CHAPTER 06

261 6 4
                                    

"Van! Dito tayo sa harap!" yakag sa akin ni Sahara habang pinipilit hawiin ang mga estudyanteng nagkakagulo sa pagsabay sa tugtog na pumapailanlang.

"Bakit kasi kailangang dito pa tayo sumiksik? Pwede namang doon tayo sa backstage, makakalapit pa tayo sa mga guest bands." bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kanya upang magkarinigan kami.

"Mas maganda dito kasi ramdam mong nasa concert ka. Ramdam mo yung hype ng mga tao. Mas madadama mo yung kanta. Eh dun sa likod, makakapagwala ka ba ng kagaya nito?" Bigla siyang nag-headbang at nagtatatalon sa masaya at maingay na tugtog. Napapangiti ako. Bihira ko lang makita ang ganitong side niya. Most of the time kasi, kung hindi siya abala sa pang-aalaska sa akin ay academics naman ang pinagkakaabalahan niya.

"Para kang tanga." Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya. Wala na siyang pake basta makapag-wala siya.

Maya-maya pa ay kasali na rin akong nakiki-sigaw at nakikilundag sa musika. Kailan ba ako huling nag-loosen up? Ah, tama. Nung kami pa ni Hera.

Speaking of Hera, ngayon lang siya pumasok ulit sa isip ko sa buong araw na ito. Hmmm. . . improving, Vandrei.

"Oh my God, Tyler, pwedeng magpapicture?" Agad na tanong ni Sahara nang makapasok kami sa backstage at makasalubong niya ang bokalista ng paborito niyang banda na DNA. Ngayon ko lang nakita yung pagiging fan girl na side niya.

"Sure." Malapad na ngiti nito at agad na umakbay kay Sahara. "Pare pwede mo ba kaming kunan? Kung chill lang naman sayo." Marahan niyang kinuha ang cellphone ni Sahara at agarang binato sa akin. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko kung hindi, magiging tatlo tong cellphone niya pag nagkataon.

Agad ko silang kinunan na hindi man lang tinitingnan ang photo kung maayos at malinaw ba. "You're welcome." Agad kong hinablot sa kamay si Sahara at hinila papalabas ng backstage.

"Aray!" Pilit niyang winawaksi ang pagkakahawak ko ng kamay niya. "Ano bang problema mo? Napaka-rude ng ginawa mo ha." Nang sa wakas ay nakalabas na kami, saka ko lamang binitawan ang kamay niya.

"Nakita mong minamanyak ka na, kinikilig ka pa." Sermon ko. "Halata namang gusto lang maka-tsansing ng mayabang na 'yon. Ikaw naman tong si tanga, inuna pa ang kilig kaysa alalahanin ang sarili."

"Wow ha. Thank you sa pagiging concerned pero hindi ako tanga. Parang sa'yo na mismo nanggaling na malandi ako." Nakikita kong nangingilid ang luha niya ngunit nag-putuloy lang ako sa pagmamatigas.

"Wala akong ganung ibig sabihin. Alam mo kung ano yung eksaktong sinasabi ko Sahara. Come on. Wag kang maging immature." I ran my fingers through my hair and sighed in frustration. "Fine. If you thought of it that way, so be it. I was just being concerned." I left afterwards.

Naglalakad ako sa pasilyo papuntang office. Ang tahimik. Kahit maririnig ang bahagyang ingay na nagmumula sa hall, mararamdaman pa rin ang kapayapaan ng gabi. Naisipan kong umakyat ng rooftop upang pagmasdan ang kalangitan.

Magmula nung huling nag-usap kami ni Hera sa lugar na ito, ngayon lang ako ulit nagbalik dito. Kaya ko na pala. . . kaya ko na balikan ang mga lugar na nagpapaalala sa kaniya sa akin. Kaya ko na tumawa. Masakit pa rin pero kaya na. Tolerable na.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng marahang paghikbi sa 'di kalayuan.

"May tao ba diyan?" Binuksan ko ang ilaw sa rooftop upang mas malinaw na makita ang paligid.

"Van?" Tila gulat na turan ni Hera.

"What are you doing here? Are you crying?" Nanatili lang ako sa lugar ko at hinintay siyang sumagot.

"I'm okay. I just wanted to be alone. Ang boring ng concert."

"I remember how much you wanted to go to a concert." Muli ay tumingin ako sa kalangitan. "You were so excited whenever I tell you we'll go."

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon