Mabuting balita ang narinig ko. Pagkagraduate ng aking kapatid agad siyang kumuha ng exam para maging ganap na siyang guro at sa awa ng diyos, nakapasa siya. Dahil sa kakulangan ng mga guro sa amin agad siyang nag-apply at isa sa mga nakapasok. Malaking biyaya, hindi lang sa akin kundi sa buo kung pamilya ang nangyari sa aking kapatid. Malaki na ang pag-asa ko na makatungtong sa kolehiyo at makakapag-aral na.
Pumunta agad ako sa puntod ni Katandra at binalita sa kanya. Paminsan minsan kung binibisita ang aking kaibigan at kinukwentuhan sa mga nangyayari sa akin. Ewan ko ba kung nakikinig siya or naririnig nya ang aking mga sinasabi. Minsan nga inaawitan ko siya ng paborito naming kanta na "The man who can't be moved". Feel na feel ko yun kantahin. May isa ngang pagkakataon na sa sobrang enjoy ko sa pagkanta at napapikit pa ako dahil dinadama ko talaga ang bawat kataga sa kanta ng biglang may malamig na bagay ang dumampi sa aking paa. Nang tinignan ko may bata na nakahawak sa aking paa. Nakaputing damit at nakatingin sa akin. Inocente look ang dating.
"Sino tong bata?" ang pumasok sa isip ko. Tinignan ko ang paligid. Walang tao ni isa. KILLER SMILE ang binigay ko sa kanya pero walang effect, ganun parin ang reaksyon. Ang nakapagtataka, ang lamig talaga ng kanyang kamay.
"Hello baby. What's your name?" tanong ko sa kanya. Same as usual. Parang walang tao. Yun ang kanyang reaksyon.
Kinakabahan na ako. Feeling ko ang buhok ko sa ulo ay tumatayo. Huminga ako ng malalim at biglang tumakbo papalabas. Hindi ko na siya nilingon. Sa tindahan na tapat ng sementeryo ako tumungo at nagpahinga. Hingal na hingal ako at namumutla.
"Iho, parang masama ang pakiramdam natin ah. Namumutla ka ata" sabi ni mamang tindero.
"May bata kasi akong nakita sa loob ng sementeryo na nakaputi.. Hinawakan ako sa paa. Tumakbo nalang ako dahil kinakabahan ako."
"Nakasuot ba ng puting damit ang bata at nasa 3 taong gulang ang edad?" tanong ni mamang tindero.
"Opo. Siya nga ang tinutukoy mo. Nagpaparamdam ba siya talaga dun sa sementeryo?"
"Hahahaha. Apo ko yun iho. Sanabihan kung sabay nalang kaming pumunta sa puntod ng kanyang lola, kabibigay ko lang ng ice candy dun."
"Apo nyo po pala yun. Sorry ho, akala ko talaga multo. Pasensya na po talaga."
"Hahaha. Ok lang yun. Pupuntahan ko nalang siya, yung apo ko talaga oh."
Natawa nalang ako sa pangyayari na yun. Akala ko may multo talaga. Yun ay hindi biro, ang takot na nadama ko ay walang kapares. Kaya tuwing pupunta ako sa puntod ng kaibigan ko sinisigurado ko muna na walang kakaiba sa kapaligiran. Mahirap nang maulit yun.
Papauwi na ako ng sinalubong ako ng aking kapatid. Kami ay nag-usap ng masinsinan.
"Toy, gusto mo bang mag.aral sa darating na pasukan?"
"Gustong gusto ko sana kuya pero baka kapos tayo sa pera."
"Kung pagtutulungan natin, kaya natin yan."
"Sige po. Sisikapin ko rin pong makapasok bilang working student. Malaking tulong din naman sa pag-aaral ko yun."
"Papaaralin kita basta't wag kang gumawa ng kabulastugan at baka hindi ka makatapos. Hindi pinupulot ang pera para lang aksayahin."
"Opo kuya. Alam ko ang sitwasyon ng buhay natin. Sikap lang at makakaraos din tayo."
"Anu ba ang gusto mung kurso na kukunin?"
Nang tinanong na ako ng kapatid ko kung anong kurso ang kukunin ko agad pumasok sa isip ko si Katandra. Ang nangyari sa kanya, ang pagtulong ko sa oras na siya ay nasa kahirapan dulot ng kanyang sakit. Alam ko na kung anong kurso ang aking kukunin. Bukal ito sa aking kalooban.
"Gusto kong maging isang NURSE" sabi ko sa aking kuya ng walang alinlangan.
"Medyo mahihirapan tayo niyan pero kung yan ang gusto mo, pagbibigyan kita."
"Maraming salamat kuya. Hinding hindi kita bibiguin. Hindi masasayang ang pera mo. Makakatapos ako."
"Aasahan ko yan. Asikasuhin mo n ang mga kakailanganin mong papeles upang masimulan mo na ang pag-eenrol mo. Saan ka pala mag-aaral?"
"Sabi ni Marky maganda daw sa kanilang paaralan. Sa Unibersidad ng Tiamon. May nursing course sila at hindi gaanong kamahalan, di tulad sa iba."
"Sige, magandang paaralang naman yan."
Sa gabing yun, hindi ako nakatulog ng mabuti. Excited kasi ako. Binibilang ko sa kalendaryo kung ilang araw nalang ang nalalabi bago ako pumunta sa lungsod para makaenrol nah. Nakalagay na sa isang folder ang mga requirements na kakailanganin sa enrolment, hiningi ko yun kay Marky.
Maraming pumapasok sa aking isipan. Anu ba ang makikita sa lungsod. Hindi kaya ako nakakapunta doon ni isang beses. Nakakatawa diba?. Pumupunta ako palagi kina Marky para kwentuhan nya ako ano ba talaga ang LUNGSOD na hindi ko pa napupuntahan.......

BINABASA MO ANG
In LOVEbabo Si Probinsyano
Teen FictionProbinsyano man ang dating, pero kung ikaw ay liligawan, siguradong mapapaYES ka din..