Chapter 9

27 4 0
                                    

Immanuel's P.O.V.

Gulat na gulat ako nang pag angat ko ng tingin ay sobrang lapit ng mukha ni Rhea sa akin. Medyo naiilang pa ako sa kanya kasi diko pa naman sya close....

"Oh bat parang gulat na gulat ka?", tanong nya...

Gagawa na ba ako ng moves?? Hay ewan... eh pano ko sisimulang manligaw?? Ang hirap naman neto...para namang first time ko toh.... sabagay first time ko ngang manligaw sa taong mahal ko talaga ng tunay...

"Huy anyare sayo? Bat gulat na gulat ka? Nakakagulat ba ang maganda kong mukha?", pag uulit nya sa tanong nya na dinugtungan pa.

"Oo" wala sa sarili kong sabi

"Ano?!",

Shit, ano ba pinagsasabi ko.... takte gagawa pa tuloy ako ng palusot.

"Ahh.... ahhh ang ibig kong sabihin ay...uhmmm Oo, Oo gulat na gulat ako.... gutom na kasi ako eh... paggutom ako mabilis akong magulat", wooh galing kong mag isip.

"Gutom ka na?? Kain na, meryenda akong dinala", sabi nya.

Tumayo naman ako at pumunta sa may parang mini living room nila sa library... sa lamesita kasi nakalagay yung pagkain kaya dun kami kumain.

"Anong oras na?", tanong ko sa kanya...

"4:30 pm na... dka ba hahanapin ng magulang mo?", sagot mya na sinamahan pa ng tanong.

"Nagpaalam naman ako", sabi ko sabay inom ng juice

"Ahh okay", ang awkward naman ang tahimik masyado.

"Wala ba kayong date ng boyfriend mo?", tanong ko sa kanya.

Moves yan bro para malaman mo kung may boyfriend ba sya o wala..

"Weekends lang kami nagdadate eh, pareho kasi kaming busy sa school", sabi nya

Sakit naman nun pre, may bf na pala...

"Ahh sino ba yung boyfriend mo, sa Smith University din ba nag aaral?", tanong ko.

Bigla naman syang tumawa... bat ganito tong babaeng toh, bigla bigla na lang tatawa

"Joke lang wala pa akong boyfriend", yun oh.. wala pa palang boyfriend.

"Pero sabi mo may mahal kana diba?", tanong ko.

"Oo kaso wala naman yatang gusto sakin yun eh", sabi nya

"Sino ba yun?", tanong ko ulit

"Bat ang dami mong tanong?", halatang naiirita na sya sakin kasi tanong ako ng tanong sa kanya

"Tinitignan ko lang kung kaya mong sagutin ang mga tanong ko simula sa umpisa hanggang sa huli", sabi ko

"Baka namam ang dami mong tanong, sige sabihin mo sa akin yung pang huli mong tanong", sabi nya..

"Panghuli agad?", gulat kong tanong sa kanya

"Oo, nasabi mo na yung una mong tanong eh idiretso mo na sa huli", sabi nya.

"Basta sagutin mo ako ng matino ah", sabi ko

"Oo na, ano nga yung huli mong tanong?", pangungulit nya..

Sasabihin ko ba? Putek nakakabakla naman toh. Feeling ko namumula nako at mukha na akong kamatis

Hay.. hinga malalim. Breath in breath out....

"Pwede bang manligaw?", sa wakas na sabi ko rin..

"Saglit lang ah", sabi nya sabay punta sa C.R.

Anyare dun? Yun na pala ang bagong sagot sa tanong ko saglit lang.. baka nag iisip pa ng sagot.

Rhea's P.O.V.

"Pwede bang manligaw?", shocks nakakagulat naman tung tanong ng taong toh di ako handa

"Saglit lang ah", bago pako sumabog sa harap nya pumunta na ako sa C.R.

"Yiiiieeeee manliligaw sakin si Immanuel?? Oh my goshh i cant believe this kenekeleg ako dko kinaya toh teh, grabe yiiiiiieeee hahaha kinikilig na talaga ako, wait tatawagan ko si Marianne", nilabas ko ang emosyon na kanina ko pa pinipigilan.

Ring ring ring

Nakailang ring pero di nya sinagot, tinawagan ko ulit sya.

Ring ring ring

Nakailang ring din pero this time may sumagot

"Hello, beshieee kinikilig ako", panimula ko

"Im sorry, who is this?", oh shit bat boses lalake... chineck ko kung sino ang tinawagan ko pero number naman ni beshie ang nakalagay eh

"Ako dapat ang magtatanong sayo nyan, sino ka? At bakit hawak mo ang cellphone ni Marianne?", tanong ko

"That's not important, youre so called beshie is already sleeping so shut the fuck up and let her sleep", pagkatapos nun binabaan ako ng telepono

Nyetang yan, pero pamilyar yung boses nung lalake.

Tok tok tok

"Rhea?? Ok ka lang ba?", pangangatok ni Immanuel

Nakalimutan ko hind ko pa pala nasasagot yung tanong nya, kinilig tuloy ako bigla

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng banyo....

Paglabas ko naabutan ko syang nakaupo sa upuan ng mini sala namin sa library.

"Okay ka lang ba? Sorry kung nabigla ka, di mo naman kai--",

Bago nya pa tapusin ang mga sinasabi nya ay pinutol ko na at sinagot ang tanong nya ng....

"Oo, pumapayag akong ligawan moko", sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi at sinuklian din naman nya ito ng matamis na ngiti

A/n: yah sabaw.... lagi naman eh buts still hope u like it

The Match Maker's Love StoryWhere stories live. Discover now