Marianne's P.O.V.
Kumakain na kami ngayon, sinadya kong bilisan ang pagkain para maiwan ko ang dalawa at makapag usap.
Nang matapos ako, uminom ako ng tubig at...
"Guys magc.cr lang ako, didiretso na rin ako sa room pagkatapos maiwan ko na kayo", pamamaalam ko sa kanila.
"Ah samahan ka na namin", sinabi ni Rhea na tumayo pa.
"No!.. uhmm.. I mean medyo matatagalan ako kaya magsabay na lang kayo", sabi ko kay Rhea.
"Sigurado ka?", pagsisiguro nya kung okay lng sakin na mag isa lang ako.
"Oo nga, di naman ako bata na kailangan pang samahan eh...at saka dpa kayo tapos kumain oh", sabi ko sa kanya.
"Ok fine basta mag ingat ka lalo na kay Vince", napakacaring naman ng beshy ko.
Binalik ni Rhea ang atensyon nya sa pagkain tinignan ko naman si Immanuel na nakatingin din sa akin, kinindatan ko naman sya at ginantihan nya ako ng ngiti.
Sige lang pakasaya lang kayo jan, di baleng ako ang masaktan basta masaya kayo jan. Tanga ko grabe.
Hindi naman talaga ako magsicr palusot ko lang yun didiretso na sana ako sa room nang nakasalubong ko ang isa na rin sa mga kakilala o naging kaibigan ko.
"Uyy Rose kamusta?", tanong ko sa kanya.
"Okay lang naman", medyo malungkot nyang sagot, nagtaka naman ako run.
"Kamusta kayo ni Ryan?", nang tanungin ko sya tungkol sa bf nya bigla namang may namuong luha sa mga mata nya.
"Wala na kami?", sabi nya sa akin
"ANO?!", gulat na gulat na tanong ko.
Ang sweet sweet kaya nilang dalawa tapos malalaman ko na lang na break na sila. Pinaghirapan ko pa namang imatchmake yung dalawa tapos nalaman ko na lang na nagbreak na sila.
"Ganito kasi yan....", bago sya magsimulang magsalita hinatak ko sya paalis sa hallway at dinala sa garden kung saan walang tao at libreng libre syang umiyak kasi namumula na talaga ang ilong nya at anytime, alam kong tutulo na ang mga luha sa mata nya.
"Spill it", sabi ko sa kanya.
"Sabi nya kasi sa akin na nanlalalake ako", panimula nya na nagsisimula na ring umiyak.
"Totoo bang nanlalalake ka?", tanong ko sa kanya... malay mo totoo pala tas sya pala yung rason kung bakit sila naghiwalay diba? Mabuti na yung sigurado baka bigla kong sugurin si Ryan ng walang dalang armas at ako pa unang mateggie.
Okay back to reality tayo.
Pagkatanong ko sa kanya umiling sya at...
"Hindi ako nanlalalake, sinabi nya lang yun kasi sinabi sa kanya ni Vince na nakita nya daw ako na may kasamang lalake na kaholding hands ko pa daw habang naglalakad", paliwang nya sa akin.
"May proof ba syang may kasama kang lalake na kaholding hands mo habang naglalakad", tanong ko
"May pinakita syang pic, tinanong ko kung kanino galing yun sabi nya kay Vince", sabi nya sa akin
Edi nanglalake nga talaga sya, may patunay naman na pala eh.
"Sino ba yung lalake na kasama mo?", tanong ko
"Pinsan ko", sagot nya nahumihikbi na talaga.
Takte pinsan lang pala. Kahit naman ako close din ako sa pinsan kong lalake minsan nga katabi ko pa matulog pinsan ko eh.
"Alam ba ni Ryan na pinsan mo yan?", tanong ko ulit.
"Hindi, hindi nya na ako pinagpaliwanag, sabi nya malinaw na daw lahat sa kanya", sabi nya sa akin na humahagulgol na sa iyak.
Tanga din pala ni boy.
"Mahal mo ba?", tanong ko.
"Sobra", ay mas tanga si girl pero joke lang yun, ipagmamatchmake ko ulit tung dalawa pero una ko munang papatayin si Vince.
"Gusto mong ipagmatchmake ko ulit kayong dalawa?", tanong ko sa kanya.
Inangat nya ang tingin sa akin at tumigil sya sa paghagulgol.
"Sigurado ka?", tanong nya sa akin
"Para dika na masaktan ng ganyan, subukan natin kung may pag asa pa", pagpapalakas ko sa loob nya.
"Thank you ah, gumaan yung loob ko ngayon", sabi nya sa akin.
"Okay ka na?", tanong ko sa kanya.
Tumigil na sya sa pag iyak tumango sya bilang tugon
"Salamat, mauuna na ako", sabi nya sakin
Tinanguan ko naman sya bilang tugon.
Umalis na sya sa garden hanggang nawala na sya sa paningin ko.
Hay!! Napakagandang buhay naman Marianne oh, kailan bako magkakaroon ng lovelife??
YOU ARE READING
The Match Maker's Love Story
Novela JuvenilIsang tangang matchmaker... Bakit tanga?? Pinagtulakan kasi sa iba ang kanyang nagugustuhang bestfriend... Pero possible pa bang magkaroon ng love story ang isang tangang matchmaker na tulad nya? Pano kung mainlove sya sa isang heartbreaker? Possibl...