Ako si Totoy, laking Probinsya ng Iloilo, pangalawa sa tatlong magkakapatid. Dalawa kaming lalake at babae nman ang bunso. 5'8" ang height at 50 kgs ang bigat. Sa madaling salita, payatot. Kung inyong tatanuning kng anung kulay meron ako. Tumpak ang iniisip nyo. Nasa kalagitnaan ng maitim at kayumanggi ang kulay ko pero kung summer mas lamang ang itim.
Sa tuwing nakatingin ako sa salamin nangungusap siya sa akin na ang GWAPO mo. Doon ako naniniwala at hindi sa sabi sabi ng mga kapitbahay at ni nanay. Hindi ko pinapahalata sa mga tao na yun ang paniniwala ko kasi hindi naman totoo. Sa tuwing lalabas nga ako ng bahay maririnig ko na lang ang sinasabi nila.
"OH!!! Lalabas na ang GWAPO!!!" sabay tawanan sila. Ako naman ay ngingiti na lamang.
Kapag kasama ko naman ang mga kaibigan ko. Tawanan lang ang ginagawan namin kasi ako ang joker sa amin. Nangangawit na nga ang aming mga bunganga sa kakatawa.
"Pre, Gwapo ba ako sa paningin nyo?"
"TOTOY!!! tandaan mo. Wala yan sa itsura kundi sa pag.uugali lng yan" sabi ni Nonoy
"Tama ka dyan!!! Mabait kang kaibigan pre" sabat ng isa ko pang kaibigan
"To be honest pangit ka totoy!!!" sabi naman ni Kyte. "Pero may sense of humor ka at yun ang Pogi points mo sa mga babae" bawi nya
"HAHAHA. may biglang bawi ah. bawi bawi din pag may time ah" sabi ko naman
Hindi ko naman maipagkakaila na ganyan naman talaga ako. Hindi ko na mababago ang tadhana ng aking buhay...

BINABASA MO ANG
In LOVEbabo Si Probinsyano
Teen FictionProbinsyano man ang dating, pero kung ikaw ay liligawan, siguradong mapapaYES ka din..