Chapter 2: Elementary Days (Unang Crush)

102 1 0
                                    

Unang araw ng klase sa elementarya. Sa aming baryo lang ako pumasok kasi wala nga kaming pera at hindi pa naman uso noon ang private school sa aming lugar. Hindi rin naman ako kayang pag-aralin sa private school kasi kayod kalabaw ang pamumuhay namin. Handang handa na ako para sa unang araw ng pasukan. Syempre, mayroon ng uniform na pinaglumaan ng aking nakakatandang kapatid.

Sabik na sabik na sa unang araw. Sobrang saya ko kasi may baon na ako araw araw. Magkakaroon na ako ng 1 peso na baon. Sa ganyang halaga abot taenga na ang ngiti sa aking mga labi.

Pero mayroong feeling din na natatakot, yung tinatawag nilang fear of the unknown. Hindi ko kasi alam kung anu ang ginagawa sa skul eh. Sino ba naman ang hindi matatakot dahil sa mga sinabi ng mga kapitbahay namin na namamalo daw ang mga titser kapag ngkamali ka. 

"TOTOY!!! gising nah. Unang araw ng pasukan dapat wag kang ma late" sigaw ng aking ina

Agad naman akon bumangon. Naligo, kumain at saka bumihis at inayos ang buhok. Yung hairstyle ng ating pambansang bayani, yun ang favorite hairstyle ko. Hindi pa uso ang gel na yan.

"Nay, nasaan na ang baon ko?"

"Eto Totoy 1 peso"

"Salamat po inay" sabay lakad papunta sa eskwelahan habang nakangiti na kahit sino man ay hindi makakatibag.

Ang aming paaralan ay may layong 1 kilometro mula sa aming bahay. Yan ang nilalakad ko araw araw. 

"Bilisan mo nah!" sigaw ng isang babae habang hinihila ng kanang kamay ang anak at may pamalo naman na hawak sa kaliwang kamay.

"Ayaw kung pumasok!" sigaw ng anak niya na hinihila habang umiiyak.

Ako naman ay tawang tawa dahil sa parang nglalaro sila ng patintero nang makawala na ang anak niya. Pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad habang pinapanood ko sila.

Dali dali akong pumasok sa room ko at umupo. Pinagmasdan ko ang paligid at ang ibang mga bata. Maganda pala ang paaralan. Ang daming mga litrato ang hindi ko naman alam kung panu basahin ang nakasulat.

Makalipas ang 10 minuto pumasok ang isang bata at tumabi sa akin. Namukhaan ko ang bata, siya yung umiiyak kanina. Siya pala ay si Marky. Naging matalik na magkaibigan kami. Siya ang naging karamay ko sa lahat ng bagay. Sa assignment at sa pagkaon.

Nakilala ko rin si Elaine. Sabi ko sa sarili ko "Ang ganda nitong babae na to". Kung aking husgahan ang kanyang kagandahan mga 5 out of 10 naman. Hindi ko naman pinapahalata na crush ko siya. Palagi ko siyang tinutukso hanggang sa nagagalit na siya. Sabi nga nila "Asar, Talo".

Ang sarap pala ng feeling noh. Gabi gabi siya ang iniisip mo. Kahit kumain ka siya ang nakikita mo. Araw araw kang naliligo para ang bango mo sa patingin nya. Ikaw palagi ang una sa classroom para makita mo siya pagpasok nya sabay punta at makipagkwentuhan tungkol sa cartoons na napanood nyo nung gabi. 

Kapag andyan ang crush mo, feeling mo sayo siya nakatingin at hinding hindi ka gagawa ng bagay na makakapagpahiya sayo.

Pero may isang pagkakataon ang nakakahiya talaga. Grade 6 na ako noon. Habang ako ay ngsasalita sa gitna ng klase. Ako kasi ang favorite nilang mgbasa kasi malakas daw ang boses ko. Biglang nahahatsing ako, dahil nahihiya akong iparinig ito. Pinigilan ko ito para hindi masyadong maingay. Pero sa kasamaang palad. Sa sobra kung pigil para hindi marinig, may lumabas sa aking dalawang ilong. Itoy kulay puti, ito pala ay sipon. Agad ko naman itong binalik kasi sayang nga naman.

"Hmmmmm... Yummy!!!" sabi ni Marky

"You want some?" sabi ko naman. Nagtawanan kaming lahat. Hanggang matapos ang aming klase wala paring humpay ang tawanan at asaran. Kaya minsan ang tawag nila sa akin ay YUMMY.

Parang may napansin si Marky  sa akin.

"Toy? Crush mo ba si Elaine?" sabi ni Marky

"Oo nga Totoy, Crush mo ba ako kasi palagi mo akong inaasar?" tugon nman ni Elaine

"Ha? Crush? Halerrrr. Hindi kaya" sabi ko naman habang namumula ang aking mukha na parang kamatis at pinapawisan ng matindi.

Mula noon ako'y nailang na sa aking crush na si Elaine. Papalapit palang ako sa kanya andyan na agad ang bungad na tukso ni Marky sa akin. Hindi ko na pwedeng gawin ang ginagawa kung pakikipagkwentuhan kay Elaine kasi andyan si Marky palagi na pakindat kindat at pangiti ngiti sa tuwing tatabi ako kay Elaine. 

Naging mabilis ang araw at taon nung elementary ako. Parang kailan lng at hindi na namamalayan ang panahon.

Araw na ng graduation namin sa elementarya. Masaya ako kasi high school na ako. Pero malungkot kasi si Elaine ay hindi sa baryo namin mag ha high school. Sa aming bayan siya papasok. Bago matapos ang graduation namin. Pinuntahan ko siya.

"Congratulations. High school na tayo sa susunod na pasukan."

"Congratulations din sayo. Panu yan maghihiwalay na tayo. Wala na akong kakwentuhan tungkol sa cartoons na pinapanood natin"

"Ok lng yan. May makikilala ka rin na magkatulad kmi ng trip na swak sa taste mo"

"Sana nga. Hmmmm. Pero yung totoo. Crush mo ba talaga ako Totoy?'

"Ha? Hindi kaya. Ang kaibigan ay kaibigan. Walang labis, walang kulang" sabi ko sa kanya. Nahihiya ako kasi torpe ako. Ayaw kung masira ang friendship namin. 

Mula noon minsan nalang kmi mgkausap kasi ang layo naman ng bahay namin sa kanila. Susu-ungin ko pa ang 3 ilog at 1 bukid para lang makapunta sa kanila.

In LOVEbabo Si ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon