Marianne's P.O.V.
"Kamusta naman kayo ni Rhea?", pagtatanong ko kay Immanuel.
"Okay lang naman bespren, pero maypagka moody din pala si Rhea noh", sabi nya sakin
"Aba'y siyempre babae, moody talaga yun " sabi ko sa kanya.
"Eh bakit ikaw? Sabagay tibo ka pala", -Immanuel.
"Anong sabi mo?!", tanong ko sa kanya
"Hehehe wala bespren sabi ko ang bait mo", pagpapalusot nya
"Aray ko bespren, bat mo nanaman ako binatukan nakakailan ka na ah", pagrereklamo nya.
"Napakagaling mo magpalusot, bakla", ganti ko sa kanya at ako naman ang nakatanggap ng pamamatok.
"Kala mo hindi masakit, ang sakit kaya tibo", nagtatampo na naman nyang sabi.
Bakla talaga toh pero kahit ano paman ang kasarian nya crush ko pa rin sya. Tanga ko talaga.
"Goodafternoon class", nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ng teacher namin sa Filipino..
Time na ba? Ang bilis naman ng oras.
"Goodafternoon mam", bati namin sa kanya.
"Pwede na kayong magsiupo", nagsiupuan kami pagkatapos nyang sabihin yun.
"Di ako pwedeng magtagal ngayon kasi may mga activity sa school na gaganapin at isa ako sa inatasan na mag aasikaso, kaya magbibigay na lang ako ng report sa inyo and gagawin nyo yun by pair",
"Tayo pares", aya ko kay Immanuel
"Eh bespren balak ko sanang ayain si Rhea eh", ouch, aray ko po edi dun sya kay Rhea.
"Ahh sige sige, hanap na lang ako ng iba kong magiging kapair", sabi ko sa kanya na may pagkaplastic ang ngiti sa labi.
"Okay lang ba sayo yun bespren?", tanong nya sa akin.
"Oo naman, mabuti na din yun para mas lalo pang maglapit ang loob nyong dalawa", sabi ko sa kanya bilang pangungumbinse na okay lang talaga ako.
"Salamat bespren ah", ayan na naman sya bumibigay nanaman.
"Bitawan mo nga ko para kang bakla" sabi ko sa kanya at mas lalo nya namang hinigpitan ang yakap nya mabuti na lang at nasa likuran kami at di kami kita.
"Labyu bespren", sana may value yang mga pinagsasabi nya.
"Oo na bitawan mo na ako, kadiri ka, para ka talagang bakla", sabi ko sa kanya.
"Okay lang na tawagin mokong bakla di naman totoo eh. Di tulad sayo totoo talagang tibo ka", bwiset toh ah.
Di na ako nakasagot ng biglang magtanong ang teacher.
"Sinong wala pang kapares?", tanong ni mam.
"Rhea tayo magkapares", sigaw ni Immanuel kay Rhea at sinagot naman toh ni Rhea ng thumbs up at ngiti.
Punyeta di man lang ako nainform close na pala sila.
"Uulitin ko ang tanong ko sino ang walang kapares?", pag uulit nya sa tanong.
Nagtaas ako ng kamay at tinignan ko sa mga kaklase ko kung sino pa rin ang walang kapares pero diko pa tapos ilibot ang mata ko nagsalita ulit ang guro namin...
"Okay Ms. Bautista kapares mo si Mr. Reyes", sabi nya.
Mr Reyes?? Wait lang sino ba yun? Vince Martin Reyes??
"Ano??!", tanong ko kay mam
"Bakit Ms Bautista may problema ba?", tanong ng guro
Umiling naman ako na kunwari okay lang sa akin.
"Wala po ma'am", sabi ko sa kanya.
Tinignan ko naman kung saan nakaupo ang mokong at ayun nakangisi pa ang baliw.
Gago talaga.
"Uyy bespren baka maging bagong bespren mo yan si Vince ah", luh nagseselos?
"Bakit nagseselos ka?", tanong.
"Oo magseselos ako, dapat ako lang ang bestfriend", nagpapakaisipbata na naman.
"OA mo", sabi ko sa kanya.
"Eh kasi baka maging bespren mo na rin sya tulad ko tas makahati nako", ako nga di nagrereklamo na may kahati sayo arte neto.
"Di mangyayari yun ikaw lang bespren ko, okay?", sabi ko sa kanya kasi nakapout na talaga sya na parang batang inagawan ng candy
"Siguraduhin mo bespren ah baka mamaya nyan makita ko, kayo na ang laging magkasama", napaka ano netoh mababatukan ko na talaga toh.
"Tigilan mo na nga yang pagdadrama nagmumukha kang bakla", sabi ko sa kanya.
"Oo na, masyado ka ng nawili sa kakasabi ng bakla sa akin", sabi nya at bumalik sa dati ang ugali.
Takte talo ako neto ang bilis magbago ng kilos kanina mukhang bakla tapos naging isip bata tapos nagtatampo na ngayon naging baliw ulit.
"Makinig ka na sa teacher, masyado ka ng madaldal", sabi ko sa kanya at sinunod nya naman.
Tulad nya nakinig na rin ako sa mga sinasabi ng guro.
A/n: Sorry for the lame update but hope u like this chapter...
-Abby
YOU ARE READING
The Match Maker's Love Story
Teen FictionIsang tangang matchmaker... Bakit tanga?? Pinagtulakan kasi sa iba ang kanyang nagugustuhang bestfriend... Pero possible pa bang magkaroon ng love story ang isang tangang matchmaker na tulad nya? Pano kung mainlove sya sa isang heartbreaker? Possibl...