CHAPTER 10

224 3 0
                                    

Everything's back to normal again. 'Yong everyday routine ko kasama si Hera, nagagawa ko na uli. Miski ang mga estudiyante ng academy ay hindi maikakailang nabigla nang makita kaming dalawa na magkasama ulit.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-offend na nabibigla ang mga tao na magkasama ulit tayo." inakbayan ko siya habang naglalakad kami sa corridor papunta sa classroom niya.

"Hindi na ako magtataka kung kalat na naman 'yan at tayo na naman ang talk of the town." nahihimigan ko ang pagngisi sa boses niya. 

I just chuckled and gave her a quick kiss on the forehead as we reached her classroom. "Laters, pretty." I smiled before slapping her bottom.

Pinanlakihan niya ako ng mata dahilan para matawa ako.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko ay nakasalubong ko si Lark, hindi maipinta ang mukha.

"Hoy. Anong problema mo? Para kang hindi matae diyan." Tinapik ko siya sa balikat upang kunin ang atensiyon niya.

"Ilang araw nang hindi pumapasok si Sahara. Nag-aalala na ako." Natigilan ako. Was it because of what happened?

"Bakit daw? Na-contact mo na ba siya?" Alangan kong tanong.

"Hindi. Pumunta ako sa bahay nila pero wala namang humaharap sa akin. Miski daddy niya, wala ring paramdam." Pabagsak siyang umupo sa upuan niya. Umupo naman ako sa katapat na upuan nito.

"Baka naman nag-out of town? Or baka may inaasikaso?" I reasoned out. He doesn't have to know. Baka makadagdag lang sa gulo.

"Maybe. Babalik ako sa bahay nila. Baka may makuha ako. Just tell me kung i-contact ka man niya." I doubt. Ngali-ngali kong sabihin ang mga salitang 'yan. Pero hindi pwede. Kung ano man ang gulo naming tatlo, gusto kong manatili na lang na sa amin lang. Ayoko nang makisali pa si Lark dahil alam kong ikakasira lang naming dalawa to.

Ang sarap hilahin ng oras hanggang matapos na lahat ng klase. Hindi ako makapag-focus. Naging okay nga kami ni Hera, pero nagkaroon naman ng gulo sa pagitan naming tatlo. I'm torn between doing something or doing nothing. I don't wanna play safe pero relationship namin ni Hera ang itataya ko once na magkamali ako.

"Of all people, why Sahara? She was your best friend. She was my best friend." Tanong sa akin ni Hera nang minsang magkasama kami sa bahay niya.

"I don't know. I was so desperate. I badly wanted to move on. Para maipakita ko sa'yong okay na ako. Na kaya ko na kahit wala ka. And she was there." I sighed. "Pinigilan ko 'yong sarili ko. Sabi ko, hindi pwede kasi magkaibigan kayo. Pero naging mahina ako. Mas pinili kong maging selfish at nag-take advantage ako sa nararamdaman niya para sa akin."

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon