Marianne's P.O.V.
"Tita mauuna na po ako", pagpapaalam ko sa mommmy ni Vince.
"Sige iha mag ingat ka, di ka ba ihahatid ni Vince?", sabi naman ng daddy ni Vince
"Ayh hindi na po, masyado na po akong naging abala sa inyo", sabi ko
"Eh anong sasakyan mo iha?", tanong ng daddy nya
Oo nga pala wala akong sasakyang dala
"Uhmm magcocommute na lang po ako", sabi ko sa parents nya
"Naku iha delikado, madilim na oh, Vince ihatid mo tong si Anne sa bahay nila", sabi ng mommy nya
"Halika na", nagulat ako ng pagsulpot ng gago ay bihis na sya at hawak nya na ang susi ng sasakyan nya.
"Agad agad?", tanong ko sa kanya
"Bakit gusto mo pang magstay dito? Pwede rin naman, pwede ka ring matulog dito", sabi nya
"Tara na ang dami mo pang sinabi, tita una na po ako", sabi ko sa kanila.
Pumunta na kami sa garahe nila at sumakay sa kotse nila....
"Sus magpapahatid din naman pala, pakipot pa kanina", sumbat nya sa akin
"Oh sige magcocommute na lang ako", sabi ko napababa na ng sasakyan.
"No, stay here... I was just kidding", sabi nya at stinart ang engine ng sasakyan at agad din itong pinaharurot.
Sus kunwari pang ayaw akong ihatid eh gusto akong manatili sa tabi nya....
"Stop over thinking.... magagalit si mom sa akin pag hindi kita ihahatid", sabi nya.
"Bakit naman magagalit ung mom mo?", tanong ko sa kanya...
"Stop asking some question, its too irritating" inis na sabi nya.
Bat ba ang daling mainis neto... ay oo nga pala sya si Vince na laging may red days
Nanatili akong tahimik hanggang sa binasag nya ang katahimikan na namamagitan sa amin...
"San papunta yung sa inyo pakanan, pakaliwa o diresto?", tanong nya sa akin
"Paatras de joke lang, diretso mo lang tas iliko sa kanto na may mini mart", sabi ko
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at maya maya pay nakaramdam ako ng antok....
"Pagliko sa mini mart ano pang direksyon ng bahay nyo?", tanong nya pa
"Idiretso mo lang tapos iliko mo sa pangalawang kanto, ihinto mo sa pangatlong bahay na makikita mo", sabi ko sa kanya
"Ahh sige, matulog ka muna jan", sabi nya sa akin
Infairness bumait sya.. siguro napansin nyang inaantok na ako kaya tinanong nya na ang direksyon ng bahay ko..
Sinandal ko na ulit ang ulo ko sa bintana at pinikit na ang aking mga mata...
*******
Ring ring ring!!!
"Nak gising na, may pasok ka pa", napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni manang.
"Anong oras na manang?", tanong ko
"6 ng umaga...kumilos ka na mamaya mo na itanong kung pano ka napunta sa kwarto mo", sabi nya sa akin
Oo nga pano ako napunta sa kwarto ko eh huli kong natatandaan ay nasa kotse ako ni Vince pero gaya ng sinabi ni manang kumilos na ako para maghanda para di ako malate sa klase.
Agad akong naligo at nagbihis at bumaba na para kumain
"Manang pano nga pala ako nakarating sa kwarto ko? Alangan namang buhatin nyo ako eh di nyo ako kaya...alangan din namang naglakad ako eh dko naman naramdaman yun", tanong ko kay manang bago mag simulang kumain.
"Binuhat ka nung pogi at mabait mong manliligaw, may manliligaw ka na pala dika nagsasabi?",
Muntik akong masamid dahil sa mga pinagsasabi ni manang..
"Po??! Manliligaw??!! Pogi??!! Mabait??!! Sino yun manang at ako?! Binuhat?!", gulat na gulat kong tanong kay manang...
"Vince daw pangalan nya, oh eh bakit parang gulat na gulat ka... mas nagulat ka pa ata kesa sa akin eh", sabi nya
"Eh kasi naman manang ni di ko nga alam kung seryoso sya sa mga pinagsasabi nyang manliligaw sya eh pero umabot din pala sa inyo.... at manang naman bat nyo hinayaan buhatin ng mayabang na yun.... eh pwede nyo naman akong gisingin?", sabi ko kay manang
"Hahaha para kang magulang na gulat na gulat dahil nalamang buntis ang anak nya", pagbibiro ni manang
"Manang naman eh", reklamo ko, eh kasi naman seryos ako dito tapos magbibiro sya.
"Hindi ka namin magising kagabi kasi tulog mantika ka, kaya nagpresenta syang buhatin ka papunta sa kwarto mo...tinanong ko na rin kung ano pangalan nya mabait naman eh, magalang nga at maginoo... di naman sya mayabang anak...kaya san nanggaling yang mga pinagsasabi mong mayabang sya?", sabi ni manang
Hay manang nakuha agad ni Vince ang loob mo.
Hindi ko pa nga alam kung seryoso ba talaga sya o nagbibiro lang eh....
YOU ARE READING
The Match Maker's Love Story
Teen FictionIsang tangang matchmaker... Bakit tanga?? Pinagtulakan kasi sa iba ang kanyang nagugustuhang bestfriend... Pero possible pa bang magkaroon ng love story ang isang tangang matchmaker na tulad nya? Pano kung mainlove sya sa isang heartbreaker? Possibl...