Chapter 11: Gala Mode

70 0 1
                                    

"Kuya! ang pambabayad ko po. Ngayon na po ako babalik sa UT" 

"Ngayon na pala yun. Kunin mo ang pera sa garapon sa itaas ng kabinet. Andun yun nakalagay. Kumuha kalang na pangdownpayment mo ha. Sa susunod nalang ang kulang."

Agad ko kinuha ang pera pangdownpayment at pamasahe ko na rin. Muntik ng maubos ang pera sa garapon na tinatabi ng kuya ko.

Kasama ko parin si Marky. Takot kasi ako kung ako lang ang mag-isang lalakad at mag-eenrol din siya naman. Hindi na ako sumuka katulad ng dati pero andyan parin ang pananakit ng ulo sa biyahe. Nasanay na siguro. 

Ang dami ng tao ngayon sa skul. Parang doble o triple pa kumpara noong una akong pumunta. Sa Nursing Department kami unang pumunta. Mamaya na lang daw si Marky mag-eenrol. Ako muna ang inuna niya. Wala namang problema na nangyari at natapos naming dalawa ang enrolment. Bago kami umalis nag-inquire muna ako kung ano ang kailangan para maging working student. Kanila akong pinayuhan at binigyan ng mga kakailanganin pra maka-apply.

Akala ko uuwi na kami at sa bahay nalang kami kakain pero dahil gutom na gutom na kmi, mga 2pm na yun. Pupunta daw kami sa mall. Sa totoo lang hindi pa ako nakakapasok sa mall na yan. Malayo palang tanaw na tanaw ko na ito sa sobrang laki. Excited na akong pumasok dun.

Pagpasok namin may nagcheck ng aking bag at ako'y kinapkapan ng security guard. Napakalamig sa loob ng mall. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kalamig at nanginginig ako, hindi ako kasi sanay, mas mabuti pang magbilad ako sa araw kisa sa magtambay sa ganitong lugar. Ang gaganda ng mga damit na binebenta.

Iba iba ang mga tao na makikita ko, yung iba naka short lang at naka tsinelas. Ako'y nagtaka kung bakit ganyan sila manamit kung pupunta sa ganitong lugar kasi kung taga sa amin, hindi yan pwede.  Dapat bihis na bihis ka yung japorms ka.

"Marky, bat ganyan sila manamit?"

"Sino ang tinutukoy mo?"

"Sila oh. Bat naka sa shorts lang sila at hindi manlang nakasapatos"

"Hahaha. Ok lang yan dito. Mas gusto nila na simple lang ang dating nila pagnamamasyal. Yan kasi dito. Kung sino ang mas simple tingnan yun pa minsan ang mayayaman."

"Ahh ganun pala. Kasi kung sa atin yan hindi pede kung kanyan lang tayo manamit kung may pupuntahan. Dapat isuot ang pinakamagandang damit."

Alam na alam talaga kung sino promdi. Marami pa pala akong hindi nalalaman sa buhay. Yung pamumuhay ng taga lungsod at taga baryo ay ibang iba talaga. Baka mahihirapan ako nito mag-adjust.

Naghanap kami ng kainan para makain na kami. Naninilim na ang paningin ko sa sobrang gutom. Sumunod nalng ako kay Marky kung saan kami kakain. Pumasok siya at ako naman ay parang buntot na sunod ng sunod sa kanya. Pinaupo niya ako para daw walang makakakuha ng lugar namin. Siya nalang daw ang oorder.

"Toy anong kakainin mo?"

"Anong pagkain meron dyan?"

"Gusto mo hamburger o kakain ka ng kanin?"

Naintriga ako sa hamburger na yan. Gusto kong tikman kasi naririnig ko lang yan sa mga kapitbahay namin kung sila ay pupunta sa lungsod.

"Sige Marky, ang hambuger nalang."

Hahaha. Excited akong makain ang hamburger ko. Matitikman ko rin. Pabalik na si Marky at dala-dala ang pagkain na inorder namin. Agad kong kinuha ang hamburger at tiningnan. Parang tinapay lang pala pero ang lambot ng tinapay. Sinilip ko ang sa loob ng tinapay. May parang karne sa loob at may kulay puti. Tawag daw mayonaise. Inamoy ko ito at ang bango. Lalo akong ginanahan na kainin.

"Toy, parang nalalaway kana dyan sa hamburger mo ah. Ano pa ang hinihintay mo. Kainin mo na. Diba gutom na gutom ka."

"Tinitignan ko pa kasi kung ano tong hamburger na tawag nila." sabi ko kay Marky.

Nilasap ko ang talaga ang una kong kagat sa hamburger. Sobrang sarap. Amoy at lasa walang katulad at ang lasa sobrang sarap. MapapaWOW ka sa sarap talaga.

Sa sobrang takam ko ay napaubo ako at nabilaukan. Dali dali kong kinuha ang softdrinks ko at ininom. Alam mo yung bata na kung kumain ng paborito nilang pagkain na parang wala nang bukas kung lumamon. Ganyan ako ng kainin ko ang hamburger.

Lumabas n kami n Marky at nglibot libot sa mall. Sabi nya mag wiwindow shopping daw kami.

"Window shopping? bibili ka ng bintana?"

nagsmile lang si Marky at sinabing.

"Sumunod kalang sa akin"

Yun pala magtitingin tingin lang sa mga bilihin. Akala kung ano talaga.

Pumunta din kami sa Computer area ba yun. Ang ingay at nagmumura ang mga tao na naglalaro. Mag aaway ba sila dahil sa ganitong kadahilanan. Laro sa computer. Mas mabuti pa sa probinsya. Tsinelas lang ang kailangan pede ka ng maglaro.

Napagod kami sa kakalibot at naisipan na naming umuwi. Pagod at lagapak ako pagdating sa bahay. Sa maganda ang panaginip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In LOVEbabo Si ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon