Marianne's P.O.V."Ahh beshie balik nko sa pwesto ko ah", sabi ko sa kanya.
Maglalakad na sana ako papunta sa pwesto ko ng biglang may pumatid sa akin pero agad naman akong humawak sa dalawang lamesa sa gilid.
Nilingon ko kung sino yung namatid pero wala na akong naabutang paa na nakalagpas sa mga lamesa.
Tss mga papansin.
Umupo na ako sa tabi ni Immanuel, magseatmate kaming dalawa kaya nga ang swerte swerte ko eh.
"Ayos ka lang ba?", tanong nya sa akin
"Himala nag alala ka sakin", sabi ko sa kanya.
"Minsan lang toh kaya sulitin mo na", abay pinatulan ang joke ko.
"Gago", sabi ko sa kanya.
"Ka", dugtong nya sa sinabi ko.
Bwiset toh ah.
"Aray!! Ikaw ah nawiwili ka na sa pambabatok sa akin", reklamo nya.
"Nakakabwiset ka kasi eh", sabi ko sa kanya bigla na naman syang nanahimik.
Takteng yan, bat ba napakamatampuhin netong bespren/ crush ko? Nagmumukha tuloyng bakla gwapo pa naman
"Nagtampo ka na nyan", sabi ko sa kanya.
"Ikaw kasi eh", luh ako pa sinise
Pero dahil mabait ako ngayon....
"Sorry na", pagpapakumbaba ko.
Ngumiti sya na parang batang binigyan ng candy...
"Yehey bati na kami", hays napaka isip bata ng bespren ko.
Pano ko ba naging crush toh?
Dumating ang lecturer at nagsimulang magturo.
******* Break time*******
Natapos ang umaga naming klase na wala naman akong masyadong maintindihan. Lagi namang ganun eh, pagkaboba ka wala ka talagang maiintindihan.
"Libre moko", sabi ko kay Immanuel
"Sige ba basta isama mo si---", narinig kong natigilan sya ng makita nya akong papalapit kay Rhea.
"Beshie sabay ka na samin maglunch", sabi ko
"Eh wala akong perang dala eh", sabi nya sa akin.
"Luh? Pano ka kakain ng lunch? Pano ka namamasahe kung wala kang pera?", sabi ko sa kanya.
"I mean nag iipon ako ngayon kaya ayokong gumastos", sabi nya sa akin
"Ililibre naman tayo ng lunch ni Immanuel eh" , sabi ko.
Bumaling sya kay Immanuel at para namang kamatis ang crush ko sa sobrang pula. Bumibigay amp.
"Libre mo ah?", tanong ni Rhea.
Tumango naman si Immanuel. Speechless.
"Siguraduhin mo ah, tara na kain na tayo", sabi ni Rhea at nanguna na sa paglalakad.
Nasa unahan namin sya kaya hindi nya kami maririnig kung magbubulungan kami.
"Ano ba pinaplano mo?", pabulong na tanong ni Immanuel sa akin.
"Isinasagawa ko lang ang pagtulong ko sayo", sabi ko sa kanya na may ngisi sa labi.
Tinutulungan kitang sumaya tinutulungan ko naman ang sarili kong masaktan. Congrats ako na talaga ang dakilang tanga.
Lumawak ang ngite sa labi nya ng sabihin ko yun.
"Thank you bespren", sabi nya sakin.
"Basta ikaw", sabi ko sa kanya.
Nakarating na kamj ng canteen at naupo na kami. Dko hinayaang makaupo si Rhea sa tabi ko kaya no choice sya at sa tabi sya ni Immanuel umupo.
"Ako na ang oorder, ano gusto nyo?", sabi ni Immanuel.
"Kung ano sayo yun na lang din yung akin", sabi ko kay Immanuel.
"Ah sayo Rhea, a-anong g-gusto mong k-kainin?", pfft nauutal si crush pero sa bestfriend ko hindi sa akin.
"Kahit ano, ikaw na bahala", sabi nya.
Umalis na si Immanuel para umorder at nagsimula naman kaming magusap at magkwentuhan ni Rhea.
"By the way, balik tayo sa topic natin kaninang umaga. Sino ba crush mo?",tanong ko sa kanya...
"Bat ba gusto mong malaman?",tanong nya sa akin.
"Wala lng, malay mo maisipan kong imatchmake ko kayong dalawa", pagpapalusot ko.
"Talaga? Gagawin mo yun??", tanong nya sa akin tumango naman ako at lumawak ang ngiti sa labi nya.
"Basta huwag mong sasabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya", sabi ni Rhea.
"Oo nga sino?", tanong ko.
"Si Immanuel",
Ano raw?? Si Immanuel?? Napakabait naman masyado sakin ng langit oh sinasaktan ngayon ang puso ko. Pero okay lang toh hangga't masaya si crush masaya din dapat ako sa kanya.
"Huy natigilan ka ata, may nasabi ba akong mali?", tanong nya sa akin.
Umiling ako habang nakangiti sa kanya..
"Wala naman",sabi ko sa kanya.
"Kaya mo ba kaming ipagmatchmake eh hindi naman kami close", sabi nya.
Wooh mas nasasaktan ako ngayong alam ko na yung feelings nila sa isa't isa ay mutual.
"Oo naman noh, ako kaya si Marianne Bautista isang Dakilang MATCHMAKER", at isang napakadakilang tanga.
YOU ARE READING
The Match Maker's Love Story
TienerfictieIsang tangang matchmaker... Bakit tanga?? Pinagtulakan kasi sa iba ang kanyang nagugustuhang bestfriend... Pero possible pa bang magkaroon ng love story ang isang tangang matchmaker na tulad nya? Pano kung mainlove sya sa isang heartbreaker? Possibl...