bahay pa nila kami.

"Sandali lang eto nah pasakay na", sabi ko na naglalakad na papunta sa kotse nya

"Bilis ang bagal", takte pasalamat sya mahaba ang pasensya ko ngayon.

Nakasakay na ako sa kotse nya. At pinaandar nya agad ang kotse kahit hindi ko pa nasasara ang pinto.

"Gago ka ba? Kita mo namang hindi ko pa nasasara ang pinto!!", sigaw ko sa kanya.

"Tss ang bagal kasi", sabi nya na nasa daan ang atensyon.

Nanahimik ako at kinuha ang phone ko para magtext kay manang.

To: Manang

Manang, malalate ako ng uwi gagawa po ako ng report sa bahay ng kaklase ko.

Pagkatext ko tinago ko na ang cellphone ko. Nagtext lang talaga ako para alam nya at hindi sya mag alala.

Ilang minuto din ang lumipas nakarating na kami sa bahay nila Vince.

"Baba", sabi nya sa akin.

Sinunod ko naman sya. Magpapakalow profile muna ako sa ngayon kasi nasa bahay nila ako wala akong kakampe dito.

Naglakad kami papunta pinto na nasa garahe nila. Binuksan nya eto at napagtanto ko na bahay na pala nila yun.

Ang ganda naman ng bahay na toh ang laki laki ang liwanag.

"Goodafternoon po", bati ko sa mga katulong nginitian naman nila ako.

"Goodafternoon sir", sabi nila kay Vince.

"Hmm goodafternoon", sabi nya na may ngiti.

Woah first time ko syang makitang nakangiti. Ang cute nya pala.

Cute means Certified Ugly Tottaly Eww. Yeah yan ung meaning ng cute sa akin.

Nakarating kami sa sala nila at andoon ang parents nya na nanunood ng pwlikula na magkasama.

Aww, how sweet.

"Oh nak andito ka na pala, so how's sch--- , oh is she your girlfriend?", sabi ng nanay nya na nakapagpagulat sa akin.

"Uhhm goodafternoon po, hindi nya po ako girlfriend--",

"But soon to be my girlfriend", sabi nya at umakbay sa akin, nankangisi pa ang gago.

"Congrats son!", tibay ng tatay neto natuwa pa. Eh kung ginawa ko toh sakin nabugbog nako.

"Omo, binata na ang anak ko", sabi ng mommy nya.

"At syempre pumopogi, dba Anne?", ano daw??

"Ha?", sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang di ako makasabay sa flow.

"Oh diba mom, sabi ng future girlfriend ko pogi daw ako", sabi nya sa mommy nya.

"Bagay kayong dalawa son at suportado kami kung anoman ang desisyon mo", sabi ng daddy nya sa kanya.

"Thank you dad, ah kaya nga pala kami nandito gagawa kami ng report", sabi nya sa parents nya.

"Ahh doon kayo sa kwarto mo gumawa", -Mr. Reyes

"PO?!! May library naman po siguro dito sa laki po ng bahay nyo impossible pong wala", sabi ko sa kanila na nasa paggalang pa din ang tono.

"Ang cute mo iha, ano nga ulit ang name mo?", -Mrs. Reyes.

Ay ang tino kausap ni nanay ng mokong na toh.

"Uhmm you can call me Marianne, Ms. Reyes", sabi ko sa kanya.

"Ang haba naman ng name mo, can I call you Anne na lang", sabi nya sa akin

"If that's what you want po", sabi ko

"You can also call me,  mom or tita, ang pormal kasi masyado ng gamit mong pantawag eh", sabi nya.

"Ahh sige po Mrs Re- ah tita", sabi ko sa kanya.

"Dad, bat sa kwarto ko kami gagawa eh may library naman", pagbabalik sa usapan ni Vince.

"Son, inaayos ang library natin.. remember? Kaya no choice kayo dun kayo sa kwarto mo gumawa", sabi sa kanya ng daddy nya.

"Eh pwede naman pong dito sa sala", sabi ko sa daddy ni Vince.

"Manunuod kami ng tita mo eh, kaya dun na kayo sa kwarto ni Vince gumawa iha ha?", sabi ng daddy nya.

No choice naman kaya tumango na lang ako.

A/n: sabaw na naman...mianhe... but hope u like it :)

~Abbyshi

The Match Maker's Love StoryWhere stories live. Discover now