Back to You

1.3K 18 0
                                    

"Van, sasama ka ba sa amin? Gigimik kami mamaya with our new classmates. You know, para magkapamilyaran na rin." ani ni Larry. Ang isa sa mga kaibigan ko at kaklase na rin.



"Can't pre. May lakad kami ni Gela mamayang gabi. Dinner with her family." tipid ko namang tugon.



"KJ amputa. At saka meet up with the family agad? Akala ko ba fling lang yan?" napapalatak na tanong niya. "Wala pa kayong isang linggo ah."



Napangiwi na lang ako. "Ano bang magagawa ko? Magulang na raw niya ang nag-imbita sa akin sa kanila. Wala na kaming magagawa ron gawa nga ng naabutan kami sa unit niya di ba?" kakatapos lang naming magtalik nang dumating ang mga magulang niya. Mabuti't quickie lang ang ginawa namin. Kung hindi, paniguradong mapapatay ako ng tatay niyang isang retired na sundalo.



"tangina bakit pakiramdam ko mapipikot ka riyan? Wala talaga akong tiwala sa Gela na yan." napapailing niyang tugon. "bahala ka na diyan. Aalis na ako."



Nasa loob pa rin ako ng aming classroom na ngayo'y bakante na. Iilan na lamang kaming nasa loob. Ang ila'y naghahanda na lamang upang makaalis na rin nang lumapit sa akin si Rina. Crush ko si Rina ngunit bibihira ko lamang makausap. Hindi dahil sa hindi niya ako pinapansin. Sa katunayan ay siya pa nga ang lumalapit sa akin. Sadyang ayoko lang talagang mapalapit sa kaniya.



"Van? Pupunta ka ba sa night out mamaya?" kapagkuwan ay tanong niya.



"Hindi siguro. Ikaw ba?" matipid kong tanong.



"Sayang naman kung hindi ka sasama. Iilan lang naman tayo."



"Ilan ba kayong siguradong pupunta?"



"Ako, si Larry, si Tab, si Aina tapos yung apat na transferees." pag-iisa-isa niya ng mga pangalan.



"Si Larry lang at saka ako ang lalake if ever. Ang diyahe naman nun. Alam mo namang hindi ako palakibo lalo pa't mga baguhan yang mga kasama niyo." medyo alanginin kong tugon. Hindi ako masiyadong mahilig makipag-socialize kaya nag-aalangan ako. Kaso ayoko namang masabihang KJ.



"Ano namang masama ron? Kami naman kasama mo. Sige na sama ka na please?" tila pagpapaawa nito na sinabayan pa ng pagkapit sa kaliwang braso ko na tila ba hinahaplos ito.



I let out a deep sigh.



"Osya sige." sasama na lang ako. Tutal nacucurious rin naman ako sa mga bagong estudiyante. Ayon sa mga bali-balita, galing raw sila sa Mason High. Ang isa sa mga sikat at pangmayamang schools aming lugar.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon