Chapter 7: Totoy To The Rescue

60 1 0
                                    

Ang mahirap sa lahat pagkatapos mong makagraduate ay yung mga titser na parang daga na ang hirap hanapin at tago ng tago. Kailangan mo rin naman ng clearance para makuha mo ang report card. Hindi ka kaya makakaenrol sa college kung wala ang card mo.

Maaga akong gumigising para abangan ang titser namin na lalagda sa aming clearance. Minsan ang dami nilang hinihiling bago nila pirmahan ito. Yung magdadala ka ng tuyong dumi ng kalabaw para ilagay sa garden. Magdadala ng walis tingting. Ewan ko ba. Halos taon taon na yata na ganyan ang ginagawa namin para lang makuha ang tinatawag kong "GOLDEN SIGNATURE". Wala naman kaming magagawa kasi alam namin na yan lang ang paraan eh.

Sa sobrang bagot at inis sa kahihintay sa mga guro namin. Naisipan kong pumunta sa garden. Malamig kaya dun at malakas ang hangin. Hindi ko inaasahan ang nakita ko sa garden. May isang babae na umiiyak sa isang tabi ng puno. Sa una hindi ko nakilala ang babae. Nang lumingon siya sa akin. Ako'y nabigla, si Katandra pala ang umiiyak na babae..

"Katandra!!! Anong ginagawa mo dyan at bakit ka umiiyak? Is their any problem?" kantiyaw ko sa kanya. Hinihintay ko sana na sumagot siya pero hindi sya umimik..

"Sabihin mo na kung anu ang bumabagabag sa iyong damdamin at bakit ganyan ka umiyak? Ang pangit mo pala," walang kaseryosohan ko na tanong. Ganun din ang nangyari. Ni isang salita galing sa kanya ay wala akong narinig.

"Seriously friend, ano ba ang problema. Sabihin mo na sa akin baka matulungan kita. You know me, I can solve any problem. Your problem. My problem. Everybody's problem." Akala ko hindi siya magsasalita ulit.

"Masakit parin pala ang hiwalayan ka. Kahit na makailang beses na itong nangyayari. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya"

"Alam ko naman yan. Alam kong mahal na mahal mo siya. Bakit ba? Wala na ba kayo ng bf mo?"

"Masakit mang sabihin pero tama ka. Officially wala na kami. Masakit Toy. Akala ko iba siya."

Tumutulo ang kanyang mga luha pero wala akong dalang panyo. Alam kong may dala siyang tissue palagi. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Binuksan ko ang bag niya at kinuha ang tissue at binigay sa kanya. 

"May pag-asa pa yan Kat!!! Hindi pa huli ang lahat!" habang nka smile sa kanya

"Wag ka ngang ngumiti sa akin. Nakakairita tingnan."

"Wala kaya..... Malaki ba ang problema at humantong talaga sa hiwalayan. Sayang naman."

"Hindi ko alam kung tama or hindi ang aking ginawa. Emotional ako ngayon Toy. Sana maunawaan mo. Ikaw lang ang karamay ko ngayon."

"Yan naman ang kahulugan ng kaibigan. Karamay sa lahat ng bagay. Sa saya o sa kalungkutan."

"Salamat at dumating ka. At least may outlet ako sa aking nararamdaman ngayon."

"Sabihin mo na kasi kung bakit kayo naghiwalay. Hindi ko naman ipagkakalat yan. Mapagkakatiwalaan naman ako dba?" sabi ko sa kanya.

Ang dami nya pa sanang sasabihin pero bigla kung pinutol ang kanyang speech. Alam nyo naman ang mga babae, ang arte arte. Ang dami pang mga bibitawang salita bago sagutin ng diretso ang tanong.

"Sagutin mo nga ang tanong ko muna. Ano ba ang talaga ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay."

"Matagal na kaming ngkakalabuan ng bf ko. Nakita ko kasi siyang may kasamang iba. Nung una ayaw nya pang aminin. Sabi nya kaibigan nya lang ang girl na nag-aaral sa kabilang baryo. Kaibigan lang daw tagala. Parang tayo lang daw sila. Pure friendship lang daw. Hindi ako dun naniniwala kasi alam kong chickboy siya at hindi siya katulad mo na mahilig kaibiganin ang babae."

"Sige, nakikinig ako."

"Pero kahapon nakita ko ang girl at tinanong kung ano ba talaga ang status nila ng bf ko. Sinagot niya ako na MAG-ON na daw sila, mga 2 months na. Ang laki kong tanga. Dalawang buwan na pala akong niloloko niya. Agad kong pinuntahan ang bf ko at tinanong. Hindi na siya nag deny pa at nagsorry sa akin. Mas mahal daw niya ang babaeng yun."

"Wow ha! Ang GWAPO ng bf mo. hahaha" sabat ko sa kanya.

"Masakit Totoy."

Gusto ko sanang murahin ang kanyang bf sa harapan niya pero mas pinanatili kong pakinggan siya at intindihin ang kanyang sitwasyon.

"Masakit talaga ang marinig yan. Hindi ko man naranasan ang magkaroon ng gf, Yung magmamahal ako nang husto pero sa aking palagay. Hindi kawalan sayo ang nangyari. At least nakapulot ka ng leksyon na hindi lahat ng gwapo babaero yung mga pangit nakikisali narin. He doesn't deserve your love."

"Oo nga Toy. Siya ay isang basura!"

Unti unti kong nakikita na nagbabago ang mood ni Katandra. Umaaliwalas na ang kanyang pagmumukha.

"Yan ang gusto kong marinig sayo. Leave him in the past, go on with the present ang prepare for the future."

"Tama ka dyan. Dapat na siyang makalimutan"

"Ngayong single kana so it means pede na akong manligaw?," pabiro kung sabi sa kanya.

Tumawa lang siya ng malakas at nakisabay nalang ako. Hindi muna kami umalis sa garden kasi namumugto pa ang kanyang mga mata. Kahit na maghapon kami dun hindi naman magbabago ang kundisyon ng kanyang mga mata kaya nagpasya kaming umalis na at umuwi. Uwian na naman kasi at kaunti nalang ang tao dun.

Hindi na namin pinag-uusapan ang kanyang ex para hindi niya maalala. Tawanan at asaran nalang ang ginawa namin. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mahulog ulit sa kanya. Ang nakaraan kung  pagtingin sa kanya ay unti-unting tumutubo ulit. Parang mali kasi, parang ginagamit ko ang kanyang kahinaan. Ayokong gumawa ng bagay na ikakasira ko sa kanya. Ang maging masama sa kanyang paningin. Dahil siya ay aking inibig. Ayokong mabuwag ang pangako na hanggang kaibigan lang dapat. Kaya ko pa namang pigilan eh. Torpe na kung torpe.

Hanggang saan ko kayang pigilan ang aking sarili....

In LOVEbabo Si ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon