Marianne's P.O.V.
Nandito na kami sa kwarto ni Vince...
"Huy anong pinagsasabi mo sa mga magulang mo??", tanong ko sa kanya.
Naupo naman sya sa kama at inayos ang mga gamit nya sa bag at inilalabas ang mga kakailanganin namin.
"Ah yun, seryoso ako dun?", sabi nya na busy pa rin sa kakaayos sa mga gamit nya.
"Ano?!", pasigaw kong tanong sa kanya.
"Wag ka ng umangal, kung ano ang gusto ko yun din ang gagawin ko kaya pag gusto kitang ligawan, liligawan kita", sabi nya sa akin ng seryoso.
At ako naman speechless...anyare sa taong toh? Kala ko ang laki ng galit neto sa akin, were mortal enemies tapos bigla syang manliligaw.
"Eh pano kung ayokong manligaw ka sa akin", sabi ko sa kanya.
"Kung ano ang gusto ko, yun ang ginagawa ko kaya sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita", sabi nya sakin
Takte wala akong lusot sa taong toh ah. Bahala sya, manligaw sya kung gusto nyang mahirapan.
"Halika na simulan na natin", -Vince.
"Ang alin?", tanong ko
"Ang ginagawa ng may relasyon", sabi nya
"Bastos!", sabi ko sa kanya
"Ang libog mo",-Vince
Wow!! Ako pa ang malibog ah
"At ako pa ang sinabihan mo ng ganyan", sabi ko sa kanya.
"Kung ano ano ang pumapasok sa utak, hali ka na nga dito", sabi nya sabay hatak sa akin at pinaupo ako sa kama
"Huy anong gagawin mo?", tanong ko sa kanya.
"Ang green minded mo masyado, ang ginagawa ng taong may relasyon ay nag aaral ng mabuti para sa kinabukasan nila... kaya simulan na natin toh", sabi nya sabay turo sa mga libro na nakalagay sa kama nya.
"Ah ganun pala yun, sorry na", sabi ko
Sinumulan ko ng basahin ang isang libro at binasa nya naman ang isa pang libro. Gagawan kasi namin ng outline yung report namin kaya naghahanap kami ng mga ideas.
Tok tok tok
May kumatok at binuksan din agad nung taong kumatok.
Si tita pala....
"Kain muna kayo, nagbake ako ng cookies para sa inyo, maiwan ko na kayo ah... kainin nyo ang cookies", sabi nya sa amin at lumabas na ng kwarto.
"Mahilig ba magbake ang mommy mo?", tanong ko.
"Hindi naman sya magbabake ng cookies kung hindi, ikaw?? Marunong kang magbake?", -Vince
"Syempre marunong", sabi ko sa kanya mahilig ako sa mga cakes and bread kaya pinag aralan ko ang magbake.
"Punta ka dito minsan magbake kayo ni mommy gusto nya kasi na may kasama habang nagbabake", sabi nya sa akin
"Kung makakabalik pa ako dito", pabulong kong sabi.
"Makakabalik ka pa dito, pamana sa akin ni daddy ang bahay na toh kaya pagkasa--, Aray", naputol ang sinabi nya dahil binatukan ko sya.
"Kung ano ano mga pinagsasabi mo, para namang magkakatuluyan tayo", sabi ko sa kanya
"What I want is what I get", sabi nya na kumindat pa
Diko na sya pinatulan at pinagpatuloy ang ginagawa.
Rhea's P.O.V.
First point of view ko sa story na toh. Hi sa mga reader
Magpapakilala muna ako kasi trip ko na talagang magpakilala.
Im Rhea Mae Ramos, 16 years old. Ako ang one and only beshie ni Marianne at may gusto sa bespren nyang si Immanuel.
Kasalukuyan kaming magkasama ni Immanuel na gumagawa ng report sa bahay namin.
Andito kami sa library ngayon at naghahanap ng mga ideas para sa report namin.
"Uhmm kukuha lang ako ng makakain ah wait lang", sabi ko
"Sige", sabi nya na tutok pa rin ang atensyon sa libro.
Pagkasabi nya nun lumabas na ako sa library at nagpunta sa kusina... wala sila mama ngayon kaya kasama ko lang sa bahay ay sila yaya.. Nagdate kasi ang magulang ko ngayon kesyo hindi na daw sila nakakapasyal, kaya pinayagan ko na silang lumayas.
"Yaya handa ka ng meryenda", sabi ko sa katulong namin
"Wait lang po mam", sabi nya na inaasikaso na ang kakainin namin.
"Yaya ako na magdadala nyan sa library lapag nyo na lang sa lamesa yung tray pagkanakaayos na mga kakainin namin", sabi ko.
Naupo muna ako sa sala at nakikipagchat kay Marianne...
Marianne: kamusta jan??
Rhea: eto naiilang ako
Marianne: Kinakausap mo ba??
Rhea: pag may tanong lang ako tungkol sa report
Marianne: huwag kang mahiya mabait yan
Rhea: eh ano ba dapat sabihin ko
Marianne: Tanong mo kung may nagugustuhan na ba sya o kaya naman kung may nililigawan na sya.
Rhea: eh nakakahiya, ako ang babae ako ang magtatanong
Marianne: tanongin mo na para alam mo kung may pag asa ka o wala.
Rhea: sana meron
Marianne: kaya nga tanungin mo na para sigurado ka na
Rhea: baka masaktan lang ako
Marianne:Normal lang yun
Rhea: teka.... tapos na ba kayo sa report nyo?
Marianne: hindi pa bakit?
Rhea: eh bat mas inuuna mo pa akong ichat baka pag uwi mo sa bahay nyo may pasa ka na, dahil nabugbog ka ng Vince na yan dahil chat ka ng chat.
Marianne: Wala ang gago nasa sala nila.
Magrereply na sana ako ng biglang tawagin ako ni Yaya na nakahanda na ang meryenda namin.
Kinuha ko na ang tray at dinala sa library.
"Mamaya nayan, kain ka muna", sabi ko sa kanya ..
"Sige wait lang",sabi nya na nakatuon pa rin ang atensyon sa libro.
"Mamaya na yan kumain ka muna", sabi ko ulit na umupo sa harap nya at sinara ang librong kanina nya pa hawak at tintitigan.
Nag angat sya ng tingin at nagpalit naman ang expression ng kanyang mukha.. mula sa pagiging seryos naging gulat na gulat
Ano kayang nangyare dito?? Bakit kaya gulat na gulat tong taong toh?
YOU ARE READING
The Match Maker's Love Story
Novela JuvenilIsang tangang matchmaker... Bakit tanga?? Pinagtulakan kasi sa iba ang kanyang nagugustuhang bestfriend... Pero possible pa bang magkaroon ng love story ang isang tangang matchmaker na tulad nya? Pano kung mainlove sya sa isang heartbreaker? Possibl...