Marianne's P.O.V.
"Ibabalik ko lang toh sa baba", sabi ni Vince na ang tinutukoy ay yung tray ng pinagkainan namin
"Sige lang", sabi ko at lumabas na sya sa kwarto nya.
Pagkalabas na pagkalabas nya ay sakto namang nagchat si Rhea...
Ang babaita nagpapatulong sa akin kung pano dumamoves sa crush ko. Eh ako naman tong si tanga turo lang ng turo.
Chat lang kami ng chat hanggang sa hindi na sya nagreply...
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko...naghahanap pa ako ng iba pang ideas tungkol sa report namin para kumpleto ang outline namin.
Ilang minuto ang lumipas di pa rin nakakabalik sa Vince.
"Ang tagal naman ng taong yun", wika ko sa sarili ko..
Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng mga ideas hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Iidlip nga muna ako, mahirap mag isip kapag inaantok.
Inihiga ko ang katawan ko sa malambot na kama ni Vince at ipinikit ang aking mata at maya maya pa'y nakatulog na ako.
Vince P.O.V.
"Mom, gotta go to my room",
"Sige anak, baka kanina pa nag aantay si Anne sa iyo", -mom
Tss puro Anne ang bukambibig ng mom ko ngayon...
Umakyat na ako sa taas para ipagpatuloy ang ginagawa naming report.. nang pagpasok ko sa kwarto ko ay naabutan ko ang isang babae na mahimbing na natutulog.
Gigisingin ko na sana kaso parang umiiyak yata sa panaginip.
"Ang sakit sakit na", sabi nya habang tulog.
Talo pa ang lasing
"Nasasaktan ako", sabi nya pa.
At sa unang pagkakataon naawa ako sa kanya.. Were mortal enemies kaya lagi akong galit sa kanya...
Naupo ako sa gilid ng kama, at nangalumbaba...Tinitignan ko ang kabuuan ng kanyang mukha, ang kanyang mga pilik mata na sobrang haba at ang gandang tignan pababa sa kanyong ilong na matangos at..... *lunok*... sa kanyang pinkish kissable lips..
Ring ring ring ring
Bago pa ako mag isip ng kung anu ano binalik ko ang tingin ko sa mga mata nya...
Maganda ka naman pala eh
Ring ring ring
Bwiset istorbo.. tinignan ko kung kaninong phone yung tumutunog at kay Marianne yun..
Kinuha ko at sinagot ng hindi tintignan ang pangalan......
Si Rhea lang pala bestfriend nya... dko na inistorbo ang mahimbing na pagtulog ni Marianne kasi parang pagod na pagod sya ultimong pagsasalita habang tulog nagawa nya.
Nilapag ko ang cellphone nya sa side table at pinagpatuloy ko na ang paggawa ng report.
Marianne's P.O.V.
"Bespren, nahihibang ka na ba? Anong tingin mo sa akin magkakagusto sa isang low class na tulad mo?", sabi ni Immanuel
"Bespren sana isipin mo rin naman na nasasaktan ako", sabi ko naman sa kanya.
"Eh yung damdamin ko iniisip mo ba?", galit na sabi nya sa akin
"Oo lagi kong iniisip yung nararamdaman mo kaya nga mas ginusto kong masaktan para sumaya ka, pero hanggang ngayon lagi ko pa ring tinatanong sa sarili ko kung may pag asa ako sayo--",
"Wag ka ng umasa kasi wala ka na talagang pag asa simula pa nung umpisa",
Wag ka ng umasa kasi wala ka na talagang pag asa simula pa nung umpisa
Wag ka ng umasa kasi wala ka na talagang pag asa simula pa nung umpisa
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip kong diko alam kung bangungot ba o ewan. Basta isa lang ang masasabi ko nasasaktan ako...
Tinignan ko ang paligid ko at nakita ko ang hindi pamilyar na lugar... Inalala ko ang mga nangyari kanina at natandaan kong nasa bahay pala ako ni Vince.
Oh shit!! Anong oras na?? Yung report namin?? Asan na yung mga libro dito??
"Gising ka na pala", sabi ni Vince na kakapasok lang sa kwarto nya
"Anong oras na?", tanong ko sa kanya na parang natataranta.
"6:30 pm", sabi nya
"Oh shit bat di mo ako ginising?? Asan na yung mga libro tapusin na natin yung report hinahanap na ako sa bahay", tarantang taranta kong sabi sa kanya.
"Im done with the report, and wag kang mag alala ihahatid naman kita sa bahay nyo pauwi eh", sabi nya sa akin
Medyo nahiya naman ako kasi sya pa ang tumapos sa report namin at wala man lang akong naitulong
"Okay na ang report malaki ang natulong ng binigay mong idea kaya hindi na ako nahirapang iellaborate ang report natin kaya natapos ko rin agad", sabi nya na nagpapawala ng konsensya sa loob ko pero infairness effective ah
Inayos ko na ang gamit ko at...
"Uuwi na ako", sabi ko sa kanya na nakaharap na sa pinto..
"Hatid na kita", sabi nya sa akin
"Huwag na kaya ko ng mag isa", sabi ko kasi nahihiya na talaga ako sa kanya.
"Sige bahala ka", punyeta di man lang ako pinilit, akala ko ba manliligaw ko toh.. syempre dapat isipin nyang nililigawan nya ako kaya kailangan nya akong ihatid. Bahala sya jan diko naman gusto na ligawan nya ako.
YOU ARE READING
The Match Maker's Love Story
Ficção AdolescenteIsang tangang matchmaker... Bakit tanga?? Pinagtulakan kasi sa iba ang kanyang nagugustuhang bestfriend... Pero possible pa bang magkaroon ng love story ang isang tangang matchmaker na tulad nya? Pano kung mainlove sya sa isang heartbreaker? Possibl...