Kapag tapos kna ng Elementary. Ito na ang araw na pinakahihintay. Sabi nga nila, hindi na raw ako magiging totoy kapag natuli na ako. Magiging ganap na binata na ako. Araw na ng pagbibinata. Dito na makikita ang totoong tapang ng mga kababata ko.
Sa ganitong panahon ng summer. Masarap mamasyal at maligo sa beach. Galit na galit kasi si haring araw. Ewan ko ba kung bakit. Hindi nya ba nakikita sa aking balat ang ebidensya ng kanyang galit. Kahit anung mukmuk ko sa bahay. Kahit anung gawin ko wala na talaga akong pag.asa na pumuti. Wala naman akong pambili ng sabon pampaputi. Ang mahal kaya nun. Ok na sa amin ang sabon na Perla. All in one kasi. Pede sa labahan, pede rin sabong pampaligo.
"Toy, gising nah"
"Marky? Ang aga mo yata. San ba byahe natin ngayon"
"Bihis kna pre, punta tayo sa ilog."
"Anung gagawin natin dun? Ang aga aga pa nito para maglakwatsa. Alas 7 palang ng umaga oh" sabi ko at saka bumalik sa pagkahiga.
"Hahaha. May party dun pre."
"Party? Kaninong party? Nung isang buwan pa ang graduation natin dba?"
"Basta! Sabi ni Tito Tonyo may party daw dun sa ilog"
"Totoy, Gising na at pumunta kna sa ilog, madaming tao dun." sabi ni itay sa akin habang nakangiti na hindi ko alam kng nang.aasar lang.
Agad agad naman akong bumangon at ngbihis. Hindi na ako naligo kasi sa ilog naman ako pupunta eh. Dun nalang ako maliligo. Malayo ang ilog sa amin. mga 20 mins na lakaran. Halos lahat ng makikita mo sa paligid ay puno ng niyog.
"Marky, madami bang handa at magagandang babae sa ilog? Kasi kung maraming babae din lamang, Eh, hindi nalang ako pupunta. Alam mo naman na nahihiya talaga ako sa mga magagandang babae. At baka naman magkandarapa sila sa aking Black Beauty. Mahirap na magkatrouble. Alam mo yan."
"Hahahaha. Yan ang gusto ko sayo Toy. Sabi nga nila.. BLACK IS BEAUTIFUL but TOO MUCH BLACK means CHARCOAL."
"Walang hiya ka. hahahaha. Gusto mo translate ko yan sa tagalog?"
"Sige bah!!!"
"Ito yun oh. MAGANDA ANG MAGING MAITIM pero PAGSOBRA SA ITIM IKAW AY ULING!"
"Boom!!! Panes!"
Walang katapusan ang tawanan naming dalawa. Malapit na kami sa ilog, naririnig na namin ang tawanan at hiyawan ng mga bata.
"Toy, kita mo yang kalabaw na yan? kay Tito Tonyo yah. Sabi daw nya walang makakalapit sa kalabaw nya kundi sya lang"
"Weeeee? Di nga? Ang masasabi ko lang. Kaya ko sakyan yan kasi alam nyang magkaparehas lng kami ng kulay"
"Sige, try mo nga"
"Deal!" sabi ko kay Marky. Pa simply ko lng nilapitan ang kalabaw. Sa una walang namang paki ang kalabaw sa akin. Ngunit ng akma ko na siyang hawakan para makasakay na ako. Bigla siyang tumingin sa akin at yumuko. Nasa direksyon ko na ang sungay ng kalabaw. Sinugod nya ako.
"INAY KO PO!!!' ang sigaw ko sabay takbo at lundag sa ilog. Hindi naman ako mabilis tumakbo pero sa pagkakataon na yun walang makakatalo sa akin.
"Who's the fastest runner in the world?" sigaw ni Marky habang humahalakhak
"TOTOY!!!" sigaw ng mga kabataan sa ilog.
Namumutla ako sa takot. Akala ko katapusan ko na sa mundong ibabaw
"Oh. Akala ko party ito? Bat nakapila sila sa gilid ng ilog at wala namang pagkain dito?"
"Relax kalang Toy" sabi ni Tito Tonyo sabay bigay sa akin ng dahon ng bayabas
"Anu po ito Tito?"
"Yan ang pagkain. Nguyain mo lang yan. Wag mong lunukin ha"
May kinuha si Tito Tonyo sa kanyang bag. Isang makintab na bagay. Kanya itong pinatalas gamit ang bato. May pumasok sa aking isipan. Patay kang bata ka. Tuli to. Tuli to. Nakaligtas nga ako sa kalabaw pero sa tuli parang hindi.
"Oh sinu ang mauuna? Ikaw Totoy?" sabi ni Tito Tonyo
"Mamaya pa ako hindi ko pa tapos nguyain itong bayabas. Susunod nlng ako kay Marky"
"Marky, ikaw muna ang mauna dito"
"OMG. bakit ikw ang una, edi ako n ang susunod" sabi ko sa sarili ko..
Isang hampas ng pamalo. Sumigaw si Marky. Pangalawang palo. Yun tapos na. Dali daling niluwa ni Marky ang bayabas at inilagay sa kanyang ari at tumakbo papunta sa ilog.
"Ikaw na Totoy!"
Nanginginig ang aking tuhod habang papunta sa kanya. Ako'y lumuhod at pumikit. May narinig akong isang hampas ng palo.
"ARAYYYYYY!" sigaw ko at tinitigan ang aking ari. Una ay namumuti ito at dahan dahang may umuusbong na dugo sa paligid nito. Ikalawang hampas at nalunok ko ang bayabas na nginunguya ko.
"Saan na ang bayabas?" sabi ni Tito Tonyo
"Nilonok ko po kasi sobrang sakit, tignan nyo po ang dugo. Sobrang dami" nanilim na ang aking paningin at dali dali namang ngumuya ng bayabas si Tito Tonyo para agad malagay sa dumudugo kong ari.
Makalipas ang 10 minuto, ako ay natauhan at nararamdaman ko parin ang kirot. Ako ang naging sentro ng tuksuhan. Walang katapusan ang tawanan habang pauwi kmi na paika-ika.
Success nga dahil naging ganap na akong binata pero ang dinaanan at karanasan na natamu ay sobrang sakit at paghihirap. Hindi namin gusto ang maging lalaki. Pero nagagawan namin ng paraan upang maging GWAPONG LALAKI kami...
BINABASA MO ANG
In LOVEbabo Si Probinsyano
Teen FictionProbinsyano man ang dating, pero kung ikaw ay liligawan, siguradong mapapaYES ka din..