"Maaga ka yatang naligo Totoy ah" sabi ng aking ina
Hindi kasi sila nasanay na maaga akong naliligo. Tanghali kasi ako naliligo palagi. Ang lamig kaya tuwing umaga.
"You know. This is a special day for me." sagot ko sa nanay ko
Natawa lamang siya. Ewan ko ba kung naintindihan niya kasi tumawa siya or yun ang tawa ng hindi nakakaintindi.
Isinuot ko ang paborito kong damit. Multi colored checkered na polo ko. Maong pants na minana ko pa sa tatay ko. Sapatos na pang basketball. Wala kasi akong pang formal shoes, nasira na yung blacks shoes ko na ginamit sa graduation at ang kay kuya naman gna gamit niya sa trabaho.
Sinamahan ako ni Marky papuntang school para makapag-enrol na. Sumakit ang ulo ko at nasuka sa jeep na sinasakyan ko, mga 3 beses. Ang sama ng pakiramdam ko. Byahilo daw ang tawag dun. Mabuti nalang may dala akong plastic, pinadalhan ako ng kuya ko kasi alam nya kung ano ang mangyayari sa akin. Yun din ang nangyari sa kanya nung una kasi. Habang ako ay suka ng suka si Marky naman ay tawa ng tawa sa akin. Kung hindi ko lang kaibigan to, susuntukin ko talaga. Hiyang hiya ako sa mga kasama ko sa jeep. Yumuyuko nalang ako para hindi nila ako mamukhaan.
Nakaraos at nakarating dinn kami sa lungsod. Akoy namangha! Napakaganda ng lungsod. Ang tataas ng mga buildings. Nangangawit na nga ang leeg ko sa kakatingin sa matataas na gusali. Ang daming mga sasakyan na ang kikintab ng mga kulay.
"Ganito pala ang itsura ng lungsod. Napakaganda talaga."
"Wala pa yan sa makikita mo mamaya TOTOY'.
Habang naglalakad kami papuntang skul ay may nakita akong isang matandang lalaki na putol ang dalawang paa sa gilid ng pader. Parang nanghihingi ang kanyang mga kamay.
"Ano yan Marky oh" sabay turo sa lalaki
"Ahhh. Yan ba? Pulubi ang tawag nila nyan dito. Nanghihingi sila ng pera para pangkain. Sabi nila wag daw bigyan kasi masasanay pero minsan binibigyan ko nalang kung may barya akong sobra. Naawa din naman ako sa kanya."
Talaga namang nakakaawa ang kanyang sitwasyon. Gusto ko rin sana siyang bigyan ng kunting barya pero sakto lang talaga ang pera na dala ko.
Pumasok kami sa skul ni Marky at magiging skul ko na rin sa susunod na mga araw. Hi tech ang skul, may parang maliit na pintuan sa entrance nila na may nakaharang na tubo sa gitna ng pasukan, mga 5 na magkakatabing maliliit na pintuan. Si Mark ang unang pumasok, tinutok niya ang kanyang ID sa gilid ng pintuan at bumaba ang tubong nakaharang, nang makadaan na si Marky biglang bumalik sa dating posisyon ang tubo para humarang sa akin.
'Marky!!! Panu ako makakadaan dito!!!" sigaw ko sa kanya.
"Dyan ka nalang. Bahala ka sa buhay mo." sabay tawa sa akin
Pinuntahan niya si Manong Guard at kinausap, biglang bumaba ng kusa ang tubong nakaharang sa akin. Tumakbo ako agad kay Marky. Naninibago talaga ako sa lugar na ito. Ibang iba sa probinsya. Ang daming tao sa loob ng campus, ang gaganda ng mga damit nila, ang babango ng pagmumukha nila. Nagtataka ako sa mga babae kasi ang puputi nila pero parang may mga kulay ang mukha nila. Tinanong ko yun kay Marky kung bakit ganun. Tawang tawa siya. Make up at maskara daw ang tawag nila dun.
"Kung anu ano ang nilalagay sa pagmumukha. Sa amin kunting pulbos lang swabe na."
Pumunta kami sa Nursing Department para magtanong kung anu ang mga gagawin namin upang makaenrol ako. Maganda ang pakikitungo nila sa amin. Inasahan ko na mayroong entrance exam at interview. Sakto din na ngayong araw ang schedule ng interview at entrance exam nila. Kumuha nalang ako ng exam. Napakadali lang, basic na mga tanong lang naman eh. Sa interview, medyo ok din kahit kinakabahan at nauutal sa pagsasagot. Natapos ko ang exam at interview mga 12:30 nah. Wala pala silang noon break, salitan lang. Aalis na sana kami para maghapunan...
"Sir, kailangan ko po sana ang cellphone number mo pra macontact ka namin kung nakapasa ka sa exam, para makaenrol kana sa nursing" sabi sa akin ng isang lalaki na pinasahan ko ng aking papeles.
"Sorry po sir, wala ako kasing cellphone eh" sabi ko sa kanya.
"Kung ganun pala mahihirapan ka niyan kasi hindi mo malalaman kung nakapasa ka o hindi. Tinitext namin po kasi kayo if andito na ang results ng exam at interview nyo at kung when ka dapat babalik to finalize your enrolment."
"Pede po ba na ang cellphone number ko nalang ang bibigay ko sa inyo? Dito rin ako ng-aaral at kapitbahay ko naman siya" sabi ni Marky
"Pede rin Sir pero ang number mo ang magiging temporary contact number ni Mr Totoy Tutong. Ikaw nalang ang bahala na magrelay sa kanya ng informations kung may update na kami about sa status nya at Sir Tutong kung mayroon kanang cellphone kindly inform us para ma save namin ang cellphone number nyo" sabi ng lalaki sa amin ni Marky.
"Ok po Sir" sabat naman ni Marky.
Agad kaming lumabas at naglibot sa campus. Pinasyal ako sa Gym, soccer field, library, at kung saan saan pa. Nagtataka ako kasi kahit saan ako magpunta may nakikita akong camera, minsan sa puno ng kahoy or sa itaas na gilid ng building. Tinanong ko iyon kay Marky. Security camera dw para nalalaman kung anu ang nangyayari sa campus. Ang ID nga daw nila ay special kasi kung sa loob ka ng campus kaya kang ma-locate kung saan kang area nagmumukmok bastat nasayo ang ID mo, may chips kasi sila na inilagay. Strikto sila dito. Kapag pumasok kana sa gate ng skul automatic na ang monitoring sayo kaya kung hindi ka papasok sa klase mo at andyan ka sa loob ng campus kanila kang tatawagan at iinform na pumasok sa klase. Maganda rin naman kung ganun ang ginagawa nila at least gusto nilang makatapos ang kanilang esudyante.
Hindi na kami nagtagal pa dun at nagdesisyon kami na umuwi na. Hindi na kami kumain kasi wala akong budget sa pagkain. Ganun parin ang nangyari sa akin sa jeep. Muntik nang mapuno ang plastik ng sinuka ko. Habang sumusuka ako, ang himbing naman ng tulog ni Marky sa loob ng jeep. Pagdating ko sa bahay hindi na ako kumain, diretso tulog nalang kasi masama ang pakiramdam.
Hinihintay ko araw araw ang text ng skul namin kay Marky kung ano na ang status ko. Makalipas ang isang linggo binalitaan niya nalang ako na nakapasa daw ako at babalik sa susunod na linggo para makaenrol nah..
BINABASA MO ANG
In LOVEbabo Si Probinsyano
Teen FictionProbinsyano man ang dating, pero kung ikaw ay liligawan, siguradong mapapaYES ka din..