Muntik na. Muntik na akong hindi maka graduate sa high school. Dahil sa kabulastugan na pinag-gagagawa ko. Walang habas na absent. Eh kasi naman anihan na ng palay at para magkaroon ng pera dapat kang magtrabaho. Hindi naman ako bobo, nagkataon lang na kailangan ko rin ng pera pang-gastos sa bahay at pandagdag na rin sa baon ko at pambili ng mga kakailanganin ko sa project na ubod ng mahal yung materials.
Pinatawag ako ng aming prinsipal sa kanyang opisina.
"Mr. Tutong, gusto mo bang gumraduate o hindi?" sabi ng prinsipal namin.
"Oo naman ma'am. Pangarap kong makagraduate at makita nila na umaakyat ako sa stage na naka toga habang naka KILLER SMILE"
"Yun naman pala eh. Bakit absent ka parin ng absent. Alam mo ba na isa ka sa mga matatalinong estudyante namin. Kung hindi kalang palaging absent. Isa ka sana sa mga may honor. Tingnan mo ang attendance moh yan ang nagpabagsak sa performance moh."
"Sorry na po ma'am. Kailangan ko naman kasing magtrabaho para matulungan ko ang aking pamilya. Nasa kolehiyo na po kasi ang aking kuya."
"Naiintindihan ko naman yan. Ang sa akin lang, wag mo sanang pabayaan ang iyong pag-aaral. Sayang talaga, ang talino mong bata Totong."
Lumabas ako sa opisina ng aming prinsipal na naka smile parin. Sinalubong ako ni Katandra na parang kakainin nya ako sa galit.
"Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo?! hindi kana pumapasok sa klase, palagi kang absent..... Anong sabi ni ma'am?"
"Huwag na raw akong aabsent kasi baka hindi ako makakagraduate sa April"
"Bat ka kasi absent ng absent eh?"
"Alam mo yung pakiramdama na masakit na masakit ung puson mo na parang may lumalabas."
"Ano ka babae na may dysmenorrhea?"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Yung natatae ka."
"Grabe nman yun. Isang linggo? Patay kana kung magkaganoon! Wag mo akong lukohin ha." sabay batok sa ulo ko
"Namumuro kana ha!"
"Bakit? Lalaban ka?"
"Hindi syempre baka bugbugin ako ng boyfriend mong lamang sa akin ng isang paligo. hahaha"
"Hahaha. Ingit kalang kasi siya ang bf ko. Ikaw may gf kba?"
Nanahimik nalang ako. "Aba hinahamon ako nito ah" palihim kong sinasabi sa aking isipan.
"Bat hindi ka makapagsalita?" banat sa akin ni Katandra
"Hindi ko naman kailangan ng gf eh. Madami akong kaibigan. Masaya na ako dun."
Bigla nalang nagring yung bell. Hudyat na nang klase. Dali dali naman akong tumakbo at pumasok sa room. Yan ang ginagawa namin palagi, ang magkarera papasok sa klase. Kasi "pangit" ka kung ikaw ang matatalo. Kahit paman lamang sa ganyang paraan eh nagiging gwapo ako, panalo kasi palagi eh. hahaha.
Mula noon palagi na akong pumapasok. Walang "absent" na salita sa aking bokabularyo. Naka focus ako palagi sa klase. Andyan lang si Katandra sa aking tabi na nagpapayo at nagpapaalala sa araw araw naming gawain kung may exam ba or kung saan ako mahina na dapat kung tutukan. Ika nga, para ko siyang gf na andyan palagi sa tabi ko.
"Baka magselos ang bf mo nyan, sa akin ka palagi."
"Hindi naman, alam naman nyang ikaw lang ang close friend ko dito. Naiintindihan naman daw nya." sagot ni Katandra na parang malamya.
Hindi ko na tinanong ulit pero parang nararamdaman ko na hindi sila ok ng bf nya. Ayaw ko naman manguna. Hihintayin ko nalang na siya mismo ang aamin sa akin.
Isang linggo nalang at graduation na namin. Malapit na. Excited na akong isuot ang toga ko. Napag-uusapan nga namin ni Marky yung graduation. Excited siya, kasi naman naging honor student sya. Hindi naman sa pagmamayabang pero mas matalino naman ako sa kanya. Mas lamang ako ng isang pukpok sa ulo. Yun nga lang ang absent ko ang nagpababa talaga sa akin.
"Toy, alam mo ba na nagkakamalabuan na si Katandra at bf nya?"
"Paano mo nalaman?"
"Nakita ko kasi sila na nag-aaway. Bulong bulungan nga sa klase na baka break na sila."
"Weee? Di nga?......Hindi yan nasabi sa akin ni Katandra ah."
"Baka Toy ikaw ang dahilan kung bakit sila nag-aaway. Hahaha."
"Uhhhhhhhhhh?. Bat naman? Alam naman ng bf niya na magkaibigan lang kami ni Katandra. Sa palagay ko may mas malalim na dahilan kung bakit sila ng-aaway. Hihintayin ko nalang na si Katandra mismo ang magsasabi sa akin."
"Mas mabuti pa. At least alam mo kung ano ang tunay na dahilan."
"Totoy!!! Uwi ka muna!!! Walang tubig ang banga!!! mag-igib ka muna." sigaw ng aking nanay
"Sige pre.. Mauna na ako.. May sumisigaw na aso na.. hahaha.. Baka kagatin ako mamaya."
Agad naman akong tumayo at mabilis na lumakad papauwi...
This is it. The moment that I've been waiting for. Graduation na namin... Maaga akong nagising kahit hapon pa naman ang graduation ceremony namin. Excited lang ako.. Walang basagan ng trip ika nga nila.
Hindi ko namalayan ang oras. Ang bilis ng pag-ikot nito... Isang oras nalang at mag-uumpisa na ang graduation.. Mabilis kong hinanda ang aking sarili. Inayos ko ang aking buhok, ginami ko yung puti ng itlog para maayos ko ng mabuti at hindi masira ng hangin. Hindi pa naman uso ang wax at gel eh.. Dali dali akong pumunta sa paaralan kasama ang aking mga magulang.
Tumpak na tumpak. Pagdating namin, Yun din ang pgsisimula nang paglalakad patungo sa aming mga upuan. Kanda ugaga ako kung saan ako pupwesto.
"Late kana naman!!!" bungad sa akin ni Katandra. Magkatabi kasi kami sa upuan.
"Please... Kahit man lang sa graduation wag mo akong bungangaan." sabay tawa ko sa kanya.
"Ewan ko sayo Totoy."
Maganda ang takbo ng seremonya.. Binigay ang mga awards sa mga deserving na studyante sa aming batch. Nung tinawag na ang mga honor students dun ako nakadama ng inggit kasi sana isa ako sa kanila. Wala naman akong magagawa kasi nga yan ang nakatadhana sa akin.
Tinawag kaming lahat para kumanta na ng graduation song namin na "This is the moment". Syempre ako yung nasa microphone kasi daw MALAKAS ang aking boses. Yun lang ang rason. Ewan ko sa kanila, nahihiya lang sila siguro na aminin sa akin na maganda talaga ang boses ko. Sa totoo lang, ang ganda naman talaga ang boses ko tuwing kakanta ako habang naliligo. Yung favorite song kong "Isang linggong pag-ibig".
Natapos ang aming graduation na puno ng kasiyahan. Masaya ang mga magulang kasi nakatapos na ng high school ang kanilang mga anak. Yung iba umiiyak dahil hindi na sila magkikita kita DAW ng kaklase niya. Dun ako natatawa kasi isang baryo lang kami kaya. Kung makareak at maka iyak parang taga ibang bansa lang...
High school life..... Definitely the best.... for me... For you... And to all of us....

BINABASA MO ANG
In LOVEbabo Si Probinsyano
Teen FictionProbinsyano man ang dating, pero kung ikaw ay liligawan, siguradong mapapaYES ka din..