"Smile....Smile....Smile" yan ang palaging pumapasok sa aking isipan. Ika nga nila "Smile touches one's heart? tama ba yun? tama ang grammar ko? Maganda naman pakinggan eh, kaya sa palagay ko tama yan"
Halos lahat ng tao na makakasalubong ko palagi ko binabati at may kasama pang Smile yan. Yan lang kaya ang asset ko at wala nah. Minsan nga kahit masakit n ang paa mo dahil sa hindi na kasya ang sapatos mo, para lang hindi masira ang araw mo, SMILE lang.
Dito rin naman ako ng high school sa amin. Magkatabi lang ang Elementary at High School namin. Habang papunta ako sa paaralan.
"TOTOY wag masyado todo ang smile. Nahahalata na ang ipin mo lang ang mapuli" sigaw sabay tawa ni Maninay
"Mas mabuti na nga yan at least may maputi. Diba? Kaysa sa ngipin mong fill in the blanks?"
Nagtawanan lang kami kasi alam naman namin na biruan lang iyon at sanay na kami mag-okrayan. Sabi nga nila sanayan lang yan.
Pagpasok sa room. Sigawan ang lahat dahil sabik sa isa't isa. Nagkukwentuhan tungkol sa bakasyon at kung saan saan daw sila nakarating nong summer vacation. Ung iba pumunta sa boracay.
"Wala akong paki sa mga pinuntahan nyo. Wala yan sa naranasan ko ng nagpatuli ako" sabi ko sa sarili ko sabay SMILE..
May biglang pumasok na bagong kaklase namin. Baguhan siya kasi hindi sya gumraduate sa elementary dito sa amin. Masasabi ko "ANG GANDA NYA"..
Sa una hindi ko pinapansin ang beauty nya. Mapapalapit din ako sa kanya kasi malapit ako sa mga kaklase kong babae at si Marky lang ang lalaki na swak na swak sa style ko. Majority ng mga kaibigan ko ay babae kaya minsan napagkakamalan akong bading kasi nga naman hindi ako kagwapohan at babae pa ang ka close ko halos.
Nang dumaan siya sa akin. "HMMMMMM. ang bango! Kakaiba ang bango nya. Wala pa akong naaamoy na katulad nyan." Gusto ko siyang maging kaibigan. Tatanungin ko sana kung ano ang kanyang pangalan pero naunahan naman ako ng aking hiya. TORPE strikes again.
Bago magsimula ang klase. Introduce your self muna sabi ng aming guro kasi bago lang kami sa high school. Dapat makapag.isip ako ng pasabog para matandaan niya ako.
Its my turn na para mag-introduce ng aking sarili
"Good morning everyone, anyone and to my special someone, my name is Totoy Tutong. My favorite color is black. My favorite fruit is duhat. Thats all ma'am. Thank you very much."
"Thank you Totoy. Next is Miss Tuzooon. Tatlo talaga ang O sa apelyido mo miss?" sabi ng aming titser. Ako'y nagtaka kasi wala sa aming batch na ganyan ang apelyido. Biglang tumayo ang bago naming kaklase.
"Magandang umaga po sa lahat, hindi ko po kailangang mag.english para kayo ay maempress sa akin." sabi ng bago naming kaklase at parang tumingin sa akin eh. Aray ko po. Sampal ito sa akin. Bakit pa kasi ng.english ako, alam ko naman na dyan ako mahina.
"Ako po pala ay si Katandra Tuzooon. Hindi ko na papahabain pa. Maraming salamat."
"Aray! isang sampal ulit sa akin. Bat kaya ang init ng dugo nya sa akin. Siguro ngayon lng siya nakakita ng charming na probinsyano na tulad ko" sabi ko sa sarili ko. "Humanda ka sa akin, babawi ako sayo"
"OK class. Arrange your self according sa inyong apelyido. Please stand up and find your seat"
"Hahaha. Ayos na ayos to. Magkatabi kaming dalawa" palihim na tawa ko. Tumayo naman ako at hinanap ang aking upuan. Umupo din siya sa tabi ko. "Ang bango nya talaga. Parang hindi ako makakatulog mamaya nito"
"Hello. Bago ka dito? Bakit ka dito ng-aral?" pasuplado kong tanong
"Gusto ko lang dito"
"Bakit nga?"
"Nasagot ko na yang tanong mo diba? Gusto ko lang dito! Tapos ang usapan" mataray na sagot nya.
"Owkie Miss Mataray" mahina kong sagot sa kanya.
"Anung sabi mo?
"Wala, ang sabi ko Owkie, yun tapos"
Natapos ang buo kung araw na badtrip sa kanya pero infairness naiwan parin sa ilong ko ang bango nya.
Matutulog na sana ako nang naamoy ko ang pabango nya sa unan ko na ilang taon din na hindi nalabhan. Tumawa nalang ako kasi para akong baliw.
Umagang umaga habang nakaupo ako bigla siyang dumating. Nakita ko na tumatawa siya nung papalapit sa room pero sumimangot ng nakita nya ako.
Papalapit sya sa akin ng bigla ko siyang nginitian. Yung KILLER SMILE ko na ginagamit palagi. Bigla na lamang siyang tumawa ng ubod ng lakas. Lahat ng kaklase ko ay lumingon at tinignan sya. Bigla naman akong namula sa kahihiyan.
"Hahaha. Nakakatawa ka talaga! Parang unggoy na nakakita ng saging!"
"Hahaha. Oo nga naman kasi ang hugis ng mukha mo parang saging" sagot ko sa kanya
Naghiyawan ang lahat ng kaklase ko. Akala nila magsasagutan pa kami. "Parang may makakasagupa ako na ka match ko talaga ah." Kahit ano kung galit sa kanya pero pag naamoy ko siya napapawi ang galit ko
"Bakit ang maldita mo sa akin? ano bang problema mo sa akin?" sabi ko sa kanya
"Wala naman, basta mainit lang talaga ang dugo ko sayo, ewan ko kung bakit"
"Ganyan talaga ang mga girls basta type nila ako, yan na yan ang mga sinasabi nila"
"Yuck! Tingnan mo muna ang mukha mo. Paki explain nyan"
"Haler! tandaan mo. Hindi mo pa ako kilala. Baka mgkandarapa ka sa akin pagnakilala mo na ako ng lubusan" hambog na sabi ko sa kanya. Totoo naman na pangit ako, Hindi ko yun maikakaila at kung siya ang babae rin lang. Masasabi ko na jackpot ako sa lotto kung siya ang magiging jowa ko.
Araw araw akong nabwibwiset sa tuwing magkatabi na kami. Ewan nalang kung bakit kami ganito. Lahat ng bagay magkasalungat kami at palaging dinedebatehan. Walang araw na tahimik kami. Hindi ako napapanisan ng laway sa sobrang daldal ng daldal sa kanya
Syempre palagi akong talo kasi gentleman din ako. Minsan nga nakikisali na ang mga kaklase ko at titser ko para lang maawat kaming dalawa. Kahit kanon pa din, nasasayahan din ako dahil sa ang bango bango niya. At naiirita parin siya sa KILLER SMILE ko!...
BINABASA MO ANG
In LOVEbabo Si Probinsyano
Teen FictionProbinsyano man ang dating, pero kung ikaw ay liligawan, siguradong mapapaYES ka din..