CHAPTER 11

235 3 0
                                    

"Tangina mo, Vandrei!" sigaw ng isang isang pamilyar na boses. Nang mapalingon ako sa aking likuran ay siya namang pagtama ng isang matigas na bagay sa aking ulo dahilan upang mapaupo ako.

Ramdam ko ang hilo at pag-agos ng dugo sa aking ulo habang dahan-dahan akong bumabangon sa pagkakaupo.

"Kaya pala ayaw mong ligawan ko si Sahara kasi kinakana mo na? Kumusta naman? Masarap ba ha?" Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Lark habang inaambahan ako ng palo. Mabuti na lamang at may iilang tao sa corridor kaya't naawat siya ng mga ito.

"What the fuck is your problem, Lark?" Sabi ko habang marahang tinatapalan ng panyo ang parte ng aking ulo na nagdurugo.

Binitawan niya ang hawak na bat at marahas na itinulak ang isa sa mga estudyanteng umaawat sa kanya. "Tangina mo, Van. Akala ko mapapagkatiwalaan kita pero bantay-salakay ka rin pala."

Nagsimula ang usap-usapan sa paligid.

"Seriously? Why don't you just go straight to the point, Larry?" Narinig ko ang boses ng papalapit na si Hera. Marahan niyang kinuha ang panyong hawak ko saka ito pinalitan ng bimpo bago ito humarap kay Lark. "Ganiyan ka na ba kabaliw sa babaeng 'yon na papatayin mo 'tong best friend mo. My god, so low."

Nakita ko ang lalong pag-usbong ng galit sa mata ni Larry kaya't hinawakan ko sa braso si Hera. "Enough, babe. I'm okay. Let's go." Saka ko siya marahang hinila ngunit hindi ito nagpatinag.

"No. Gusto kong patulan 'tong kahunghangan ng kaibagan mo. Gusto kong malaman kung hanggang saan aabot ang katangahan nito dahil lang sa isang babae. Magpapakatanga na nga lang, sa babaeng hindi pa deserving." Tumawa ito ng nang-uuyam. Kahit kailan talaga, hindi pwedeng hindi mambubwisit ng kaaway 'tong babaeng 'to.

"Bakit hindi mo tanungin 'yang boyfriend mo sa mga kalokohan niya?"

"Jusko Lark. Ikaw na lang yata ang walang alam sa balita. Bulok na 'yan. Nakaalis na lang si Sahara rito, ikaw nasa lumang balita pa. Nag-uungkat ng mga bagay na tapos na." Marahan namang napatawa ang mga nasa paligid na nakikiusyoso lang.

"So alam mo na rin na galing sa bahay ni Sahara 'yang boyfriend mo nung isang gabi? Hindi mo naman siguro na ibi-big deal kung sasabihin ko rito 'yon diba?" Marahas niyang inalis ang pagkakahawak sa kaniya ng ilang estudyante saka ngumiti at humalukipkip.

"Really? Ano, handa kang gumawa ng kwento para lang siraan boyfriend ko? Anong klaseng bestfriend na 'tong nahanap mo, Van?" Muli itong tumawa bago lumingon sa akin. Nang magtama ang aming mata ay napayuko ako.

"I'm sorry. . ." Mahigpit akong napahawak sa braso niya.

Mapait itong tumawa. "Alam mo, gago ka." At isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya bago ito umalis. Natigilan ang mga tao sa paligid. Katulad ko ay nabigla ang mga ito sa mga pagyayari. Si Lark naman ay mapang-asar na ngumiti bago ito tuluyang lumisan.

Kalalabas ko lang ng ospital upang ipatahi ang may kalakihan kong sugat sa ulo nang makasalubong ko si Sahara. Pag-aari nila ang private hospital na pinanggalingan ko.

"Van? What happened?" Mababakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Gustuhin ko mang umiwas ay wala na akong ganang makipagtalo pa.

"Nag-away kami ni Lark. Alam na niya." Matabang kong tugon. "At alam na rin ni Hera na pinuntahan kita. Si Lark mismo ang nagsabi, sa harap ng maraming tao." Malungkot akong tumawa.

"Do you want to talk about it?"

"I'd rather not, Sahara. Masyado ng malaki 'yong gulo, ayoko ng dagdagan pa 'yong mga rason para lumala pa. Let's just stay away from each other." Hindi na ako nag-abala pang tapunan siya ng tingin saka dire-diretsong nilampasan siya.

Ngayon pa Vandrei? Ngayon pang nawala na lahat sa'yo saka mo maiisip na umiwas kay Sahara?

Malungkot akong ngumiti. Nawala na sa akin ang lahat. Si Lark, si Sahara, si Hera, at pati ang pagiging Vice President ng student council. I almost got expelled but the guidance counselor suspended me for one week instead dahil na rin sa mga witness na nagpatotoo na hindi ako ang nagsimula ng gulo. Hindi ko alam kung good thing o bad thing ba 'yon dahil si Lark and na-expell.

Tahimik lang kami sa biyahe ni mommy. Ramdam ko ang disappointment sa kaniya. The way she treats me, and the way she looks at me.

"Mom, I'm sorry." Basag ko sa nakakailang na katahimikan.

Tumango lamang siya.

"I know you're disappointed in me. Nawala ako sa pagiging student council at munttik pa akong ma-expell. I know I deserve the cold treatment pero gusto ko lang mag-sorry talaga. I'm really sorry mom. And to dad." Napayuko ako, pinipigil na tumulo ang  nagbabadyang luha.

"Ii don't care about the achievements Van, nababawi 'yan. 'Yang expulsion? Marami pang ibang school diyan. You know what made me disappointed? 'You cheated on your girlfriend."

"But mom, I didn't. Wala akong iba. Nagkita lang kami ni Sahara pero walang nangyaring iba bukod ro'n." Depensa ko sa sarili ko.

"Alam ba ni Hera na nagkita kayo?" Umiling ako. "May plano ka bang ipaalam sa kan'ya na nagkita kayo?"

Muli ay umiling ako.

"You see, hindi sa physical contact natatapos ang loyalty anak. Kailangan mong maging tapat hanggang sa kahuli-hulihang detalye. The mere fact na plinano mong itago sa kan'ya na nagkita kayo ni Sahara, you already cheated on your girlfriend." Natahimik ako.

"Hindi kita pinalaking gan'yan. Siguro nagkulang ako sa paalala mbsa'yo. Siguro masyado akong naging kampante na kaya mo na mag-isa kaya hindi na kota nabantayan." Naabasag ang tinig niya. "I'm disappointed in myself more than I am, with you."

"Mom. . . It's not your fault. Lahat 'yon kasalanan ko. Please, don't blame youself." Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Nakarating na pala kami.

Mula ng bumaba kami ay hindi na ako muling kinibo ni mommy. Sobrang sama nga talaga ng loob niya. Dapat kong ayusin 'to.

To: Hera Mason
Love, can we talk?

Hindi ako umaasa ng response pero sinubukan ko pa rin. Halos magsasampung minuto na akong naghihintay ng response kaya muli akong nagtext.

To: Hera Mason
Please? We need this. You need this.

From: Hera Mason
So you can feed me with your filthy lies again, Van? No, thanks.

To: Hera Mason
No. Just let me see you. Sasabihin ko lahat. And after that, your decision.

Sasabihin ko na lahat. Kung ano man ang mangyayari, hahayaan ko na lang. Handa akong harapin lahat ng consequences ng actions ko.

From: Hera Mason

Meet me at my house, tonight.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon