CHAPTER 02

355 5 1
                                    

"Tangina naman Paolo. Nung isang linggo ko pa sinabing ayusin mo na yung problema sa faculty about sa scheduling 'di ba? Palagi ka na lang ganiyan. Ano bang isinali mo sa student council na to? Papogi lang?" Umagang-umaga ang init-init ng ulo ko. Masakit ang ulo ko. Wala akong tulog tapos puro problema pa ang sasalubong sa akin pagdating ko ng school. Vice president lang ako pero bakit parang gawa ko lahat?



"S-sorry. Gagawan ko na ng paraan as soon as possible." Tila naiiyak na sagot ni Paolo. Matapos niya sabihin ito ay lumapit sa akin si Sahara. Siya ang president ng aming student council.




"Ang init na naman ng ulo mo. Relax. Next month pa naman yun. Pini-pressure mo na naman lahat ng tao." Naiiling niyang sabi. "At saka bakit ganiyan itsura mo? Mukha kang addict."




"Wala. Kulang lang ako sa tulog." Sabi ko habang abala ako sa pagtatype sa aking laptop. Sumilip naman siya para tingnan kung anong pinagkakaabalahan ko.




"Oh? Next year pa na project yan ah? Bakit mo pinakikialaman yan? At saka hindi naman na natin hawak yun 'di ba? Para na yan sa mga maiiwan dude." Inagaw niya ang laptop ko para maagaw ang atensiyon ko. "May problema ba? Nilulunod mo na naman sa mga paper works yung sarili mo."




Hindi ako sumagot.




"Si Hera na naman?" Napapataas na kilay niyang sabi. "Diba sabi ko awat--"



"Enough!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. "I've had enough of this. Do you really want me to move on? Then quit connecting all my actions with her. She has nothing to do with this." Padabog akong umalis sa office namin. Hindi na ako magtataka kung kakalat na naman sa buong school tong pag-iinit ko ng ulo. Marami na namang mangingilag na estudyante sa akin.




Parang katulad lang nung bago dumating si Hera. 



Sobrang daming naging pagbabago ang nangyari sa akin magmula nung naging girlfriend ko siya. Naging mas approachable yung aura ko. Nawala yung pagiging stiff ko sa lahat ng bagay. Siya yung literal na nakapagpaamo sa akin.




Nasa rooftop ako ng school namin para magyosi. Isa ako sa tagapagpatupad ng kaayusan sa paaralan na ito pero isa rin ako sa lumalabag sa sarili kong batas. Nasa malalim akong pag-iisip kaya't hindi ko napansing may ibang tao pa pala dito bukod sa akin.




"I thought smoking is strictly prohibited within the school premises?" Napalingon ako sa isang bench sa di kalayuan. "Ikaw ang gumawa ng rule na yan."

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon