Chapter 5: High School (Ikaw na TOTOY)

57 0 0
                                    

Tawanan ang bungad namin sa umaga ng aming mga kaklase. Lahat nalang ng bagay aming tinatawanan. Parang walang exam lang. Sabi nga CHILL CHILL lang. Habang ngtatawanan kami nakita ko si Marky sa gate ng paaralan.

Ibang iba na si Marky, may girlfriend na siya kaya wala na minsan kaming oras magbonding kasi kasama nya palagi ito. Hindi naman maipagkakaila na Gwapo naman talaga si Marky. Halos lahat ng M anjan na sa kanya.. Matalino, Malakas, Ma-appeal at higit sa lahat Malaki ang katawan. Ang ganda naman ng naging jowa nya. GInayoma nya kasi ang babae kaya siya ang pinili kaysa sa akin. Joke lng yun. Pahirapan ang ginawa nyang panliligaw. Mga 1,000,000 minutes, yan katagal ang panliligaw ang ginawa ni Marky. Nagsibak ng kahoy at taga puno ng drum ng tubig, yan ang ginagawa ni Marky araw araw mapasagot lang ang kanyang gf.

Minsan nga nagtaka ako sa kanya kasi may binibitbit siyang bag na pambabae. Yun pala bag ng kanyang jowa. Kailangan bang ang mga lalaki ang taga bitbit ng bag ng mga babae? Parang unfair naman nyan. Try nyo kayang kayo ang magdala ng backpack namin kung hindi kayo magkakuba kuba.

Naingit nga ako sa kanila kasi ang sweet talaga nila. Sinasama ako minsan ni Marky sa kanilang date. Habang naglalambingan sila, pinapanood ko sila sa kabilang upuan. Kumakain ng lollipop si Marky at share sila ng kanyang jowa. Ang sweet talaga, sa sobra kong inggit kinuha ko ang lollipop at kinain ko din. "Anu yan kayo kayo lang, dapat kasali ako." Nakakatawa ang mga pinaggagawa ko kapag sila ang kasama ko. Napag.uusapan yan namin ni Marky sa klase minsan. 

Ang ganda ganda ng gising ko. Hindi ko alam kung anu ang dahilan. Basta ang saya saya ko. Ang tagal kong naligo, minsan kasi 10 mins lang ako kung maligo. As usual nka KILLER SMILE parin ako papuntang paaralan. Hindi kumpleto ang araw ko kng hindi ko yan nagagawa eh.

Pagdating ko sa room namin. Sarado pa ang pintuan. Hinintay ko muna ang kaklase ko na taga dala ng susi, yan kasi sa amin, kung sino ang palaging maaga dumating sa kanya pinagkakatiwala ang susi ng klasroom. Pagkabukas nya, agad agad naman akong umupo at saka binuksan ang libro ko. Binasa ko ang pinag-aralan namin kahapon para handa ako kung tatanungin ako mamaya at maipakita ko kay Katandra na matalino ako.

Speaking of Katandra. "Andyan na ang maldita, sana matisod!" sabi ko sa sarili ko

"ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy..............." sigaw ni Katandra

Nagdilang anghel ako. Natisod nga siya pero sa kasamaang palad sa harapan ko pa at ang dala dala niyang tubig natapon sa aking damit. Ang karma nga naman.

"Anu ba ang problema mo sa akin?" sabay tayo at punas ng basa kong uniform

"Sorry talaga. Hindi ko kasi nakita na may upuan pa sa harapan ko"

Ngayon ko lang narininig ang salitang SORRY na nanggaling sa malditang ito...

"Sorry? thats all? after what you've done to me?" sabat ko sa kanya in english yan ha

"Wag mo akong ma english english ha. You don't do that to me! Nagsorry na nga ako. Anu ba ang gusto mung gawin ko? Luluhod ako? Hahalikan ang sapatos mo? Ewwwww! Parang hindi nilinisan ang sapatos mula nang binili"

"Wag mo akong pagsabihan ng ganyan. Hindi ko ito binili. Binigay lang ito."

"Ayaw kong mastress ang araw ko. Nagsorry na ako. Tpos ang usapan!"

"Kung hindi ka lang maganda matagal na kitang pinatulan" bulong ko sa sarili at akmang babatukan si Katandra habang nka talikod sa akin. 

Pigil naman ang tawa ng aking mga kaklase sa amin. Hindi na yan kakaiba sa kanila ang away namin araw araw.

Ang sarap ng kain ko sa canteen. Once a week lang ako kumakain kasi ang mahal ng tinitinda eh. 5 pesos lng naman ang baon ko.

Nakita ko si Katandra may kasamang lalaki

In LOVEbabo Si ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon