Chapter 8: Paalam Aking Mahal Na Kaibigan

73 0 0
                                    

Walang araw na malunggot kapag magkasama kami ni Katandra. Walang minuto na tahimik kaming dalawa. Mula umaga hanggang hapon ang aming bonding. Minsan nga napagkakamalan kaming magjowa. Lingid sa kaalaman nya, gustong gusto ko na tinutukso kami. Ang sarap kaya ng feeling.

Nag-aral ng kolehiyo sa lungsod si Katandra. May kaya naman kasi ang kanyang pamilya. Nagtatrabaho sa gobyerno ang mga magulang niya kaya't kaya nilang tustusan ang pag-aaral ng kanilang anak. Habang ako naman ay hindi muna nagkolehiyo dahil sa kakulangan ng pera. Nag-aaral pa kasi sa kolehiyo ang aking kapatid at malapit nang makatapos. Isang taon nalang ang kanyang gugugulin, magiging ganap na siyang guro. Ang aming buso naman ay papasok na sa high school. 

Nang nagsimula na ang klase. Minsan sa isang linggo nalang kami magkita ni Katandra. Sabado ng hapon sya umuuwi at Linggo ng tanghali din sya umaalis. Malayo kasi ang bayan sa amin, mga 15 minuto ang byahe pagsumasakay ng sa tricycle. Mula naman sa bayan papuntang lungsod, mahigit isang oras... Tuwing darating siya, agad naman akong pumunta sa bahay nila. Kahit malayo nilalakad ko makita ko lang ang kaibigan ko.

Sa mga araw na wala si Katandra kayod kalabaw naman ako na nagtatrabaho sa bukid. Init, pawis, putik at iba pa ang kasama ko palagi. Kailangan kumayod para sa pamilya. Dun ko sinabi sa aking sarili na magsisikap ako para makaahon  sa kahirapan. Lahat nang trabaho pinasukan ko, maliban na lang sa illigal.

Isang hapon habang ako ay nakahiga sa duyan malapit sa aming bahay. May sasakyan na huminto sa bahay. Yung sasakyan na "OWNER" ba ang tawag dun. Hindi ko alam kasi, basta sasakyan ang huminto sa bahay namin. Bumaba ang driver at lumapit sa akin. Siya pala ang ama ni Katandra.

"Toy, pede mo bang mapuntahan muna si Katandra ngayon din" sabi nya sa akin.

"Sige po. Magbibihis lang po muna ako."

Dali-dali naman akong nagbihis at sumakay sa "OWNER" na sasakyan. Hindi ako mapakali kasi hindi naman ngayon ang araw na umuuwi si Katandra at hindi naman ako siguro ipapatawag niya ng walang dahilan. Inisip ko na lang na baka may handaan at ininvite niya ako at ipinasundo pa sa ama na. Ang sweet talaga ng kaibigan ko.

Mabilis lang ang takbo ng biyahe namin at nakarating kami sa kanilang bahay. Wala namang ibang tao sa bahay nila. Sinabihan ako ng kanyang ama na doon daw sa garden nila si Katandra. Agad naman akong pumunta doon. Nakita ko  siyang nakaupo sa damuhan. Malayo ang kanyang tingin.

"Hello Baby Kat!" pabiro kung tawag sa kanya.

Agad naman nya akong sinagot ng magandang smile

"Bakit mo ba ako pinatawag? Miss mo na ako no?"

Naka smile parin siya sa akin. Hindi siya kumikisap at may nakita akong namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Toy! I may not be perfect as a friend to you but i tried my best to be the best best best friend you may ever have in your life. I want you to be at my side always."

Ako ay nalito sa sinabi niya kasi hindi ko maintindihan. Literaly hindi talaga. Maraming best kaya yun.

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" sabi ko sa kanya

"Basta Toy! Ikaw lang ang naging bestfriend ko sa buong buhay ko. Wala akong naging malapit na kaibigan dahil sa ugali ko. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. You've tamed me. Ikaw ang nakakapagpaamu sa akin. Alam mo kung ano ang gagawin kung sinusumpong na ako o masama ang pakiramdam ko. Sayo ko lang yan naranasan ang tunay na pagkalinga ng kaibigan."

"Ha? Parang masama na ito. Sabihin mo na kasi."

"Wag ka sanang mabibigla sa sabihin ko. Basta ipangako mo na magpapakatatag ka."

In LOVEbabo Si ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon