Chapter 5: The heartbreaker

17 3 2
                                    

Marriane's P.O.V.

Pagkatapos kong kausapin si Rose naglalakad na ako papunta sa classroom ko.

At sa kasamaang palad nakasalubong ko si Vince.

Siguro nagtataka na kayo kung sino si Vince. Sige ipapakilala ko na sa inyo bahala na kahit walang pahintulot kay author.

 Sige ipapakilala ko na sa inyo bahala na kahit walang pahintulot kay author

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Si Vince Martin Reyes ay isang heartbreaker. Kung ako matchmaker sya naman heartbreaker, perfect match para sa mga magkaaway.

"Ano? Narinig mo na ba ang balita?", mayabang nyang tanong.

Isama nyo sa katangian nya ang pagiging mayabang

"Walang hiya ka, ang sama mo talaga" nanggagalaiti kong sagot.

Nakakagalit kaya!! pinaghirapan mong magkatuluyan ang dalawang pakipot na tao tas sisirain nya ang relasyon ng dalawa.

"Nah, Im just doing what I want", sabi nya sa akin na puno ng kayabangan.

Pigilan nyo ko pag di ko toh natansya di na aabot ng gabi ang buhay neto.

"Tss, ginagawa mo lang ang gusto mo?? Pwes gagawin ko rin ang gusto ko", sabi ko sa kanya.

"Ano nanaman yun Ms matchmaker? Ikaw na naman ang magiging daan ng dalawang tanga?", puno ng kayabangang sabi nya.

Takte konti na lang ubos na pasensya ko.

"Oo gagawin ko yan pero mas uunahin kong...", pabitin kong sabi.

"Isa ka ring pakipot eh bini--

"Aww", hiyaw ng mga tao sa paligid, matapos ko syang sapakin sa mukha.

"Puro ka kayabangan", sabi ko sa kanya at iniwan syang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader.

Takte hina din naman pala. Bakla ata eh bumigay agad tss.

Immanuel's P.O.V.

Hi sa mga readers first time kong magkaroon ng P.O.V. thank you author.

So una sa lahat at hindi sa huli kilala nyo na ba ako?

Kung kilala nyo ako edi kayo na! Pero magpapakilala pa rin ako.

Kung kilala nyo ako edi kayo na! Pero magpapakilala pa rin ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Im Immanuel Corpuz, bestfriend ni Marianne. At pasekretong umiibig kay Rhea.

Alam kong close si Rhea at Marianne kaya nagpatulong ako sa bespren kong magaling sa pagmamatchmake.

Natuwa nga ako sa bespren ko ngayon kasi alam kong sinadya nyang bilisan ang pagkain nya para bigyan kami ng oras ni Rhea makapag usap.

"Ano pa gusto mo?", panimula ko kanina pa kasi kami hindi umiimik.

"Huwag kang magsayang ng pera matuto kang mag ipon", sabi nya sa akin

Ang cool naman ng babaeng toh masyadong seryoso. Pero pag si Marianne ang kasama sobrang baliw.

"Nagtatanong lang naman ako kung ano ang gusto mo eh", tanong ko sa kanya.

"Nagtatanong ka kung ano ang gusto ko? Dko kayang sagutin yan eh", sabi nya sakin sabay tawa.

Ngayon nagpakabaliw na sya.

"Biro ba yun?", pagsisiguro ko.

Bigla naman syang sumeryoso at kumunot ang noo na parang nainis.

"D mo na appreciate?", tanong nya sa akin

"Ha ang alin?", sabi nya.

"Ewan ko sayo", sabi nya na parang nainis at binalil ulit ang atensyon sa pagkain.

Takte bat ang slow ko ngayon malamang nagbibiro sya tumawa sya diba. Eh ang corny naman kasi pero mahal ko pa rin sya kahit ang corny ng joke nya.

"Tapos na akong kumain, tara na", aya nya sa akin sa malamig na tono.

Moody, definition nya moody. Moody syang tao kanina masungit kanina baliw ngayon ang cold nya.

Sabay kaming naglakad papuntang room at napansin ko naman na pinagbubulungan at tinititigan kami ng mga nadadaanan namin.

"Oh my gosh ang pogi nung boy"

"Pre ganda nung babae"

"Mga teh bagay silang dalawa"

"Ligawan ko kaya yang babae"

Parang nagpaulit ulit sa tenga ko ang huling narinig kong bulungan ng tao sa paligid napalingon naman ako sa kung sino ang nagsalita.

Jusko po ang panget mas pogi ako.

At dahil ayoko maunahan inopen up ko ang topic tungkol sa ligaw ligaw na yan.

"Uhmm Rhea may mga

nanliligaw ba sayo?", tanong ko.

"Ha? Bat mo naman natanong?", sabi nya sa akin

"Wala lang nacucurious lang ako", sabi ko sa kanya.

"Meron naman, nagpupunta pa nga ng bahay eh",

"Ano??!! Ano namang ginagawa sa bahay nyo?!",

"Ayun nagdadala ng mga kung ano anong gamit na walang kwenta", -Rhea

"Ha? Bakit walang kwenta", tanong ko eh

"Walang kwenta kasi di naman galing sa taong mahal ko", sabi nya sa akin

Ay may mahal na pala syang iba. Susuko na ba ako.. hindi, hindi ako susuko. diko pa nga natatanong kung sino yung mahal nya eh malay mo bakla pala yun.

"Sino ba mahal mo?", tanong ko sa kanya.

"Secret, di naman kita bestfriend eh para malaman mo kung sino", aray ayaw nyang sabihin.

"Ikaw? May mahal ka na ba?", tanong nya

"Syempre naman meron", sagot ko.

"Sino naman?", tanong nya sa akin

"Magulang ko", at ikaw....

"Loko", sabi nya sa akin na bahagyang natawa.

"Luh? Anong nakakatawa dun? ang tino ng sagot ko eh, tapos pagtatawanan mo", sabi ko sa kanya na parang nagtatampo

"Ang bilis mo namang magtampo, ang cute lang kasi ng sagot mo", sabi nya sakin

Mas cute pa rin naman ako.

"Ano namang cute dun?", tanong ko sa kanya na hindi nya na nasagot kasi nasa classroom na kami.

"Punta nako sa pwesto ko ah", pagpapaalam nya, tinanguan ko naman sya at dumiretso na ako sa upuan ko.

A/n: Sorry for the lame update but still hope you like it...

~Abby

The Match Maker's Love StoryWhere stories live. Discover now