CHAPTER 03

362 5 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang huling mag-usap kami ni Hera. Nakakasalubong ko siya paminsan-minsan sa school ngunit tila isa na lamang siyang estranghero sa paningin ko. Nakakaya ko na kahit papano na ipakitang maayos na ako.


"STRAUSSIE BABY." Bungad ng isang babaeng hindi pamilyar sa akin. Tinitigan ko lamang siya mula ulo hanggang paa. "Hindi mo na ako naaalala?" Malambing niyang tanong habang hinahawakan ang necktie ng uniform ko.


"Hindi kita kilala. So tigilan mo ako at umalis ka sa harap ko dahil marami pa akong gagawin." Inalis ko ang mga kamay niyang humahawak sa akin at naglakad palayo. Sa nakaraang linggong ito, hindi ko na maalala kung ilang beses na ba akong nagising na hindi maalala ang nangyari sa mga nagdaang gabi.


"Seryoso ka ba Vandrei? Hindi mo ako kilala?" Pilit niyang sinasabayan ang paglalakad ko. Tagarito siya sa school ngunit hindi ko siya kilala. At wala akong planong kilalanin siya. "Member ako ng pep squad ng school natin. Nakausap na kita one time. School shits." Tila kinikilig niyang pahayag.


"I don't remember." Lumiko ako sa pasilyong nagdidirekta papunta sa office ng student council.


"Eh yung kagabi? We had—" pinutol ko na agad ang sasabihin niya. Ayoko nang marinig pa at wala akong planong alamin ang mga nangyari.


"Know what? I don't really care. I have something way important to do than listening to your crap." Binuksan ko ang pinto ng office at tumambad sa akin ang mga taong hindi magkandaugaga sa pagrarush ng mga trabahong binigay ko sa kanila. "Wala akong pake kung ano man yung namagitan sa atin kagabi. Kaya siguro hindi ko maalala dahil wala akong planong alalahanin pa, okay? Umalis ka na. Busy pa ako sa mga 'school shits' na pinakikinabangan mo."


Hindi ko na siya inantay na makapagsalita at basta na lamang pinagsarhan ng pinto.


"Pangalawang insidente na yan ah?" Agad na bungad ni Sahara sa akin. Nasa tabi naman niya si Larry na nagpipigil ng tawa. Etong dalawang to lang talaga ang may kapal ng mukhang alaskahin ako.


"Quit it, Sahara. Sisihin mo si Larry. Nilasing ako last night." Pagkaupo ko pa lamang sa table ko ay pinagkaabalahan ko na agad ang mga papeles na nakapatong sa lamesa ko.


"Inayos ko na yang mga yan, wala ka nang dapat alalahanin. Baka limot mong ako ang presidente dito." Pagyayabang niya. "Bhosz Sahara in the house yo!" Hindi ko napigilang matawa sa itsura niya. Hindi nila alam na ang mahinhin at palaging composed na president ng student council ay ganito umakto kapag kaming dalawa lang ni Larry ang nakakakita.


"Tumulo laway mo niyan." Pagbaling ko kay Larry. Nawawala talaga siya sa katinuan kapag kasama namin si Sahara. Matagal ko na actually na pinapasimpleng ilakad siya ngunit siya na mismo ang nagdedecline dahil hindi pa daw siya handa sa isang seryosong relasyon.


"Gago. Lalayas na nga ako. Malapit na magsimula classes ko." Kinuha niya ang bag niya sa katapad na upuan at patamad na tumayo. "Bye mga kupal."


Pag-alis ni Larry ay nagkaroon ng awkward na katahimikan sa pagitan namin. Abala ako sa pagsscan ng phone ko. Ayokong magtaas ng tingin dahil alam kong pinapasadahan ako ng nanunukat na tingin ni Sahara.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon