CHAPTER 08

252 2 0
                                    


"Earth to Vandrei." He snapped his finger in front of me. "Bigla kang natutulala diyan."

Hindi ko alam kung anong i-re-react ko. Kung dapat ba akong matuwa dahil at last, naisipan na niyang magseryoso o mainis dahil bakit ngayon lang? Kung kailan nagkakaroon na kami ng espesyal na koneksiyon ni Sahara. Pakiramdam ko ay tina-traydor ko si Lark.

"Ah wala pare. May naalala lang akong gagawin." pilit akong ngumiti. "So. . . anong plano mo kay Sahara?"

Inabala niya ang sarili niya sa pagbabasa ng school magazine na nakapatong sa ibabaw ng table ko. "Sa ngayon, wala pa. Hindi ako marunong manligaw, alam mo yan. Siguro aamin muna ako? Tapos ikaw na bahala sa lahat." ngumiti siya ng malapad.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Tangina bakit ako pa?

"Why me?" Hindi ko napigilang itanong. Hangga't maaari, ayokong magkaroon ng connection sa mga plano niya. Ayokong dagdagan pa 'yong kasalanan ko sa kaniya.

"Kasi ikaw yung magaling dito, Van. Ikaw yung maraming alam pagdating sa mga babae. Marunong kang kumilala ng babae. Eh ako? Ngayon lang ako kikilala ng babae na walang hahangaring sexual interaction." tinitigan ko siya. He really is serious about what he is saying.

"Seryoso ka nga." Bumuntong hininga ako. "I'll see what I can do. Pero pwede bang siguraduhin mo muna kung pangmatagalan na ba talaga yang gusto mo kasi seryosong bagay ang relasyon. Ayokong ipagpalit mo yung friendship niyo ni Sahara tapos mapupunta lang sa wala. Bestfriend natin si Sahara baka nakakalimutan mo."

Hindi ko alam kung siya ba o ang sarili ko ang kinakausap at pinangangaralan ko. Bestfriend ko si Sahara. Tama ba yung mga ginawa ko? Risking our friendship for this unsure feelings I have. Ni hindi nga ako sigurado kung may nararamdaman ba talaga ako sa kaniya pero gusto ko 'yong atensiyon na binibigay niya sa akin.

"I am serious. Kasi kung hindi, matagal ko na diniskartehan si Sahara. Eh di sana sinama ko na siya sa bilang ng mga babae ko. Hindi ko siya pinakikialaman noon pa dahil alam kong iba siya. Hindi siya yung tipo ng babae na ikinakama lang. Alam ko gago ako pero may respeto naman ako sa mga taong dapat respetuhin." biglang lumungkot ang mukha niya. "Ngayon ko lang ginustong maging matino at seryoso pare. Hinding-hindi ko sasayangin si Sahara."

"I don't want to promise you anything. Kay Sahara pa rin yung sagot dito. Pero gagawin ko kung anong makakaya ko." Fuck. Tutulungan ko yung matalik kong kaibigan sa babaeng ako yung mahal. Hindi ko alam kung ano pa bang mas lalala sa katarantaduhang pinapasok ko ngayon.

Gabi ng Intrams ball. Unti-unti nang nagkakalat ang mga estudiyanteng halatang pinaghandaan ang gabing ito. Suot ang kanilang mga gowns at tuxedos na makikitang hindi lamang basta-basta ang ginastos.

Abala ako sa pag-aayos ng aking bowtie nang may makabangga ako.

"Shit. Sorry." Agad na paghingi ko ng paumanhin.

"Are you okay? You seem. . . distracted." Si Sahara pala ito. She looks nice with her pastel colored gown.

"I'm good. Hindi ko lang maayos tong bowtie ko. Tumatabingi."

Walang sabi-sabi niya itong inayos. Hindi ko alam pero iba ang dating niya ngayong gabi kaya't hindi ko naiwasang titigan siya.

"There. It's all good." Ngumiti ito ng matamis. "Ang gwapo mo tonight."

"Thank you. Tara na?" Iginiya ko na siya papuntang gymnasium kung saan gaganapin ang ball.

Unti-unti na itong napupuno ng mga tao. Ang mga faculty members na halatang nag-effort din para dito, ang officers ng student council na nasa isang mahabang mesa at ang mga estudiyante sa kani-kanilang mga table kasama ang kanilang group of friends.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon