CHAPTER 04

332 5 0
                                    

Magmula nung huling beses na nag-usap kami ng seryoso ni Larry, may nagbago na sa kanya. Hindi na niya hinahayaang maiwan kami ni Sahara na kaming dalawa lang. Nung una, ayos lang sa akin kasi naiintindihan ko siya. Pero ngayon kasi, lumalala na, kahit school matters, hinaharang na niya. Naaapektuhan na yung mga responsibilidad namin pareho ni Sahara.

"Ano bang problema ni Lark? Naiinis na ako. Palagi na lang nakabuntot sa akin. Tapos tanong ng tanong kung anong gagawin ko at sinong kasama ko." Bungad ni Sahara nang sa wakas ay mawala si Larry pansamantala. Malapit na ang intramurals kaya't abala na ito sa pagte-training. Isa itong tennis player.

"Nagseselos lang 'yon sa mga umaaligid sa'yo. Baka na-realize niya na dapat ka na niyang pormahan." Kunwari ay pang-aasar ko. Ayoko nang sabihin pa ang napag-usapan namin ni Larry dahil panigurado akong masasabon lang siya at baka makaapekto lang lalo sa aming tatlo.

"Ay nako Van, tigilan mo nga ako diyan sa pang-aasar mo. Alam mo namang bestfriend lang ang tingin ko kay Lark." Nakasimangot niyang sagot. "Akala mo ba hindi ko nahahalata 'yang paglalakad mo sa kaniya sa akin?"

"Ang tagal mo naman bago nagreact." Sarkastiko kong sagot.

Itinigil niya ang pag-sasalansan ng mga gabundok na pamphlets na maya-maya lang ay idi-distribute namin per rooms. "Ewan ko sa'yo. Basta tigilan niyo ako ni Larry, okay? Sakit lang kayo ng ulo."

"Oh bakit nasama ako? Nilalakad ko lang naman yung tao sa'yo."

"Kaya nga tigilan niyo. Hindi ako interesado. At kung magkakainteres man ako, wala akong planong seryosohin yung interes na 'yon dahil mga kaibigan ko kayo." Mahaba niyang litanya.

"So meron nga kayong chance?" Panunudyo ko sa kanya. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Wala!" Padabog niyang sagot.

Nag-iikot kami ng kapwa ko mga officers sa buong paaralan para magdistribute na ng pamphlets. Ito ang schedule ng nalalapit na intrams ng ZPH Academy. ZPH stands for, Zeus, Poseidon and Hades.

Nalibot na namin ang buong school maliban sa 4th year building. Meron itong anim na sections at isa na nga r'on ang kinabibilangan ni Hera. Magmula nung araw na 'yon, ngayon ko na lang uli siya makakasama sa iisang lugar. Kahit pa nagkakasalubong kami sa pasilyo ng aming school ay saglit lamang at bibihira. Tila ba nakikisama ang tadhana sa pag-iwas namin sa isa't-isa.

Mabuti na lamang at si Sahara ang nakatalagang magsalita sa classroom nila kaya't nagpaiwan na lamang ako sa labas at nag-aabang kung sakaling magkulang man ang kanilang ipamimigay.

"So ayun guys, next week na ang School Intramurals. Nandiyan sa mga pamphlets na yan ang schedule of activities at ang iba't-ibang information na kailangan niyong malaman sa nalalapit na intrams. One week ang magiging celebration ng intrams natin kaya inaasahan naming magpa-participate kayo at susuportahan ang candidates niyo sa darating na Mr. And Miss Intrams Coronation na gaganapin sa huling araw. Mag-ready na kayo okay? Sana mas marami pang magparticipate ngayong taon kaysa last year. Sisiguraduhin naming magiging mas masaya ngayon taon at mag-eenjoy ang lahat." Mahabang pahayag ni Sahara.

Hindi maiwasang magkagulo ng mga estudyante dahil sa pananabik. Dalawa lang ang pinaka-pinananabikan ng mga estudyante ng ZPH. Ang JS Prom at ang intramurals. Mayroon kasi kaming taon-taong battle of the bands sa opening ng Intrams week at Mr. And Miss Intrams Ball tuwing closing. Kung hindi ba naman hayok sa party ang mga tao rito.

"Miss, anong line up ng bands this year?" Tanong ng isang estudyante.

"The line up will be announced three days before the opening of the Intrams week. Just be patient guys. Matutuwa kayo, promise." Nagkagulo lalo ang mga estudyante.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon