Chapter 14

17 0 0
                                    

Marianne's P.O.V.

Nagising ako limang minuto bago ang 3rd subject namin.. Oh shit baka tulog ako buong oras ng klase sa 2nd period namin...

"Bespren", tawag ko kay Immanuel pero pagtingin ko wala sya....

At nasa harapan katabi ang kalandian nyang si Rhea.

Tse edi sila magsama..

Nagulat ako ng may tumabi sa akin... nilingon ko toh at nalaman kong si Vince yun

Di ko sya pinansin at inistorbo ang kwentuhan ng mga kaklase ko sa kabilang side ko...

"Uhmm Irish?", pagtatawag ko sa kaklase ko..

"Yes sleepy head?? Nangiistorbo ka ng nag uusap alam mo ba yun?", mataray nyang sabi sa akin

Ang taray naman neto pasalamat sya wala ako sa mood manapak at dko na lang siya pinansin....

"Dont worry walang teacher ng first at second period, masyado ka atang napagod kahapon", sabi ng katabi ko..

Di ko sya pinansin....

Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro ng color swith wala pa din ung third period teacher namin 10 minutes na syang late...

"Sa amin ka sasabay ah mamayang lunch", sabi ni Vince at dahil focus ako masyado sa color switch sinang ayunan ko agad sya nang hindi nag iisip...

Sampung minuto ulit ang lumipas ng dumating ang third period teacher namin...

"Sorry for being late class, anyways goodmorning", bati nya sa amin.

"Goodmorning sir", tugon namin sa kanya.

Sinabi nya sa amin ang rason kung bakit sya late yun ay dahil sa may isasagawanga activity ang school at lahat ng teachers tumutulong sa pagaasikaso...

Kaya pala hindi pumasok ang first at second period teachers namin.

Nagsimula syang magdiscuss at nakinig naman ako... nasa mood akong makininig ngayon kasi hindi kami magkasundo ni Immanuel..

Nasa harap sya nakaupo at katabi ko naman si Vince dito sa likod.. hay bahala sya jan..

Immanuel's P.O.V.

Naiinis ako kay bespren ngayon diko alam kung bakit... feeling ko nagseselos ako kay Vince pero hindi eh..pero siguro oo...  aish ang gulo.....

Siguro nagseselos ako kay Vince kasi feeling ko pag nanligaw na si Vince sa kanya si Vince na lagi ang makakasama nya.. eh ako ang bespren nya..

Hay ang gulo..

"Immanuel? Okay ka lang", sweet na tanong ni Rhea sa akin

"Ah.. ok lang ako", sabi ko sa kanya ng pabulong na may ngiti sa labi baka kasi marinig kami ng teacher...

"Sigurado ka?", buti pa si Rhea iniisip ako. Si bespren nasa manliligaw nya

"Oo, makinig muna tayo", sabi ko sa kanya baka kasi mahuli kami ng teacher na nag uusap...

Sinunod nya naman ako at nakinig na rin sya pero ako, naglalayag pa rin ang isip ko....

Hay bat ba feeling ko inaagaw nyang Vince na yan sa akin si Bespren...

Hindi kaya??.... No! Hindi may Rhea na ako.. matagal na akong may gusto kay Rhea kaya hanggang ngayon sya lang ang mahal ko...

Ang gulo naman ng isip ko....

Rhea's P.O.V.

Nakatingin ako sa teacher pero hindi ako nakikinig... naglalayag ang isip ko...

Feeling ko may mali kay Immanuel, well, hindi ko pa naman sya lubos na kilala.. pero nakikita ko sa mata nya na malungkot sya... bakit kaya??

"Immanuel? okay ka lang?" Tanong ko sa kanya na nag aalala

"Ah....okay lang ako", para naman syang nagulat nang bigla ko syang kausapin

"Sigurado ka?", pagsisiguro ko...

"Oo, makinig muna tayo",  sabi nya na sinunod ko naman rin...

Pero kahit na nakikinig ako sa teacher dko pa rin maiwasang hindi mag alala sa kanya

Parang ang lungkot lungkot nya ngayon....

Marianne's P.O.V.

Natapos ang third period subject at dumating naman agad ang kasunod na teacher namin...

Nagpasulat lang sya ng notes dahil nextweek pa sya magdidiscuss..

Nasa mood akong mag aral ngayon kaya sinulat ko ang mga pinapasulat ng teacher....

Mabilis akong natapos kasi wala naman akong kadaldalan, kasi yung bespren ko nakikipaglandian sa beshie ko.. tapos sya pa may ganang magalit...

Pero naisip ko rin bakit andun sya sa harap at nandito sa tabi ko ang mokong na toh...

"Psst", tawag ko kay Vince...

"Why?", tugon nya

"Bat ikaw ang nakaupo dito?", tanong ko sa kanya...

"I just want to be with you", sabi nya na ngumisi pa..

"Sagutin mo ako ng matino!!", sabi ko sa kanya

"Im answering you properly... i really want to be with you", sabi nya... na nakangiti

"Ewan ko sayo!", pasigaw kong sabi sa kanya...

Diko na sya pinansin kainis sagutin lang ako ng maayos di pa magawa...

Di pa ako nakakaganti sa mga pinagagawa mo Vince..dko pa napagbabalik ang dalawang pinaghiwalay mo.... kaya huwag mo akong idaan sa pasweet sweet mo dahil hindi ako mahuhulog sayo....

A/n: sorry for the short ud but i hope u like it... happy birthday nga pala kay V/taehyung/Alien/pinsan ko, mahal ka ng MGA asawa mo😂... and advance happy new year sa mga readers 😊😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Match Maker's Love StoryWhere stories live. Discover now